You are on page 1of 5

Talumpati ni Senator Grace Poe Nang Magdeklarang Tatakbo sa Pagakapangulo

Sa aking ina, sa aking asawa at mga anak, mga kaibigan, sa lahat ng naririto ngayon
maraming salamat po sa pagdalo ninyo ngayong araw.

Mga Kababayan,

Nung una akong kumatok sa inyong mga puso, ang sabi ko: Gusto kong ipagpatuloy ang
mga simulain ni FPJ.

Simple lang ang prinsipyo ng aking ama na siya ring naging dahilan ng kanyang pagtakbo...
sinabi niya mismo sa bulwagang ito mahigit 11-taon ang nakalipas: Importante sa isang
leader ang katalinuhan pero mas mahalaga ang may tapat na pusong manilbihan upang
tulungan ang mahihirap, labanan ang pang-aabuso, at pumanday ng isang lipunang
masagana at makatarungan.

Madalas n’yang sabihin sa akin: Gracia, Ang kahirapan ay hindi iginuhit sa palad dahil nasa
kamay ng tao ang pag-unlad. Pero sa kanyang pag-ahon, hindi sapat ang kanyang sariling
kayod, kailangang may kamay na humihila sa kanya. Di ba’t yan naman ang sukatan ng
magandang pamahalaan at lipunan - Lahat ay aangat, walang maiiwan!

Mayaman po ang ating bansa – sa likas-yaman, dunong ng mamamayan at kabayanihan.

Dito itinatag ang unang Republika sa Asya. Ito ang bayan ni Rizal, at Bonifacio.

Bago nabigyan ng boses ang mga kababaihan, nag-aklas na si Gabriela Silang.

May nakabibilib tayong nakaraan napinaghuhugutan.

Maraming unos ang dumaan sa atin.

Ilang ulit tayong tinamaan ng kalamidad – pinakamalakas na bagyo – na parang binubura


ang bayang ito sa mapa, pero nakatayo pa rin tayo.

Kaya ganun na lang ang paghanga ko sa aking kapwa-Pilipino at sa bayang ito.

At paano ka nga naman hindi hahanga sa araw-araw na pagpupunyagi ng mga kababayan


natin?

Silang mga ordinaryong Pilipino na gising na bago pa tumilaok ang manok: hila ang bag
papunta sa eskwela o ang kalabaw papuntang sakahan. Nakikipagsiksikan saMRT o
hinahabol ang bus o jeep, bago pa sumikip ang EDSA o sa Fuente Osmena Blvd sa Cebu.

Silang mga ginagabi ang uwi: mga naglalamay sa BPO, mga namamasada sa lungsod, at
nangingisda sa laot.

Silang mga magulang o anak na minsan lang nakakapiling ang mga anak, silang tinitiis
ang init ng disyerto, ang panganib sa dagat, ang hapdi ng lungkot - mabigyan lang ng
magandang bukas ang kanilang pamilya.

Silang mga manggagawa na kinalyo na ang kamay, kinuba na ang katawan, sa walang tigil
na pagbabanat ng buto.

Silang mga ordinaryong kawani ng gobyerno, mga guro na ilang bundok ang inaakyat
marating lang ang mga estudyanteng naghihintay sa kanila, mga nars na patuloy na
naglilingkod kahit na pagod sa haba ng shift, mga sundalo at pulis na itinataya ang buhay
matiyak lang ang kaligtasan at seguridad natin.

Kayong lahat ang pinaghuhugutan ko ng inspirasyon. Kayo ang nagbibigay sa akin ng lakas
na i-alay ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan sa bansa. Naniniwala ako na sa
pag-unlad o pagyaman, sabay-sabay dapat! At kung may uunahin man, dapat ang
mahihirap at mas nangangailangan.

Isulong natin ang mga adhikain at programa na tunay na inklusibong pag-unlad o inclusive
growth, kakayahang makipagtagisan sa larangang pandaigdigan o global competitiveness,
at bukas na pamahaalaan o transparent gov't.

At ito po ang mga nais kong ipabatid ngayong gabi sa inyo. Layunin at mithiin ko,sa tulong
ng bawat isa... sama-sama... ang mga sumusunod:

1) Sa edukasyon, ayusin ang lahat ng silid-aralan, mag-"digital" na tayo at tapusin ang lahat
ng kakulangan o backlog. Sisikapin natin na palawakin ang ating scholarship program at
pagtibayin ang "study now pay later program”. Tulungan din nating makapag-internship at
trabaho ang mga college students para habang nag-aaral may kita na sila at kapag
nagtapos, ay may experience na.

2) Payayabungin natin ang sektor ng agrikultura. Tutugunan natin ang hinaing nila sa lupa.
Ang irigasyon ay kailangan pa sa kalahating milyong ektarya. Ilarga natin ang
mekanisasyon. Kailangan ng epektibong programa para lumaki naman ang kita sa
pangingisda, pagtatanim at paghahayupan.

