You are on page 1of 5

Host: Maganda magandang umaga mga kapamilya.

Welcome sa paboritong programa ng


bayan ang Today with Boris and Andrea!

Mga kaibigan, sa umagang ito ay mayroon tayong espesyal na bisita upang bigyan tayo ng
kaalaman at impormasyon patungkol sa isang isyu na talaga namang napapanahon lalo na sa
mga kabataan.

Ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA, tumaas ng limang porsyento ang mga
unemployed o walang trabaho. Samantala, 2 porsyento o 3.5 milyon ay mga kabataan,
particular na ang mga fresh graduates. (adlibs) Eto ang, “Mars, anong latest?” (Ano raaaaaw?)

Bago ko ipakikilala ang ating espesyal na panauhin ngayong araw na ito, nais naming tawagin
mula sa studio audience ang isang fresh graduate na dumulog sa ating programa upang
matugunan ang kanyang mga katanungan tungkol sa kanyang problema patungkol sa
paghahanap ng trabaho. Kaya’t narito ang aking kasamang si Andrea upang ipakilala siya.
Andrea?

Andrea: Yes, Boris! Batiin muna natin ang ating live studio audience ng masayang umaga!!!
Naku, kasama ko ngayon ang isang dalaga mula sa Zamboanga City na nagpadala ng kanyang
mensahe upang siya’y mabigyan ng tulong. Nagtapos siya ng kursong Community
Development sa Western Mindanao State University. Narito si Bea Gaganting. Palakpakan po
natin siya!

Host: (adlibs) Magandang umaga sa’yo (host will ask ff up questions and to get to know the
guest)

Host: Mga kaibigan, ngayon ay nakilala na natin ang ating letter sender, ikinagagalak kong
ipakikilala ang ating espesyal na panauhin na magbibigay ng tips at impormasyon ukol sa isyu
ng ating letter sender. Siya ay isang dalubhasa sa pagsusulat at isang propesor na kinilala sa
kanyang natatanging kontribusyon sa larangan ng pagtuturo, Huwag na nating patagalin,
Narito live sa ating studio si Dr. Johnny Cuevas

Johnny: Magandang umaga sa inyong lahat and sa ating mga televiewers. Ikinagagalak ko po
kayong lahat na makita.

Host: Maraming salamat Ginoong Johnny at pinaunlakan mo ang aming imbitasyon.

Bisita: Walang anuman po. Napakalaking bagay po sa akin ang makatulong sa aking kapuwa
lalong- lalo na sa ating mga kabataan.

Host: Batay sa idinulog sa amin ni Bb. Bea, namomroblema siya sa kung paano siya
matatanggap sa kanyang nais na pasukang trabaho. Bea, ano ang iyong gustong malaman
mula kay Dr. Johnny?

Bea: Naku, Sir Boris, Doc Johnny, sinubukan ko pong mag apply sa isang trabaho sa iba’t ibang
kumpanya sa aming lungsod ngunit sa kasamaang palad ay hindi po ako natatanggap dahil
hindi ho raw ako kwalipikado kahit nakapagtapos po ako ng kolehiyo. Hindi daw sapat ang mga
naisulat ko sa aking liham. Isa pa, nahihirapan din po ako na magsulat ng liham dahil hindi ko
po alam ang pamantayan ukol sa tamang pagsusulat nito lalo na’t kailangang nasa wikang
Filipino ito isusulat.
Host: Doc Johnny ano po ang masasabi niyo rito?

Johnny:. Nakikita ko kasi sa ating mga kabataan ngayon lalo na sa mga mag-aaral sa junior at
senior high school pati na rin ang mga fresh graduates na nahihirapan sila sa pagbuo ng isang
liham na humihiling ng mapapasukan sapagkat sila ay baguhan pa lamang. Ngunit ito ay may
solusyon. Tamang gabay lang at ensayo sa pagsusulat at paniguradong magiging mas epektibo
at komprehensibo ang mga sulating ito.

Host: Oo nga naman. Ano ho ang inyong maitutulong sa ating manunuod at para kay Bea?

