You are on page 1of 9

A.

IBIGAY ANG MGA KAHULUGAN NG MGA SUMUSUNOD:

1.Posisyong Papel - Ito ay nagpapahayag ng dalawang panig ng isang


argumento. Tumutulong ito sa pagbibigay ng impormasyon sa ibang tao ukol
sa isang isyu at nahihikayat silang makibahagi sa paksa.

2. Lakbay sanaysay - Ito ay isang sanaysay na nagpapahayag ng karanasan


ng manunulat habang siya ay naglalakbay ngunit hindi ito tungkol lamang sa
sumulat, nakapaloob din dito ang kultura at mga kwento ng mga taong
kanyang nakasalamuha sa lugar na kanyang napuntahan.

3. Photo essay - Ito ay binubuo ng mga larawan at sa pamamagitan ng mga


ito naipapahayag ang nais iparating ng manunulat.

4. Introduksyon sa Pagkuha ng Trabaho - Ang nilalaman ng leksyon na ito


ay ang mga dokumentong isinusulat kapag nais makapasok ng isang tao sa
isang trabaho at kapag siya ay natanggap na sa isang trabaho.

5. Pagsulat ng Korespondensya Opisyal - Ang korespondensiya opisyal ay


isang pormal na liham na nakalaan para sa mga taong nasa isang
propesyonal na larangan.

B. Ibigay ang kahalagahan ng mga sumusunod:


1.Posisyong Papel - Tumutulong ito sa pagbibigay ng impormasyon sa ibang
tao ukol sa isang isyu at nahihikayat silang makibahagi sa paksa.

2. Lakbay sanaysay - Nakatutulong ito upang mas tumimo sa isip at puso ng


manunulat ang kanyang mga karanasan at makapagmuni-muni ukol dito. Sa
ganitong paraan din maaari niyang balik-balikan ang kanyang mga
karanasan. Para naman sa ibang makababasa nito, magkakaroon sila ng
kaalaman at mas malawak na pang-unawa tungkol sa isang lugar at mga
naninirahan doon.

3. Photo essay - May mga pagkakataong hindi natin maipahayag ang ating
mga nararamdaman gamit ang mga salita, isa pang paraan upang
maipahayag natin ang ating naiisip at nararamdaman ay sa pamamagitan ng
mga larawan.
4. Introduksyon sa Pagkuha ng Trabaho - Bilang mga estudyante at sa
nalalapit na hinaharap ay magiging mga potensyal na mga propesyonal
mahalagang alam namin ang aming mga kinakailangang isulat upang
makapasok sa isang kompanya at gayundin kapag nakapasok na kami rito.

5. Pagsulat ng Korespondensya Opisyal - Hindi lamang sa opisina


nangangailangang magsulat ng pormal na liham kung kaya’t mahalagang
may kaalaman ang lahat kung paano magsulat nito.

C. Magbigay ng mga halimbawa ng mga sumusunod:

1.Posisyong Papel

Parusang Kamatayan

ni: Cristine Joy Cabuga

Usaping may kinalaman sa parusang kamatayan ay bakit hindi mamatay


matay? makakatulong ba sa isang bansa ang ganitong uri ng parusa o ito ay
mas makakasama at makakalala? mayroon nga ba itong magandang
naidudulot sa bansa kapag napasiyahang ibalik ito?

Ang parusang kamatayan ay isang mainit na usapin lalo na dito sa pilipinas.


maraming mga Pilipinong tumututol at sumasang-ayon dito at isa na lamang
ako sa libo-libong Pilipinong di sumasang-ayon sa pagbabalik ng parusang
kamatayan. Ano nga ba ang parusang kamataya o death penalty?. Ayon sa
Republict Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa
gumagawa ng mga kagimbal gimbal na krimen. Ilan sa mga halimbawa ng
mga krimen na maaaring humantong sa kaparusahang kamatayan ay
parricide, murder, qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, rape at
drug pushing. Ano nga ba ang aking mga dahilan kung bakit ako tumututol
laban sa death penalty?.

