You are on page 1of 4

EVELAND CHRISTIAN COLLEGE

San Mateo, Isabela


Second Quarter
LEARNER’S GUIDE 6

SUBJECT: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) 12 DATE: Dec. 5-9,2022

ENGAGE/PAGGANYAK:

Bilang isang mag-aaral ano ang nais mong gawing proyekto para sa iyong paaralan? Bakit?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

VISUALIZE/LAYUNIN:

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. makilala ang panukalang proyekto ayon sa kahulugan, layunin; gamit, katangian, at


anyo;
2. matukoy ang ilang tips sa pagsulat ng panukalang proyekto; at
3. makasulat ng isang panukalang proyekto.

EXPLORE/SANGGUNIAN:

Dela Cruz, Mar Anthony S. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik, 107-113.
Diwa Learning Systems Inc.

LEARN/PAKSANG ARALIN:

PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

Paghahanda sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Paano sisimulan ang pagsulat ng panukalang proyekto? Bago magsulat, kailangan munang malinaw
ang nais na mangyari sa binabalak na proyekto. Ano ang naiisip mong proyekto? Ano-ano ang mga layunin
nito? Bakit kailangang isagawa ito? Kailan at saan mangyayari ang proyekto? Gaano ito katagal? Sino sino
ang makikinabang sa proyekto? Kailangan ding tukuyin kung magkano ang iminumungkahing badyet at
kung sino-sino ang sangkot sa pagsasakatuparan ng proyekto. Kailangang ipaliwanag nang mabuti ang mga
ito sa isusulat na panukalang proyekto.

Tandaan, dapat ay makatotohanan ang iminumungkahi. Kung hindi makatotohanan dahil sa laki ng
kinakailangang badyet, limitasyon sa panahon o lugar, kakulangan ng tao, at iba pang salik, malaki ang
posibilidad na hindi ito maaaprubahan ng ahensiya ng pamahalaan o pribadong indibidwal o institusyon na
siyang magdedesisyon kung maisasakatuparan ang panukalang proyekto.

MGA BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO


Ang mga akademikong sulatin ay karaniwang nahahati sa tatlong bahagi: panimula, katawan, at
kongklusyon. Ang estrukturang ito din ang susundan sa pagsulat ng panukalang proyekto. Sa unang bahagi
ng panukalang proyekto, ilalahad ang rasyonal o ang mga suliranin. layunin, o motibasyon. Sa katawan
naman ilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at ang iminumungkahing badyet para sa mga ito. Sa
kongklusyon, ilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto.

Ang mga sumusunod naman ang mga espesipikong laman ng panukalang proyekto, ayon sa
pagkakasunod-sunod.

 Pamagat. Tiyaking malinaw at maikli ang pamagat. Halimbawa, "Panukala para sa TULAAN 2015
sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika."
 Proponent ng Proyekto. Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto.
Isinusulat dito ang adress, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o organisasyon.
 Kategorya ng Proyekto. Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya. palihan, pananaliksik.
patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
 Petsa. Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan
ang proyekto?
 Rasyonal. Ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang
kahalagahan nito.
 Deskripsiyon ng Proyekto. Isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na layunin o kung ano ang nais
matamo ng panukalang proyekto. Nakadetalye rito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa
ang proyekto at ang inaasahang haba ng panahon upang makompleto ito.
 Badyet. Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto
 Pakinabang. Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito-sa ahensiya o
indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto?

PAGGAWA NG PLAN OF ACTION

Sa panukalang proyekto, kailangan linawin ang mga bagay na dapat gawin ayon sa kanilang
pagkakasunod sunod. Tukuyin din ang haba ng panahong gugugulin sa bawat gawain. Kung kailangan,
ipaloob dito ang mga taong nakatalaga para sa bawat gawain.
Tiyaking makatotohanan ang planong gawain at naisasaalang-alang ang pondo at panahong
gagastuhin at gugugulin dito. Ang sumusunod ay halimbawa ng plano ng gawain para sa isang programang
nais idaos ng mga guro sa Filipino sa isang unibersidad:

PLAN OF ACTION PARA SA TULAAN 2015

1. Pag-apruba at paglabas ng badyet (7 araw)


2. Pagbuo ng mga opisyal at puno ng mga komite (1 araw)
3. Reserbasyon ng pagdarausan ng programa, lighting at sound system, at catering service (1 araw)
4. Pagkontak sa mga makatang lalahok at pagtiyak sa kanilang pagdalo (7 araw)
5. Paggawa at distribusyon ng mga publicity material (3 araw)
6. Pagpapadala ng mga liham-imbitasyon sa mga opisyal ng unibersidad (1 araw)
7. Pag-aayos ng entablado at ng venue (kalahating araw)
8. Programa (kalahating araw)
MUNGKAHING BADYET

Hindi maidaraos ang proyekto, gaano man kahalaga ang layunin nito, kung walang badyet. Sa
panukalang proyekto, itala ang inaasahang gastusin ng proyekto upang maisakatuparan ang mga layunin
nito. Maging maingat sa paggawa ng panukalang badyet. Isaisip ang mga bagay na talagang kailangan sa
proyekto. Halimbawa, ang pagrenta ng mga sasakyan ay hindi naman talaga kailangan sa pagsusundo at
paghahatid sa mga guest speaker dahil mayroon na kayong sasakyang ginagamit para dito.

Ang sumusunod ay halimbawa ng mungkahing badyet para sa programang idaraos para sa


pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa isang unibersidad:

Item Halaga
Venue ₱10000.00
Lighting at sound system ₱7000.00
Disenyo ng etablado
Bulaklak ₱500 x 2 ₱1000.00
Iba pa ₱500 ₱500.00
Publicity Material
Tarpaulin ₱600 x 2 ₱1200.00
Poster ₱50 x 10 ₱500.00
Pagkain
Awdiyens (cocktail) ₱50 x 100 ₱5000.00
Mga organizer, guro, makata ₱100 x 30 ₱3000.00
Honorarium para sa mga dadalong makata ₱1000 x 5 ₱5000.00
Token para sa mga dadalong makata ₱300 x 5 ₱1500.00
Kabuuang Halaga ₱34700.00

ILAN PANG TIPS SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

 Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensiya sa pag aapruba ng
panukalang proyekto.
 Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto. Mahihirapang tumanggi
ang nilalapitang opisina o ahensiya kung nakita nilang malaki ang maitutulong nito sa mga
indibidwal o grupong target ng proyekto.
 Tiyaking malinaw, makatotohanan, at makatuwiran ang badyet sa gagawing panukalang proyekto.
 Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi ng panukalang proyekto.
Gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap. Iwasan ang maging maligoy. Hindi makatutulong
kung hihigit sa 10 pahina ang panukalang proyekto.

Inihanda nina:

MARY JANE P. GABAYAN

MAY M. CORPUZ

Pinamatnugutan ni:
AIDA N. AGCAOILI
Principal

EVELAND CHRISTIAN COLLEGE


San Mateo, Isabela
SECOND QUARTER
LEARNER’S WORKSHEET 6

SUBJECT: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) All Grade 12 DATE: December 5-9,
2022

Name:__________________________________________ Grade&Section:______________________

APPLY/PAGSASANAY:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit kailangang makatotohanan at makatuwiran ang panukalang proyekto? Ipaliwanag.


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

NOURISH/PAGPAPAHALAGA:

Anong ugali ng isang epektibong mamamayang Kristiyano ang kailangang taglayin sa


pagsulat ng panukalang badyet? Bakit?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

DO/PAGTATAYA:

Ikaw ang tagapangulo ng Sangguniang Kabataan (SK) ng inyong barangay. Bukod sa palakasan, na
siyang tinututukan ng halos lahat ng SK sa inyong bayan, ang iyong pamunuan ay nakatuon din sa
pagtataguyod ng edukasyon. Kaya sa taong ito, nagpasiya ka at ang iyong mga kagawad na magdaos ng
seminar-workshop na lilinang sa kasanayan sa akademikong pagsulat ng mga katutubong kabataan sa
inyong barangay. Upang maisagawa ito, magsusulat ka muna ng panukalang ihaharap mo sa inyong
pamahalaang bayan. Tatayain ang iyong panukalang proyekto ayon sa kasapatan ng impormasyon, porma at
organisasyon, pagiging makatotohanan ng mga gawain at badyet, at baybay ng mga salita at balarila. Isulat
ito sa short bond paper.

(Ang mga sagot ay maaaring magkakaiba.)

You might also like