3) Gagawin nating prayoridad ang pag-aayos ng ating mga imprastruktura - kalye, tren,
airport, seaport o internet man. 'Di ito dapat kasing bagal ng sasakyan sa EDSA. Sisikapin
kong pa-angatin ang taunang budget para sa imprastruktura nang 7% ng GDP. Kung 'di
kaya ng pribadong sektor, isusulong ko ang isang government-supported industrialization at
IT plan para makalikha ng industriya. Pag dumami ang "Made in the Philippines," dadami din
ang trabaho dito. Ito ay dapat gawin habang pinangangalagaan ang kalikasan.

4) Walang iisang tao o grupo na may monopolya sa tuwid na daan. Malaki at malayo na ang
nagawa ni Pangulong Aquino kaugnay sa pagpapanagot sa mga tiwali, at ako’y personal na
nagpapasalamat sa kanya dahil nanumbalik muli ang kumpyansa natin sa isang lider na
tapat. Dapat lang na ituloy at pa-igtingin ang pagsugpo sa korapsyon. Papanagutin ko ang
tiwali, kaibigan man o kaaway, subalit 'di lamang isang tao o partido ang dapat nagsusulong
nito, kundi ang bawat isang Pilipino. Para higit na palakasin ang transparency sa gobyerno,
isasabatas natin ang FOI sa lalong madaling panahon.

5) Isa na tayo sa may pinaka-mataas na buwis sa buong mundo. Sisikapin ko na mapababa


ito. Mas alam ng tao kung ano ang kailangan nila at may karapatan din silang piliin kung
saan gagastusin ang kanilang pinaghirapan. Subalit kungibababa ang buwis, kailangang
suklian natin ng tamang pagbabayad nito. Ito naman ang igagarantya ko: Lahat ng buwis na
inyong ibabayad, maibabalik sa inyo sa pamamagitan ng agaran at dekalidad na serbisyo.

6) Dapat pag-tuunan natin ng pansin kungsapat pa ba ang sweldo at benepisyo ng bawat


manggagawa at lingkod-bayan. Mahirap magtrabaho at manilbihan habang nagugutom ang
iyong pamilya. Dapat lang na bigyan sila ng marangal at legal na pagkaka-kitaan.

7) Malaking porsyento ng budget ng bawat pamilya ay napupunta sa pambayad sa kuryente.


Hahanap po tayo ng paraan para pababain ang presyo ng kuryente.Sa maraming parte ng
Mindanao madalas ang brownout. Sisiguraduhin po natin na magiging sapat ang kuryente
para sa lumalagong ekonomiya, lalo na sa Mindanao. Pauunlarin natin ang renewable
energy.

8) Aalagaan natin at pahahalagahan ang ating mga OFW. Bigyan ng maayos na legal na
suporta sa ibang bansa at bawasan ang mga fees at red tape para lamang maayos nila ang
kanilang mga papeles.

9) Bilang isang Nanay, nababahala ako sa tindi ng krimen at droga. Katulad nang lahat ng
nanay, hindi ako makatulog sa gabi hangga’t hindi nakakauwi ang aking mga anak. Kaya
para sa akin, ang pagdurog sa krimen at droga ay hindi lang trabaho. Ito ay personal na
krusada. Sisiguraduhin na ang mga pulis ay may disiplina at kakayahan para isang tawag
lang ay nandyan na at hindi lang isusulat ang krimen kundi huhulihin ang kriminal.

10) Patuloy nating isusulong ang usaping pangkapayapaan sa lahat ng lumalaban sa


gobyerno. Dapat nang tigilan ang pagpatay ng Pilipino sa kapwa nya Pilipino upang
maparating natin ang tunay na kaunlaran sa bawat sulok ng bansa. Sa mga kapatid nating
Moro, naging inspirasyon kayo sa maraming pelikula ng tatay ko, ang inyong kultura at
kagitingan. Sa hinaba-haba ng kasaysayan natin, panahon na para mabigyan kayo ng patas
na pagkakataon at tunay na tulong.

11) I-respeto natin ang karapatang pantao ng lahat. Hindi tayo magiging bulag sakalagayan
ng lahat ng vulnerable sectors, kasama na ang may kapansanan, mga indigenous peoples,
mga maralitang taga-lungsod, mga kababaihan, kabataan at mga bata, mga LGBT at mga
senior citizens. Sa mga senior citizens, hindi kayo malilimutan. Ang nanay ko mismo ay
dumadaing na habang nagkaka-edad dapat mas maramdaman ang pagkalinga ng
gobyerno.

12) Kalusugan ng bawat isa ay mahalaga, dapat hindi mabangkarote ang pamilya o mamili
kung kakain ba o ibibili ng gamot para sa kanilang may sakit na mahal sa buhay. Dapat may
pinalaking benepisyo ang PhilHealth na masasandalan. Sisiguraduhin ko na ang bawat
komunidad ay may maayos na ospital, may sapat na doctor, nars, midwife, gamot at
kagamitan.

13) Atin ang West Philippine Sea at dapat lang na 'wag natin itong bitiwan o pabayaan gamit
ang mapayapang paraan at ayon sa batas. Alinsunod dito, palalakasin natin ang ating Coast
Guard at Sandatahang Lakas para hindi tayo kinakaya-kaya ng ibang bansa.