Unang dahilan, dahil ang pagpatay ay isang kasalanan sa Diyos at sa batas.


hinihimok ng Simbahang katoliko na labanan ang death penalty sa Pilipinas
sapagkat ito’y hindi naaayon sa bibliya at batas ng Diyos. Ayon kay Pope
Francis ang santo papang tinitingalaan ng mga katoliko. Ang pagbibitay ay
dapat tutulan sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitay ay walang moral na
kalalagyan sa mga turong katoliko (O’ Connell, 2016). Ang death penalty ay
pagkitil ng buhay ng tao at ang buhay ay pinahahalagahan ng mga katoliko
at ng Simbahang Katoliko. Pangalawa, hindi ito magandang dahilan upang
mabawasan ang kriminalidad ng isang bansa sapagkat ng dahil dito
nawawalan na ng tamang hatol para sa nagkasala at makamtan ang
hustisya. Ang nagkasala ay nararapat lamang mahatulan batay sa kanyang
nagawang pagkakasala ngunit hindi dahilan ang pagpatay upang makamtan
ang hustisya. Mawawala ang kalidad ng batas at hustisya ng isang bansa
kung ang tanging paraan lamang upang makamtan ito ay ang pagpatay.
Pangatlo, ang isang nagkasala ay may karapatang mag bago ayon nga sa
isang kialalang kasabihan ang tao ay nagbabago, hayaan natin silang
pagbayaran ang kanilang nagawang kasalanan sa patas at maayos na
pamamaraan di natin kailangan gumamit ng dahas upang makamtan ang
hustisyang nais makamit. Para sa akin di rin naman biro ang makulong sa
isang seldang masikip, mainit at malayo sa pamilya sapat na sigurong sila’y
maghirap sa kanilang ginawa upang mapagbayaran ito. Ang mga
nagkakasala at nagkakamali ay marapat lamang na sila ay magdusa at
magbayad upang sila’y matuto sa kasalanang kanilang ginawa huwag nating
hayaang mabahiran ng dugo ang kamay ng ating batas.

Ang buhay natin ay hiram lamang mula sa maykapal wala tayong


karapatang kumuha nito maliban sa kanya. Hayaan na natin ang Diyos ang
mag bigay ng parusa na ginawa niya dito sa lupa sapagkat naniniwala akong
hindi dito sa lupa ang huling hatol kundi sa kanya. Kaya sikapin nating
malabanan ang parusang kamatayan dito sa ating bansa sapagkat hindi ito
ang sagot sa hustisya. Pinahayag ng CBCP na, “Ang buhay ng bawat tao ay
galing sa Diyos. Ito ay kanyang kaloob at Siya lang ang makababawi nito.
Kahit ang pamahalaan ay walang karapatan na kumitil ng buhay sapagkat
siya ay katiwala lamang ng buhay at hindi ang may-ari nito.”

2. Lakbay sanaysay

Probinsya ng Bogo

Isinulat ni: Alexander Luiz Saceda


Kada bakasyon, palagi kaming bumibisita sa probinsya ng Bogo kasama ang
buong pamilya.Tatlong oras ang biyahe papuntang North pero kahit na
malayo at mahaba ang biyahe ay sulit parin dahil sa magagandang tanawin
at makikita mo talaga doon ang kagandahan ng kalikasan.Hindi lang mga
puno at kakahoyan kundi pati na rin ang kulay asul na kadagatan na kahit
saan ka lumingon ay makakakita ka parin nito

Sa pagdating naming sa probinsya, agad-agad kaming pumunta sa San


Remigio Beach kung saan hinihintay kami ng mga kamag-anak naming na
nakatira din doon. Iba talaga ang saya kapag kompleto ang buong pamiya.
Pagkatapos ng araw na iyon ay pumunta kami sa simbahan upang
magsimba at magpasalamat sa panginoon para sa mga biyaya na kanyang
binigay sa amin. Ibang-iba talaga ang “vibe” sa probinsya at siyudad kase
simple lang ang pamumuhay at masayahin halos lahat ng nakatira doon.

Napakaganda talaga mamuhay sa probinsya dahilan sa napakapayapa nito


at halos nandoon lahat at nakikita mo talaga ang kahalagahan ng kalikasan
doon. Bago kami umuwi pabalik sa siyudad, hinigip ko muna ang
napakapreskong hangin pati ang simoy ng dagat dahil pagbalik ko ay tiyak
na makikita ko na nanaman ang nagbabagang polusyon.

