You are on page 1of 2

“Bohol”

Ito ang storya ng aking paglalakbay


sa Bohol. Noong bata pa ako pumunta
kami sa Bohol at ito ang pinaka
masayang alaala ng aking buhay dahil
matagal ko ng gustong maranasan
ang ihip ng hangin sa bohol at gumala
sa malayong lugar. Pinangarap ko to
noong bata pa ako dahil gusto ko
makakita ng chocolate hills at tarsier
kasi doon naman talaga ito makikita
at sa imahe na ating makikita.

Ang isla ng Bohol sa Pilipinas ay kilala sa


kanilang napakagandang anyong lupa at ito
at isang sa mga pangunahing atraksyon
panturismo na tinatawag na "Chocolate Hills".
Ito ay natatakpan ng berdeng damo na
nagiging kayumanggi sa tag-araw, kaya
naman tinawag itong "Chocolate Hills". Sa
paglalakbay ko sa bohol, kasama ko ang
aking ina. Nakakapagod at nakakatakot
palang umakyat dito para makita ang
magandang tanawin na laging binabalikan ng
mga turista, ngunit sa kabila ng pagod ay
agad naman na mapapawi sa gandang taglay
nito.

Bukod sa napakagandang anyong lupa


ay mayroon din silang Tasier na sa
bohol lamang makikita. Nung una
nagdadalawang isip pa akong hawakan
ito dahil sa aking takot na baka akoy
kagatin, ngunit nanaig pari ang aking
kuryusidad sa kanilang mga uri, dahil
bago pa ito sa aking mga mata at hindi
ito karaniwang makikita. Maliban sa
pinangarap ko na makakita ng tarsier
nahawakan ko pa ito ng malapit sa
personal.
Nagpunta din kami sa Butterfly Garden at
ako'y namangha sa makulay na mga
paru-paro na lumilipad sa paligid. Nabigla ako
ng ibinigay sakin ang isang malaking
paru-paro at akala ko mapupunit ito kung
hahawakan ko ang kanyang mga pakpak.
Masasabi ko talaga na ang mga gawa ng
Panginoon ay nakakamangha at
extraordinaryo. Nagpapasalamat ako sa aking
magulang na dinala nila ako sa bohol upang
makita, maranasan at mahawakan ang
magagandang tanawin at kakaibang mga
hayop na sa Bohol lang matatagpuan.

You might also like