You are on page 1of 1

Oktubre 16, 2019

G. Brian Michael Cabral

Director, Human Resources

St. Luke’s Medical Center

5th Ave., Global City

1634 Metro Manila

Ginoo:

Napag-alaman ko po sa Gigajob na nangangailangan kayo ng isang medical


technologist sa inyong ospital. Naniniwala po akong taglay ko ang mga katangiang
hinahanap ninyo para sa nasabing trabaho kaya’t gusto ko sanang mag-aplay.

Ako po’y isang dalaga, dalawampu’t syam na taong gulang , nagtapos ng kolehiyo sa
University of Santo Tomas noong Abril, 2012 at ako’y isang lisensyadong medical
technologist at nakapag-practicum sa Makati Medical Center. Ako po’y matiyaga at may
dedikasyon kung kaya’t napabilang ako sa miyembro ng ilang organisasyon tulad ng
Philippine Society for Clinical Laboatory Science at Philippine Association of Blood
Banks noong kolehiyo at sa katunayan ako’y nagtapos sa kolehiyo ng may karangalan
na Summa Cum Laude.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong
tanggapan para sa isang panayam, sa oras at petsang nanaisin ninyo.

Umaasa po akong mabigyan ninyo ng atensyon ang aking sulat at masaya ko pong
aabangan ang sandaling makarinig po ako ng balita galling sainyo.

Lubos na gumagalang,

Angel H. Banzon
Aplikante

You might also like