Johnny: Paguusapan natin ang pagsulat ng tamang liham, resume at pambungad na liham

Host: Naku naeexcite ako para sa usapang ito. Doc Johnny, tell us more tungkol dito

Johnny: Ang liham na humihiling ng mapapasukan ay may layunin upang magbigay ng paunang
salita hinggil sa resume. Samantala ang Resume ay ang kabuuang impormasyon hinggil sa
aplikante. Kasama na dito ang kanilang datos personal, edukasyon, karanasan, kakayahan at
mga kredesnyal.

Host: Alright. Ngayon naman ay himayin natin ang isyung ito sapagkat napakarami ngang mga
mamamayan natin ang hirap sa paghahanap ng trabaho lalo pa’t sa panahon ngayon na
maliban sa pagsisitaasan ng presyo ng pangunahing bilihin, problema rin sa nakararami ang
tamang gabay at kaalaman patungkol sa pagsusulat ng liham na ating paksa. Maari ba ninyong
ibahagi ang kahalagahan nito at kung paano ito makakatulong?

Bisita: Ito ay makatutulong dahil ang mga mag-aaral ay magagabayan o mabigyang-direksyon


sa pagbuo ng isang liham. Mahalaga rin ito na maituro ng wasto ng mga guro dahil sa
pamamagitan nito matututuhan ng mga mag-aaral ito na magagamit nila sa hinaharap. at
pagdating ng araw na sila ay makakapagtapos at maghahanap ng trabaho, maisasaayos nila
ang kanilang layunin sa mga trabahong gusto nilang pasukan at siyempre pagkalaunay
matatanggap sila sa kung ano ang kanilang inapplyan.

Host: Tama kayo diyan, Doc Cuevas. Paano naman ang sa pambungad na liham? Maari bang
walang pambungad na liham? At ano ba dapat ang taglay ng isang liham na ito?

Johnny: Hindi maaaring mag-isa lamang ang resume kaya’t napakahalaga ng pambungad na
liham. Kailangang kalakip nito ang pambungad a liham. Maikli lamang ito na ang layunin ay
magbigay ng paunang salita hinggil sa resume. Ang dapat taglayin ng isang pambungad na
liham ay una, Nagpapakilala ito ng kagalang-galang na pagkatao, pangalawa, Tinutukoy nito
ang mahalagang kakayahan at kahandaan sa gawain ng isang aplikante, pangatlo,
Ipinahahayag nito ang pagnanais ng aplikante sa isang posisyon o Gawain, at panghuli,
Nagtutulay ito sa maaliwalas na pakikipagtalastasan sa kompanyang nais pasukan ng aplikante.
Kaya’t importanteng nakapaloob sa mga sulating ito, lalong-lalo na sa liham kung ano ang
ninanais ng isang aplikante ng sa gayo’y maiparating sa isang kumpanya na karapat-dapat siya
sa posisyon.
Host: Maraming Salamat, Doc Johnny. Ngayon naman para sa kaalaman ng lahat, aalamin
natin kung paano ba ng daluyan at mga bahagi ng isang liham na humihiling sa mapapasukan o
etong application letter, pati na rin sa resume. Tawagin natin ulit ang marites ng bayan,
Andrea. Pasok!

(Play BGM Maalaala Mo Kaya)


(Andrea reads the letter sample)

Sa kagalang-galang na Julian C. Kapugan:

Ang kwalipikasyon na inyong inilathala sa Manila Bulletin noong


Hunyo 15, 2022 ay tumutugon sa aking karanasan. Sa loob po ng dalawang taon ay
nakapagtrabaho na po ako bilang ground receptionist sa KABAYAN HOTEL, Cubao, lungsod ng
Quezon at staff officer sa KAMAYAN CUISINE sa Pasig City.

Kalakip po nito ang aking resume upang matiyak ninyo ang aking kakayahan. Mangyari pong
tawagan lamang ako sa telepono na nakalista roon. Umaasa po ako sa isang personal a
pakikipanayam sa inyong tanggapan.
Lubos na Gumagalang,
SIONY C. BUTRON

Andrea: Tandaan! Nagsisilbing calling card ang resume at opisyal na kinatawan upang
mapabilang sa interbyu. Kasingkahulugan ang resume ng vita. Kailangan itong pagandahin
nang sa gayon ay makabuo ng magandang impresyon sa babasa. Samakatuwid, ito ang
pasaporte sa pagkakaroon ng trabaho. Kung wala ang mga ito, babush. Kalimutan mo nang
may inapplyan ka. Dear, charooooot! Back to you, Boris!

