450 – Apitong Street
Brgy. 1217, Comembo Makati city
August 20, 2018
GNG. LIGAYA I. MENOR
Store Manager
Jollibee Foods Corporation
Laoag-Bacarra Branch
Mahal na Gng. Menor:
Nabasa ko po sa pahayagang Philippine Star petsang August 17, 2018, na nangangailangan ng
isang cashier ang inyong fast food chain. Naniniwala ako na ang mga katangian at mga
kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag-aaplay sa
naturang trabaho.
Ako po ay isang binata, labing anim na taong gulang, at nagtapos po ako ng sekundarya sa Ilocos
Norte National High School Special Science Class noong Marso 31, 2014. Ako po’y masipag,
matiyaga at marunong makihalubilo sa kapwa. Sa katunayan ako po ay nagkamit ng karangalan
sa pagtatapos ng sekundarya.
Isa akong aktibong mag-aaral sa sekundarya. Sa loob ng apat na taon, ako po ay naging opisyal
ng Supreme Student Government, ang pinakamataas na organisasyon ng mga mag-aaral ng
paaralan. Magaling ako sa matematika, agham at wika. Marunong din akong humawak ng
kompyuter. Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito, naniniwala akong magiging isa akong
produktibong manggagawa ng inyong kompanya.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para
sa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin.
Maraming salamat!
Sumasainyo,
JOHN PETER L. JAVINES
Aplikante