You are on page 1of 13

PAGSULAT NG

PANUKALANG
PROYEKTO
PANUKALANG PROYEKTO
Ang Panukalang Proyekto ay A Project Proposal is a
isang proposal o pagpaplano ng proposal or planning of a
isang minumungkaing proposed project. It
proyekto. Nakasaad rito ang outlines the steps needed
mga hakbang na kinakailangan to accomplish the desired
upang magawa ang ninanais na goal.
layunin.
Paghahanda sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto
Bago magsulat, kailangan munang malinaw ang nais na mangyari
sa binabalak na proyekto.
Ano ang naiisip mong proyekto?
Ano-ano ang mga layunin nito? Bakit kailangang isagawa ito?
Kailan at saan mangyayari ang proyekto?
Gaano ito katagal?
Sino-sino ang makikinabang sa proyekto?

Kailangan din tukuyin kung magkano ang iminumungkahing badyet


at kung sino-sino ang sangkot sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Kailangang ipaliwanag ng mabuti ang mga ito sa isusulat na
panukalang proyekto.
Tandaan. Dapat ay makatotohanan ang iminumungkahi.
Kung hindi makatotohanan dahil sa laki ng kinakailangang
badyet, limitasyon sa panahon o lugar, kakulangan ngtao, at
iba pang salik, Malaki ang posibilidad na hindi ito
maaprubahan ng ahensiya ng pamahalaan o pribadong
indibidwal na siyang magdedesisyon kung
maisasakatuparan ang panukalang proyekto.
Mga bahagi ng Panukalang Proyekto
And mga akademikong sulatin ay karaniwang nahahati sa
tatlong bahagi: panimula, katawan, at konklusyon. Ang
estrukturang ito din ang susundan sa pagsulat ng
panukalang proyekto. Sa unang bahagi ng panukalang
proyekto, ilalahad ang rasyonal o ang mga suliranin,
layunin o motibasyon. Sa katawan naman ilalagay ang
detalye ng mga kailangang gawin at ang iminumungkahing
badyet para sa mga ito. Sa konklusyon, ilalahad ang mga
benepisyong maaaring idulot ng proyekto.
Ang mga sumusunod naman ang espisipikong laman ng panikalang
proyekto, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Pamagat. Tiyaking malinaw at maikli ang pamagat. Halimbawa,
“Panukala para sa TULAAN 2019 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika.”
Proponent ng Proyekto. Tumutukoy ito sa tao o organisasyong
nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat ditto ang address, e-mail, cell
phone o telepono, at lagda ng tao o organisasyon.
Kategorya ng Proyekto. Ang proyekto ba ay seminar o kumperehensiya,
palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
Petsa. Kailan ipapadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng
panahon upang maisakatuparan ang proyekto?
Rasyonal. Ilalahad ditto ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan
ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito.
Deskripsyon ng Proyekto. Isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na
layunin o kung ano ang nais na matamo ng panukalang proyekto.
Nakadetalye rito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang
proyekto at ang inaasahang haba ng panahon upang makompleto ito.
Badyet. Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa
pagkompleto ng proyekto.
Pakinabang: Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang
maaapektuhan nito---sa ahensiya o indibidwal na tumulong upang
maisagawa ang proyekto.
MAHALAGANG IDEYA
Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isipin mo na nakikipag-usap ka sa
iyong kliyente at ang layunin mo ay itanghal ang iyong produkto o serbisyo
upang kaniya itong tangkilikin.
Paggawa ng Plan of Action
Sa panukalang proyekto, kailangang linawin ang mga bagay na dapat
gawin ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod. Tukuyin din ang haba ng
panahong gugugulin sa bawat Gawain. Kung kailangan, ipaloob ditto ang
mga taong nakatalaga para sa bawat Gawain.
Tiyaking makataotohanan ang planong Gawain at naisasaalang-alang ang
pondo at panahong gagastusin at gugugulin ditto. Ang sumusunod ay
halimbawa ng plano ng Gawain para sa isang programang nais idaos ng mga
guro sa Filipino sa isang unibersidad:
MAHALAGANG IDEYA
Tiyaking lohikal ang pagkakasunod-sunod ng
mga planong Gawain upang maipakita sa mag-
aapruba ng panukalang proyekto na iti ay
organisado at sigurado.
Plan of Action para sa TULAAN 2019
1. Pag-apruba at paglabas ng badyet (7araw)
2. Pagbuo ng mga opisyal at puno ng mga komite (1 araw)
3. Reserbasyon ng pagdarausan ng programa, lightning at sound system, at catering
service (1 araw)
4. Pagkontak sa mga makatang lalahok at pagtiyak sa kanilang pagdalo (7 araw)
5. Paggawa at distribusyon ng mga publicity material(3araw)
6. Pagpapadala ng mga liham imbitasyon sa mga opisyal ng unibersidad (1araw)
7. Pag-aayos ng entablado at venue (kalahating araw)
8. Programa (kalahating araw)
Mungkahing Badyet
Hindi maidaraos ang proyekto, gaano man kahalaga ang layunin
nito, kung walang badyet. Sa panukalang proyekto, itala ang
inaasahang gastusin ng proyekto upang maisakatuparan ang mga
layunin nito. Maging maingat sa paggawa ng panukalang badyet.
Isaisip ang mga bagay na talagang kailangan sa proyekto.
Haloimbawa, ang pagrenta ng mga sasakyan ay hindi naman
talaga kailangan sa pagsundo at paghahatid sa mga guest speaker
dahail mayroon na kayong sasakyang gagamitin para ditto. Ang
mga sumusunod ay halimbawa ng mungkahing badyet para sa
programanga idaraos sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa isang
unibersidad:
Item Halaga
Venue ₱10.000.00
Lightning at sound system ₱7 000.00

Disensyo ng entablado
Bulaklak ₱500 x 2 ₱1,000.00
Iba pa ₱500 ₱500.00
Publicity Material
Tarpaulin ₱600 x 2 ₱1,200.00
Poster
Pagkain ₱50 x 30 ₱500.00
Awdiyens (cocktail) ₱50 x 100 ₱5,000.00
Mga organizer, guro, makata ₱100 x 30 ₱3,000.00
Honorarium para sa mga dadalong ₱1000 x 5 ₱5,000.00
makata
Token para sa mga dadalong makata ₱300 x 5 ₱1,500.00
Kabuang Halaga ₱ 34,700.00
SURIIN ANG MUNGKAHING BADYET AT IPALIWANAG ANG IYONG NASURI AT NAPANSIN.

You might also like