You are on page 1of 2

Lakbay Sanayasay:

Ang pagliwaliw namin sa Lake Sebu kasama ang pamilya.


Maaga akong nagising dahil sa esperanza pa kami at sa tacurong kami magkikita nila ante,
pagdating naming sa Tacurong ay nakahanda na ang Van na sasakyan naming sa papuntang Lake Sebu.
Humigit kumulang isang oras at kalahati ang byahe paunta doon. Ang una naming pinuntahan ay ant
Punta Isla lake Resort. Ang ganda ng lugar at kitang kita ko doon ang napakagandang lawa, sobrang
lawak nito at napakaraming Fish pond na nakapalibot, marami ding bangka ang umiikot sa lawa. Mabait
yung manager nila na sinalubong kami sa pagadating namin, may edad na siya pero ang sigla niya parin.
Medyo mabundok yung resort kaya bumaba kami at puwesto sa kubo na lumulutang sa lawa. Para maka
punta doon ay kailangan pang sumakay sa bangka na hinihila ng lubid. Mabait si kuya tagahila at
nagtatawanan pa kami sa loob ng bangka, yung bangka na hinihila ay kayang suportahan ang pitong tao.
At ayun na nag order na yung mga tiyahin ko ng pagkain, medyo matagal yung serving nila pero ok lang
din naman kasi sa ilalim ng kubo ay maaaliw ka naman sa mga isda na palangoy-langoy lang. Nakita pa
naming hinuli yung tilapia na kakainin namin, nasa fish pond na sila at sinasandok nalang ng fishnet at
lulutuin. Kumain na kami at ang serving ay specialty nila ang sinugbang tilapia, masarap talaga yung
tilapia at nakita pa namin kung paano hinuli yun kanina at niluto. Yung ikalawang putahe ay chicharon na
tilapia, noong sinerve na samin ay hindi na medyo malutong pero ok parin naman. Nagbiro pa nga yung si
ante Inday na minicrowave lang daw yung chicharon. Isa pa palang paalala kung pupunta kayo dun at
magdadala ng sarili nyong kanin ay may sinisingil silang pera depende sa dala. Busog at ready na kami
papunta sa Susunod naming destinasyon.

Sumakay na kami sa Van at nagtungo sa 7 falls. Meron silang entrance fee pero di ko nalaman
kasi sila ante na nagbayad sa aming lahat. Yung unang falls ay sobrang taas at ang lamig lamig pa doon
pagmalapitan. May nakitang kaming mga tao na parang may hinahanap o may kinukuha sa paanan at sa
mga inaagusan ng falls, nalaman kong mga T’boli sila dahil sa mga damit nila, Busy yung mga matanda
pero yung mga bata ay sobrang saya at naglalaro pa sa inaagusan ng falls. Nagpatuloy kami at may nakita
kaming fake na zipline na pwedeng magpapicture, dahil background nito ang first na falls, yung kapatid
ko sumubok at nagpapicture pero wala naman thrill kasi di naman totoo.Tsaka fifty pesos ang bayad don.
Pumunta kami sa isa sa mg kubo doon na nagbibinta ng mga souvenier magaganda yung mga souvenier
tsaka yung nagtitinda. Mura lang yung mga bracelet mula ten to fifteen pesos, yung mga pito naman na
minimimic yung tunog ng mga ibon ay twenty to twenty five pesos. Nagkaaayaan kami ng kapatid ko na
sumakay ng totoong zipline, excited ako dahil first time ko yun. Nagmakaawa kami kay mama na
pasakayin kami ng zipline at sa huli ako lang ang pwede dahil bata paraw ang kapatid ko at may age limit.
Sabay kami ng pinsan ko na si ate Lea na nagzipline,first niya rin yun kaya sobrang takot kami at excited.
At ayon na ilang segundo nalang at itatapon na kami sa sobrang taas, nakaklulala, at sumasakit na tiyan
ko sa kaba at ayun umarangkada na kami! Pag andar ng zipline ay grabe yung sigaw ko, as in sobra si ate
Lea minumura na niya yung zipline, halohalo yung emosyun namin nun at di nanamin namalayan tapos
na, pero hindi pa pala may second round pa pabalik pero mas mababa na kesa sa nauna, yung naghihintay
kami para sa second round at mula roon makikita yung dalawang falls na magkatabi sa sobranga taas
makikita mona yung rainbow mula dun sa waiting area. At ayun na second round na, hindi na ako medyo
takot andyan parin ang kaba, at ayun na for the second time yun parin yung reaksyon ko sobrang lakas ng
sigaw ko at ayun naghihntay na pala mga kamag anak naming dun sa kabilang banda. Inggit na inggit pa
nga yung kapatid ko. Sa lahat, ang damage per head ay four hundered fifty pesos. Nag meryenda na kami
sa van at nagliwaliw pa ng kunti di nanamin natapos yung pang pitong falls kasi hapon na.

Umuwi na kami at pagadating namin ng isulan ay nagdesisyon kaming kumain sa Mang Inasal,
ewan pero mas nabusog pa ako sa Mang Inasal kesa dun sa punta Isla. Yung kinain ko ay unli rice na tig
one hundred twenty nine with drinks. Ambilis ko kumain dun at kasama ko pa sa mesa yung driver
naming na si kuya Glen. May katabaan si kuya pero mabait mas marami pa nga yung tawa namin sa mesa
at mas lalo sumarap yung pagkain. Sa huli hanggang pang apat na rice lang ako di ko na kayang ipasok sa
lalamunan ko e. at balik na ulit kami sa Van papuntang Tacurong. Napagtanto ko na paminsan minsan ay
kailangan din ng isang pamilya na magliwaliw para maglibang at mapalalim pa ang samahan ng
magkakapamilya. Over all pagpunta ko sa Lake Sebu ay 9/10 syempre kasama na dun yung first zipline
ko.

You might also like