You are on page 1of 2

Sa bawat araw na lumilipas, palagi kong iniisip kung ano ang mga memorya na naranasan ko sa

aking buhay. Bunga ito ng pagpapahalaga ko sa mga pamilya ko. Ang paglalakbay ang daan upang
magkaroon ng pakikipag-ugnayan ng mga miyembro ng isang pamilya. Ang memorya ay imporante sa
buhay dahil ito ay parang simbolo ng pagsulong sa buhay.

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalong
lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang
bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito
upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga ba
ganoon ang tawag sa lugar na iyon. Sa dinami dami ng mga nalakbay ko na tanawin sa buhay ko. Ang
paglalakbay na kasama ko ang aking pamilya sa Baguio ay patuloy kong hindi makakalimutan.

Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Napag-isipan ng aking
ina na maglakbay kami sa lungsod ng Baguio upang mag bakasyon noong summer. Ang Baguio ay isa sa
mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon, kilala ito bilang “Summer Capital of the
Philippines” hindi dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak ang
temperatura dito kapag sumasapit na ang kapaskuhan at masarap din sa Baguio mag bakasyon tuwing
panahon ng tag-init. At talaga namang dinadayo ito ng maraming tao dahil para sa kanila dito masarap
ipagdiwang ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Sa bakasyon na ito naramdaman
ko ulit ang diwa ng buhay at ako’y naging masaya. Burham Park, Mines View, BenCab Museum,
Philippine Military Academy (PMA), Bell Church, at Strawberry Farm ang mga lugar na pinuntahan namin
sa buong paglalakbay saa Baguio. Kakaiba ung klima dun dahil mas malamig ung temperatura dun kesa
sa ibang lugar sa PIlipinas. Sa sobrang lamig ng kilma doon knakailangan mo sumuot ng jacket upang
manatiling mainit ang pakiramdam ng katawan. Sa ikatlong araw namin doon, hindi kami natuloy sa
pupuntahan namin hudyant ng pagbagsak ng malakas na ulan. Unang beses ko palang makasakay ng
kabayo at makakita ng sakahan ng mga strawberries. Sa Burnham Park, maraming bisikleta ang
matatagpuan at pwede ito upahan. Sobrang masaya sakin ung paggamit ng bisikleta dahil
naramamdaman ko na ako ay nasa ibang bansa dahil kakaiba ung klima at marami akong nakikita na
dayuhan sa paligid. Ang pinaka masaya na ginawa namin sa Baguio ung paghanap ng mga tourist spots
sa Baguio dahil kami ay palaging naliligaw at nagkakaroon kami ng family bonding sa mga oras na
hinahanap namin ung mga lugar na yun. Sa kasalukuyan, napansin ko na unti-unting nawawala ang
kagandahan ng Baguio dahil sa dami ng mga turista na pumupunta dito bawat taon.

Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan bagkus noong unang araw
ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming ipagdiwang ang BAGONG TAON ay nagsimula na kaming
gumayak mula Pampanga hanggang sa makarating kami sa Baguio. Pumunta kami doon dahil doon nais
ng aking pinsan na ipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan. At dahil unang araw naming
magpipinsan na pumunta doon kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating na doon.

At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin namin doon ay ang Strawberry Farm.
Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na tinatawag din na Preyas. Sa loob ng tatlong araw
namin sa Baguio ay marami akong nalaman sa lugar na iyonat dito ko rin nalaman kung bakit nga ito
tinatangkilik ng mga turista.
Sa pagdaan ng panahon, gusto kong makaranas ng kakaibang karanasan sa buhay. Itong
karanasan na makapunta sa ibang isla ng Pilipinas tulad ng Visayas at Mindanao. Mas pipiliin ko muna
puntahan ang mga ibang lugar sa ating bansa bago ang ibang bansa dahil mas kumportable ako at hindi
ako kinakahiya ng mga tao sa paligid ko. Sobrang sentimental sakin ang mga oras na kasama ko akin
pamilya lalo na sa mga panahon na kasama mo sila sa paglalakbay. Hindi ko kakalimutan ung panahon
na kasama ko sila Baguio dahil doon ung pinaka masayang memorya ng buhay ko.

You might also like