3. Photo essay
Ang pag ibig ay natural na sa ating mga tao. Ito ang nagbibigay inspirasyon
sa atin sa maraming bagay ngunit ang salitang ito ngayon ay iniisip na
lamang sa pagitan ng magkaibang kasarian. Ang kahulugan nito ay
nililimitahan na lamang sa romansang aspeto nito. Naisip mo ba na may pag
ibig nang nakalaan sa iyo simula nang ipinanganak ka? Kahit nasa
sinapupunan ka pa lang nang dinala ka niya ng siyam na buwan ay lubos
nang pagmamahal ang ibinuhos niya sa iyo.

4. Introduksyon sa Pagkuha ng Trabaho

Alexandra
Mari M. Lazaro
Lancaster New City, General Trias, Cavite
0906 – 808 – 5802
aemarielazaro03@gmail.com

LAYUNIN

Maging isa sa mga pharmacist ng inyong institusyon at katuwang sa


pagbibigay ng kalidad na serbisyo upang masiguro ang maayos na
kalusugan at mabuting kapakanan ng mga mamamayan ng ating bansa.

EDUKASYON

Bachelor of Science in Pharmacy


Metropolitan Medical Center: College of Arts, Science, and Technology
Sta. Cruz, Manila, Philippines
June 2026

Fiat Lux Academe


General Trias, Cavite
June 2022

St. Edward School


Imus, Cavite
March 2020

NATANGGAP NA PARANGAL

Cum Laude
Metropolitan Medical Center: College of Arts, Science, and Technology
Bachelor of Science in Pharmacy
June 2026

With Honors
Fiat Lux Academe
General Trias, Cavite
June 2022

MGA DINALUHANG SEMINARS AT TRAININGS

Community Pharmacists Towards Good Pharmacy Practice: A CPD


Seminar Workshop
Hotel Kimberly, Pedro Gil Street, Ermita, Manila
October 2025

National Youth Congress on Drug Abuse Prevention and Control


August 2023

Mental health and resilience in higher education: Cultivating and


sustaining wellbeing of the academics
Webinar
January 2022
MGA ORGANISASYON

Member
Girl Up Philippines-Cavite
UN Nations club

Member
CCF - Elevate
General Trias

MGA KASANAYAN

● Nakatuon ang pokus sa layunin


● Nakatuon sa importansya ng lipunan
● Kaya ang maraming gawain at matiyaga
● Magaling mag – organisa ng mga programa
● Magaling sa presentasyon ng pagtuturo
● May kakayahang gumamit ng Microsoft Office Application
● Kayang mag-edit sa Adobe Photoshop

Sanggunian:

Bien Capule
Dentista
Makati
bien_Capule@yahoo.com

Alfredo Cabrera
OB-gyne
Makati Medical Center
0926 – 343 – 7684

PERSONAL NA IMPORMASYON:

Edad: 21
Kapanganakan: Marso 03, 2004
Katayuan : Walang asawa
Sa pamamagitan ng mga impormasyon na nakalahad sa itaas,
pinapatutuhanan ko na ang lahat ng impormasyon na nakatala ay totoo at
tama sa abot ng aking kaalaman at paniniwala.

______________________
Lagda

5. Pagsulat ng Korespondensya Opisyal

Ikalabing-walo ng Enero 2022


Lancaster New City, Cavite
0997 874 3324

Magandang hapon binibining Kristine Claire Sadiasa,

Nais ko pong kumpirmahin kung ngayon po ang araw ng aking


eksaminasyon para maging kwalipikado sa inyong unibersidad (ikalabing-
walo ng Enero ng taong 2022). Nais ko rin pong malaman kung anong oras
po ito?

Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,
Alexandra Mari M. Lazaro

D. Ano ang iyong natutuhan sa mga araling tinalakay sa ikalawang


markahan?

Natutunan kong maraming mga dokumentong maaaring isulat upang


maipahayag mo ang iyong sariling opinyon, naiisip, at nararamdaman
pormal man o personal. Bukod pa rito, aking natutunan na mayroong
nararapat o angkop na mga sulatin depende sa kung para saan ito at dapat
i-ayon namin ito sa aming layunin at kung para kanino ito. At pang huli,
mahalaga ang nilalaman ng mga isusulat na dokumento o sulatin ngunit
mahalagang isaalang-alang din natin ang gramatika, ayos ng mga talata, at
mga pananda upang maipahayag natin ng maayos at malinaw ang ating
mensahe sa babasa ng mga ito.

You might also like