Host: Maraming salamat, Andrea! Ipagpapatuloy natin ang usapan. Kaya huwag kayong
maglilipat ng channel! Magbabalik ang Today with Boris Froilan!

(PLAY BGM)

------BREAKING NEWS-----

(PLAY NEWS BED)

ANCHOR: Narito na ang nagbabagang balita sa oras na ito.

Kakapasok lamang po na balita. Kinumpirma ni Biñan City Acting Police Chief Lt. Col. Virgilio
Jopia nitong Biyernes, Marso 3, na natagpuang patay sa Taguig City ang umano’y isa pang
person of interest sa hazing death case ng Adamson University student na si John Matthew
Salilig.

Sa pahayag ni Jopia, pumanaw raw noong pang Pebrero 28 ang nasabing suspek na
binansagang si alyas “Sakmal,” na kung saan ito rin ang araw na natagpuang patay si Salilig sa
Barangay Malagasang, Imus, Cavite, matapos maiulat na nawawala noong Pebrero 20.

Ayon kay Jopia, si Sakmal daw ay isang alumni ng Adamson University at siyang nagmamay-ari
sa narekober na isa pang sasakyan na ginamit din umano sa nangyaring initiation rites.
Patuloy pa rin umanong iniimbestigahan ng mga pulis ang nasabing kaso.

Manatiling nakatutok sa ZNN para sa iba pang nagbabagang balita. Magandang hapon po.

(PLAY NEWS BED)

(PLAY Talk Show Theme)

Host: And we’re back! Ngayon ay balikan natin ang usapan, Dr. Johnny at Bea. Tatanungin
natin muli si Bea kung may nais pa ba siyang malaman patungkol sa usaping ito.

Bea: Doc Johnny, anu-ano po ang katangian ng isang resume at pambungad na liham?

Johnny: (BE SPONTANEOUS. USE THE INFO BELOW. MAKE IT CONVERSATIONAL)

Resume na kronolohikal - tuloy-tuloy a pagkakaayos ng mga datos sa resume mula sa


pinakabago o kasalukuyan pabalik sa dati o nakaraan Kakayahan - isang natatanging
kahusayang natamo sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasanay Sapat - kompletong
Impormasyon a dapat makita sa isang resume

Host: Naku! Napakalaking tulong pala ng ating paksa ngayon para sa mga manunuod at para
rin sa ating bisita na nagpaplanong maghanap ng trabaho. Kaya para sa mga kapamilya, kapuso
at kapatid na baguhan pa lamang, ang mga napag-usapan natin ay gagabay sa inyo.

Host: At narito an gating POTD. Pulot of the Day

Sa dami ng aplikasyon na natatanggap ng mga kumpanya araw araw, mayroon lamang silang
ilang minuto upang mag-desisyon kung ikaw ay kwalipikado sa trabaho na ina-applyan mo.
Para makuha ang atensyon ng recruiter, igsian mo lamang ang iyong sulat at siguraduhin na
mababasa nila lahat ng importante na impormasyon. Siguraduhin rin na ito ay malinis at
mabilis maintindihan para mas mataas ang tsansa mo na makakuha ng interview.

At yan an gating pulot of the day.

Host: Maraming salamat po. Sa bisita nating si Bea at si Doc Cuevas. Sirsa kaalaman na inyong
ibinahagi sa umagang ito, maraming salamat. Nawa’y nakakatulong ito sa ating mga kabataang
nanonood sa ating programa.

Johnny: Walang anuman po.


Bea: Salamat po ng marami.

Host: At dito po nagtatapos ang ating programang hindi lamang naghahatid ng saya kung hindi
pati na rin impormasyon at mga kwentong tatatak sa inyong puso at diwa.

Andrea: Ako po si Andrea, ang inyong marites ng bayan.

Host: Ako po ang inyong lingcod, Boris


Andrea and Host: Serbisyong tapat, kwentuhang sapat, Lahat ilalantad, sa inyo’y nararapat. Ito
ang… TODAY with Boris and Andrea!

(PLAY TALK SHOW THEME)

You might also like