You are on page 1of 33

"PANUKALANG

PROYEKTO"
Gawing makatotohanan at
makatuwiran ang panukalang
proyekto at itanghal ang mga
pakinabang na makukuha rito.
Anu-ano ang mga
bahagi nito?
1 Panimula
• dito inilalahad ang
mga rasyonal o ang mga
suliranin, layunin, o
motibasyon.
2 Katawan
• dito inilalagay ang
detalye ng mga kailangang
gawin at ang
iminumungkahing badyet
para sa mga ito
3 Kongklusyon
• dito inilalahad ang mga
benepisyong maaaring
idulot ng proyekto
Anu-ano naman ang mga
espesipikong laman
ng panukalang proyekto?
1 PAMAGAT
• dapat na malinaw at
maikli
Halimbawa:
“Panukala para sa TULAAN
2016 sa Pagdiriwang ng Buwan ng
Wika”
2 PROPONENT
NG PROYEKTO
• tumutukoy sa tao o organisasyong
nagmumungkahi ng proyekto

isinusulat dito ang adres, e-mail,


cell phone o telepono, at lagda ng tao o
organisasyon
3 KATEGORYA
NG PROYEKTO
• Ang proyekto ba ay seminar, o
kumprensiya, palihan, pananaliksik,
patimpalak, konsiyerto, o outreach
program?
4 PETSA
• Kailan ipadadala ang proposal
at ano ang inaasahang haba ng
panahon upang maisakatuparan
ang proyekto?
5 RASYONAL
• ilalahad dito ang mga
pangangailangan sa
pagsasakatuparan ng proyekto at
kung ano ang kahalagahan nito
6 DESKRIPSYON NG
PROYEKTO
• - isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin

• - nakadetalye dito ang mga pinaplanong


paraan upang maisagawa ang proyekto at ang
inaasahang haba ng panahon
7 BADYET
• itatala rito ang detalye ng
lahat ng inaasahang gastusin
sa pagkompleto ng proyekto
8 PAKINABANG
• Ano ang pakinabang ng proyekto
sa mga direktang maaapektuhan
nito-sa ahensiya o indibidwal na
tumulong upang maisagawa ang
proyekto?
Maikling
Pagsusulit
Aling bahagi ng
panukalang proyekto ang
inilalarawan sa bawat
bilang?
1
Humihiling kami ng ₱ 40, 000
upang maisakatuparan
naming nang lubos ang mga
layunin ng proyekto.
2
Tatagal ng tatlong araw ang
seminar-workshop, mula ika-28
hanggang ika-30 ng Agosto 2016
3
Konsultasyon ng lahat ng mga
manggagawa kaugnay sa
iminumungkahing proyekto
(tatlong araw)
4
Panukala para sa medical mission
sa Enrile, Cagayan
5
Hinihiling naming mapalawag ang
aming pantry sa ikalimang palapag
sa kapakinabangan ng empleyadong
naghahanap ng maluwag at
maaliwalas na espasyo.
Mahalagang Ideya

Sa pagsulat ng panukalang
proyekto, isipin mo na nakikipag-usap
ka sa iyong kliyente at ang layunin mo
ay itanghal ang iyong produkto o
serbisyo upang kaniya itong tangkilikin.
Paggawa ng
Plan of Action
Mahalagang Ideya

Tiyaking lohikal ang


pagkakasunod-sunod ng mga
planong gawain upang maipakita
sa mag-aapruba ng panukalang
proyekto na ito ay organisado at
sigurado.
Plan of Action para sa TULAAN 2015
1. Pag-apruba at paglabas ng badyet (7 araw)
2. Pagbuo ng mga opisyal at puno ng mga komite (1 araw)
3. Reserbasyon ng pagdarausan ng programa, lighting at sound system,
at catering service (1 araw)
4. Pagkontak sa mga makatang lalahok at pagtiyak sa kanilang pagdalo
(7 araw)
• Paggawa at distribusyon ng mga publicity material (3 araw)
1. Pagpapadala ng mga liham-imbitasyon sa mga opisyal ng
unibersidad (1 araw)
2. Pag-ayos ng entablado at ng venue (kalahating araw)
3. Programa (kalahating araw)
ITEM HALAGA
Venue ₱ 10, 000.00
Lighting at sound system ₱ 7, 000.00
Disenyo ng entablado
• bulaklak ₱ 500 x 2 ₱ 1, 000.00
• iba pa ₱ 500 ₱ 500.00
Publicity Material
• tarpaulin ₱ 600 x 2 ₱ 1, 200.00
• poster ₱ 50 x 10 ₱ 500.00
Pagkain
• awdiyens (cocktail) ₱ 50 x 100 ₱ 5, 000.00
• mga organizer, guro, makata ₱ 100 x 30 ₱ 3, 000.00
Honorarium para sa mga dadalong makata ₱ 1, 000 x5 ₱ 5, 000.00
Token para sa mga dadalong makata ₱ 300 x 5 ₱ 1, 500.00
Kabuuang Halaga ₱ 34, 700.00
Huwag magkakamali sa
pagtutuos ng panukalang
badyet. Magdudulot ito ng
impresyon na hindi ka
mapagkakatiwalaan.
Tips sa Pagsulat ng
Panukalang Proyekto
1
• Alamin ang mga bagay na
makapagkukumbinsi sa nilalapitang
opisina o ahensiya sa pag-aapruba ng
panukalang proyekto
2
• Bigyang-diin ang mga pakinabang na
maibibigay ng panukalang proyekto.
Mahihirapang tumaggi ang
nilalapitang opisina o ahensiya kung
nakita nilang Malaki ang maitutulong
nito sa mga indibidwal o grupong
target ng proyekto.
3
• Tiyaking malinaw, makatotohanan, at
makatuwiran ang badyet sa gagwing
panukalang proyekto
4
• Alalahaning nakaaapekto ang paraan
ng pagsulat sa pag-apruba o hindi sa
panukalang proyekto. Gumamit ng
mga simpleng salita at pangungusap.
Iwasan ang maging maligoy. Hindi
makatutulong kung hihigit sa 10
pahina ang panukalang proyekto.

You might also like