You are on page 1of 5

INOBASYON SA WIKANG

CSSH-ABFIL
FILIPINO
Republic of the Philippines
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: Fiona Nicole T. Ausa SEKSYON: A12

PAMAGAT NG GAWAIN: Korespondensya Opisyal PETSA: 10/18/20

Photo Essay

Ang mga larawan ang mula sa https://www.istockphoto.com/


https://www.dreamstime.com/

Ngayong panahon ng pandemya, isinasaalang ang kapakanang panlahat kung


kaya’t nililimitahan ang paglabas ng mga tao upang maiwasan ang paglobo ng mga
bilang ng mga nagkakasakit. Naging daan ang paggamit ng korespondensiya opisyal
upang mapanatili ang komunikasyon ng mga tao partikular sa mga pangkalakalang
ugnayan. Tunay ngang mahalaga ang ginagampanang papel ng korespondensya opisyal
ngayong may pandemya dahil isa ito sa mga nagpapanatili ng masiglang ugnayan ng
mga tao saan mang dako ng mundo. Dahil sa makabagong teknolohiya, mas napadali
ang paghatid ng mga impormasyon at mas naging magaan ang daloy ng ekonomiya.
Nakakatulong din ito sa pagpapatatag ng ugnayan ng mga negosyante, sa paglago ng
mga negosyo at nagsisilbi rin itong permanenteng record o ebidensya ng kanilang
kumpanya. Ngunit may mga suliranin din sa paggamit ng korespondensya opisyal, ito ay
ang kakulangan ng mga tao sa kagamitang kakailanganin at hindi lahat ay mayroong
akses sa internet kung kaya’t hindi makapaghatid ng impormasyon ang iba. Hindi rin
lahat ay may wastong kaalaman sa paggamit ng gadyet kaya ang iba ay nahihirapang
makipagsabayan. Isa sa mga uri nito ay ang korespondensyang Panloob-Tanggapan na
kung saan sinasaklaw nito ang lahat ng nasusulat na komunikasyong patungkol sa mga
gawain ng tanggapan at mga pinuno o kawani ang humahawak nito.
INOBASYON SA WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

3IB Rosas Street


Maghanoy, Cotabato City
15 Hunyo 2016

DR. LUISITO M. NOLASCO


Dekano Kolehiyo ng Sining at Panitikan
Malaya University

Mahal na G. Luisito:

Nabasa ko po sa inyong pahayagan noong ika-10 ng Hunyo, 2016 na ang inyong


paaralan ay nangangailangan ng instruktor sa asignaturang humanidades. Isinulat ko
ang liham na ito upang aplayan ang naturang posisyon.

Nakapagtapos po ako sa kursong Bachelor of Arts in Sociology sa Unibersidad ng


Pilipinas-Diliman at kasalukuyang kumukuha ng MA Art Studies sa parehong unibersidad.
Nakakuha na rin po ako ng ilang masteradong kurso sa Antropolohiya, Teoryang
Pampanitikan sa Pilipinas, Panitikang Anak- Pawis, at Panitikang Rehiyonal. Nagkaroon
na rin po ako ng mga karanasan sa mga workshop sa pagsulat ng kumbensiyonal,
eksperimental, at popular na mga akda, at mga seminar sa copyright at editing at
pagsulat at kritika ng mga teknikal na akda. Nakasisiguro po ako na sapat ang aking mga
kaalaman upang makapagturo sa inyong paaralan.

Nais ko pong makapagturo sa Malaya University dahil naniniwala ako sa hangarin nitong
makapagbigay ng kapaligirang tunay na lilinang sa isip ng mga mag-aaral. Naniniwala
akong makatutulong ako sa pagsulong ng ganitong pilosopiya sa pamamagitan ng
paglikha ng inobatibong instruksiyon at klasrum na magpapaunlad sa kaisipan ng mga
mag-aaral.

Inilakip ko po sa liham na ito ang aking resume, transcript of records, at ilang kredensiyal.
Maaari niyo rin po akong kontakin sa numerong (0917) 987-6543 o sa pamamagitan ng
email: josedelacruz@gmail.com.

Lubos na gumagalang,

Jose Dela Cruz

Sanggunian:
Gng. Katerine T. Loresto
Punong-guro
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

Gng. Glenda T. Higida


Punong-guro, Pamamahayag
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

1920 Dagupan
INOBASYON SA WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Tondo Manila
Marso 20, 2020

Gng. Diana Benitez


Tagapamahala
JEA Publication
Cubao, Quezon City

Mahal na Gng. Benitez:

Nabasa ko po sa inyong anunsyo sa pahayagang Dailiy Bulletin noong Marso 18, 2020
na kayo ay nangangailangan ng taga-edit. Hinihiling ko pong ipaubaya ninyo sa akin ang
naturang puwesto.

Nagkaroon po ako ng karanasan bilang taga-edit sa aming pahayagang pampaaralan at


namasukan na rin po ako sa F & B Publishing house bilang katulong sa pag-eedit.
Malawak po ang aking karanasan sa mga gawaing may kinalaman sa pag-eedit at sanay
na sanay sa mahirap na Gawain.

Nakahanda po ako sa panayam na inyong itinakda.

Lubos na gumagalang,

Evelyn Jimenez

Sanggunian:
Gng. Eugenia R. Gorgon
Punong-guro
Perfecto High School

Fiona Nicole T. Ausa


INOBASYON SA WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Barangay Fatima
General Santos City
(0935) 365-9242

18 Oktubre 2020

WANG HARDWARE
Fil-am Friendship Avn., Barangay Fatima
General Santos City

Sa Kinauukulan:

Magandang araw!

Kami po ay naghahanap ng mga materyales na maaaring gamitin sa pagpapaayos ng


bahay. Maaari po bang pakibigay ang halaga ng mga bagay na nakatala sa ibaba.

Para lang sa Pagsipi


Dami Yunit Aytem Presyo ng Yunit Kabuuan

5 piraso 8 ft. yero


1 litro Boysen Permacoat
B-715 Semi- Gloss
Latex White

Ang liham na ito ay naglalayon lamang na malaman ang halaga ng mga materyales na
nais naming gamitin. Kung mayroon kayong suwestyon, maaari ninyo akong kontakin sa
numerong inilakip ko sa itaas. Maraming salamat!

Lubos na gumagalang,

Fiona Nicole T. Ausa


INOBASYON SA WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

You might also like