14) OA na ang trapik! Sa airport man o sa kalsada, inuubos nito hindi lamang ang oras natin,
kundi pati ang pasensya. Inaagaw nito ang panahon na sana ay para sa trabaho o
makapiling natin ang ating pamilya't mahal sa buhay.
15) Dapat gawin ang mga sumusunod at marami pang iba: Dagdag na kalsada at tren hindi
lamang sa Metro Manila kundi sa buong parte ng Pilipinas. Siguraduhin na ang batayan ng
pagpili ng contractor na magtatayo ng tren ay may tunay na kakayahan at track record para
masiguro ang pangmatagalan na maintenance at warranty; malinis na drainage systems;
kapote at bota para sa nagpapatupad ng batas-trapiko; pagtanggal sa lahat ng colorum at
illegal parking sa kalsada; at pagpapa-tupad ng staggered office hours. At kung may
binubungkal man sa kalye, dapat ay huwag iwanang nakatiwangwang. Tanggalin ang mga
contractor nanagbabagal-bagalan.

16) Ang internet ay para ring highway. Daluyan ng impormasyon. Dapat mabilis
ito.Maraming trabaho ang mas magiging produktibo pag mabilis ang internet. Mas mabilis na
matatapos ng mga bata ang homework nila at mas madali nating makakausap ang ating
mahal sa buhay na OFW na walang skype delay. Sa internet ayaw natin ng Forever bago
maka-konekta.

17) Sa larangan ng sining at palakasan, dapat malaki din ang suporta ng ating pamahalaan.
Kilala tayong malikhain nakultura, mga visual artists, writers, performers at iba pa. Ngunit
hindi natin binibigyan ng tamang halaga at tulong ang sektor na ito. Kahit na binibigyan nila
tayo ng karangalan, ano ang ating isinusukli? Sa palakasan naman, ang ating mga atleta ay
kawawa din. Siguro naman hindi natin dapat isuko ang pangarap na magkaroon tayo ng
ginto sa Olympics.

18) Huwag natin kalimutan na realidad ang climate change. Hindi ito issue ng mayaman
lang. Ang mga mahihirap ang unang tinatamaan nito. Sila ang unang binabaha at
nawawalan ng tirahan. Dapat ay magkaroon na tayo ng hiwalay na Emergency Management
Dept. na tututok sa national preparedness Climate change at Geo Mapping.

19) Ang turismo ay isang sector din na dapat tutukan. Kung malago ang turismo, mas
makakalikha ito ng dagdag na pagkakakitaan para sa ating mga kababayan kahit sa mga
liblib na lugar. Likas na maganda ang tanawin dito sa ating bansa, pero ang turismo ay di
sisigla kung hindi natin aayusin ang imprastruktura at dadagdagan ang ating mga paliparan.

20) Yaman ng ating bansa ang ating mga anak. Sila ang kasalukuyan at kinabukasan natin.
Pero wala silang laban kung hindi man lang sila napapakain ng tama. Marami pa rin ang
nagugutom sa ating bayan. Napapanahon na magkaroon ng Standard Lunch Program sa
lahat ng pampublikong paaralan.

Kulang po ang aking panahon ngayon upang ilahad ang kabuuan ng aking mga mithiin at
adhikain. Sa mga susunod na araw, ihahain ko po ang isang komprehensibong programa
na naka-sentro sa simpleng prinsipyo at paniniwala: walang maiiwang Pilipino at walang
maiiwang lugar sa Pilipinas. Sabay-sabay tayong aangat at sama-sama tayong uunlad!

Noong tumakbo ang tatay ko, minaliit sya at sinabi na wala syang karanasan at hindi sya
Pilipino. Ngunit buong tapang nyang hinarap ang hamon at di nya inurungan ang
pagkakataon na tumulong na mapabuti ang buhay ng kapwa-Pilipino.

Ang kanyang katapatan, tapang at kabaitan ay naging inspirasyon at gabay sa akin. Ang
nanay ko naman,sinabi nya: “Anak, sa lahat ng ingay ng pulitika, huwag mo walain ang
iyong sarili.”

Ang aking buhay ay isang bukas na aklat.


Sino ang mag-aakala na ang isang sanggol na natagpuan ay makatutuntong sa Senado.
Salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin.

Huwag nyong kalilimutan. Magaling ang Pilipino. Mapagmahal, malikhain at marunong


gumawa ng paraan.

Kaya nating marating ang ating mga mithiin para sa bayan kung magsisipag, magmamatyag
at siguraduhin na may tapat na gagabay sa atin.

Dapat sama-sama tayo. Hindi kaya ng iisang tao.

Ang mangangako niyan ay nagsisinungaling na.

Sa ating lahat nakasalalay ang magiging kwento ng Pilipinas sa darating na panahon.

Sana po ay samahan ninyo ako sa pagpanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng


ating inang bayang Pilipinas

Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa at ina, at sa tulong ng Mahal na Diyos ay
inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong
Pangulo.

You might also like