You are on page 1of 1

#468 Natividad Street

Fausta Village, Tabing-ilog


Marilao, Bulacan
Abril 12, 2023

GNG. CAMILLE PRINCIPE


Medical Director

Bocaue Specialists Medical Center


Bocaue-Bulacan Branch

Mahal na Gng. Principe:

Nabasa ko po sa inyong Facebook Page petsang Abril 11, 2023, na nangangailangan ng isang
Registered Nurse ang inyong ospital. Naniniwala ako na ang mga katangian at mga
kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag-aaplay sa
naturang trabaho.

Ako po ay isang dalaga, labing anim na taong gulang, at nagtapos po ako ng kolehiyo sa Dr.
Yanga College noong Marso 31, 2022. Ako po’y masipag, matiyaga at marunong makihalubilo
sa kapwa. Sa katunayan ako po ay nagkamit ng karangalan sa pagtatapos ng kolehiyo.

Isa akong aktibong mag-aaral sa kolehiyo. Sa loob ng apat na taon, ako po ay naging opisyal ng
Supreme Student Council, ang pinakamataas na organisasyon ng mga mag-aaral ng paaralan.
Magaling ako sa agham, matematika at wika. Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito,
naniniwala akong magiging isa akong produktibong manggagawa ng inyong kompanya.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para
sa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin.

Maraming salamat!

Sumasainyo,

REBECCA P. SIOSON
Aplikante

You might also like