You are on page 1of 27

Pagsulat ng Panukalang

Proyekto
Ang panukalang proyekto ay detalyadong
deskripsiyon ng isang serye ng mga aktibidad na
naglalayong maresolba ang isang tiyak na
problema, (Nebiu, 2000).
Ang isang panukalang proyekto ay kadalasang
nakasulat, minsan ito ay anyong oral na
presentasyon, o kaya ay kombinasyon ng mga
ito:
Maikling panukalang proyekto.
Ang isang maikling panukalang proyekto
ay mayroon lamang dalawa hanggang 10
pahina na kadalasang na sa anyong liham
lamang.
Mahabang panukalang proyekto.
Ang mahabang bersyon ay naglalaman ng
mahigit sa sampung pahina. Magkapareho
lamang ang nilalaman ng dalawang uri ng
proposal; nagiging elaborated lamang at
susunod sa isang structured format ang
mahabang bersyon.
KATANGIAN
Solicited o Unsolicited.
Ang isang panukalang proyekto na isinagawa
dahil may pabatid ang isang organisayon sa
kanilang pangangailangan ng isang proposal ay
itinatawag na solicited proposal, samantalang
kung wala naman at kusa o nagbaka-sali lamang
ang proponent ay maituturing itong unsolicited.
Internal o Eksternal.
Maari itong internal o yaong inihain sa loob ng
kinabibilangan organisasyon, o eksternal na
isang panukala para sa organisasyong di-
kinabibilangan ng proponent.
Ang panukalang proyekto ay isang
aplikasyon tungkol sa pag apruba para
sa iasang proyekto.
Pangunahing Balangkas ng
Panukalang Proyekto
Panimula
- dito inilalahad ang mga
rasyonal o ang mga suliranin,
layunin, o motibasyon.
Katawan
- dito inilalagay ang detalye
ng mga kailangang gawin at
ang iminumungkahing badyet
para sa mga ito.
Kongklusyon
- dito inilalahad ang mga
benepisyong maaaring idulot
ng proyekto.
Anu-ano naman ang mga
espesipikong laman ng panukalang
proyekto?
PAMAGAT
dapat na malinaw at maikli.
Halimbawa: “Panukala para sa TULAAN 2016 sa
Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”, “Kahaandaan sa oras ng
Kalamidad”
PROPONENT NG PROYEKTO
tumutukoy sa tao o organisasyong
nagmumungkahi ng proyekto isinusulat dito
ang adres, e-mail, cell phone o telepono, at
lagda ng tao o organisasyon.
Halimbawa: Bb. Rose Ann Mangoba at G. Renz Geronimo
KATEGORYA NG PROYEKTO
ang proyekto ba ay seminar, o kumprensiya,
palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o
outreach program?
Halimbawa: Ang gawain ay isang seminar para sa mga
estudyante bilang paghahanda sa mga darating na kalamidad.
PETSA
kailan ipadadala ang proposal at ano ang
inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto?
Halimbawa: Ang seminar ay magtatagal ng 2 oras mula 9:00
ng umaga hanggang 12:00 ng hapon ng Agosto 17,2018.
RASYONAL
ilalahad dito ang mga pangangailangan sa
pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang
kahalagahan nito.
Halimbawa ng Rasyonal:
Walang nakakaalam kung kailan darating ang isang kalamidad.
Sinasabing maari itong maganap sa hindi inaasahang oras. Kaya’t
ang proyektong Kahaandaan sa oras ng Kalamidad ay napapanahon
at hindi mawawala sa uso. Ito ay naglalayong gawing handa ang mga
estudyanteng senior high na mula sa Lagro High School. 100
estudyante ang inaasahang dadalo sa seminar bilang mga
respondente. Maituturing na mapalad ang gagawing proyektong ito
dahil dadalo ang ilang opisyal ng NDRRMC at Red Cross bilang mga
speaker.
DESKRIPSYON NG PROYEKTO
- isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin
- nakadetalye dito ang mga pinaplanong paraan
upang maisagawa ang proyekto at ang
inaasahang haba ng panahon.
Halimbawa ng Deskripsyon ng Proyekto: Ang Seminar ay
tinatawag na “Disaster Preparedness” para sa mga mag-aaral.
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o mga dapat gawin bago at sa
panahon ng Kalamidad. Mahalagang malaman ng mga mag-
aaral ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.
Ipapaliwanag dito ang mga mahahalagang impormasyon upang
hindi mailto o maguluhan ang mga mag-aaral kung paano ang
gagawin sa oras ng kalamidad.
BADYET
itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang
gastusin sa pagkompleto ng proyekto
Halimbawa ng Badyet: Sa proyektong ito tinatayang nasa
P4,000 ang kabuuang halaga na inilalaan sa sumusunod na
pagkakagastusan.
Aytem Halaga Kabuuan
Honorarium ng Ispiker P2,000 P2,000
Pagkain ng Ispiker P500 P500
Sertipiko ng Ispiker na may P200 P200
Frame
Sertipiko ng mga Kalahok P2 x 100 P200
Tarpaulin P550 x 2 P1,100
KABUUAN: P4,000
PAKINABANG
ano ang pakinabang ng proyekto sa mga
direktang maaapektuhan nito-sa ahensiya o
indibidwal na tumulong upang maisagawa ang
proyekto?
Halimbawa ng Pakinabang: Ang makikinabang
ay mag-aaral ng Lagro High School Senior High
School. Ang layunin ay maging handa ang bawat
mag-aaral sa pagdating ng sakuna o kalamidad.
salamat.
IKA-14 NA GRUPO:
BABIS, Dominique Leigh
VEGA, Irish Kaye
GAYOTIN, Marviane Sigrid

You might also like