You are on page 1of 15

-Introduction-

Reporter: Ano nga ba ang kahalagahan at kahulugan ng


komunikasyon? Ayon kay Webster, “Ang Komunikasyon ay ang
pagpapahayag ng mga saloobin na siyang ginagawa sa pasulat
man o pasalita. Naging tulay ang komunikasyon sa mga taong
nagkalayo at nagagawang bigkisin ang mga damdaming
nagkahiwalay”. Kung kaya’t isang malaking tulong ang mga
makabagong teknolohiya ngayon upang mas mapadali ang ating
pakikipag-komunikasyon. Ngunit sa pag-usbong ng makabagong
teknolohiya, paano na kaya ang hanapbuhay ng dating mga
kartero? Kumusta naman ang mga matatanda na hindi sanay sa
paggamit ng mga makabagong teknolohiya? Posible nga bang
makahanap ng bagong kaibigan o ka-ibigan gamit ang
modernong paraan ng pag-uusap? Halina’t sabay-sabay nating
alamin ang kasagutan. Ating silipin ang kanilang mga buhay. Ito
ang “Hanap, Usap, Date”.

-Hanap-

Reporter: Sa ating panahon ngayon, napakadali na lamang


nating makausap ang mga taong gusto nating kausapin.
Mapamalayo man o kahit malapit pa ang lugar ng ating kausap.
Pero inyo bang naabutan o naaalala man lang kung gaano
kahirap at katagal maihatid ang mga ginagawang liham? Ito’y
umaabot ng ilang araw o linggo pa nga. Ang pagpapalitan ng mga
mensahe o liham dati ay nakapagbigay ng trabaho sa maraming
mga kartero. Ngunit ngayong nauso na ang pagpapalitan ng
mensahe sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, nasaan
na nga ba si Mamang Kartero?

Interviewer: Magandang araw po sa inyo...


Respondent: ...
Interviewer: Anong taon po kayo nagsimulang magtrabaho
bilang kartero?
Respondent: ...
Interviewer: Ano po ba yung proseso dati bago niyo maihatid
yung mga liham sa mga pinadadalhan nito?
Respondent: ...
Interviewer: Hindi po pala mabilisan ito at maraming kailangang
gawin. Sa inyo naman po, sa tuwing naghahatid po kayo ng mga
sulat, ano po yung mga kadalasang nae-encounter niyo po?
Respondent: ...
Interviewer: Mga ilang sulat po yung nahahatid niyo po kada-
araw?
Respondent: ...
Interviewer: Magkano po yung sinasahod niyo sa pagkakartero
dati?
Respondent: ...
Interviewer: Nagkakasya naman po ito sa inyong pamilya sa
pangaraw-araw?
Respondents: ...
Interviewer: Ngayong nauso po yung pakikipagkomunikasyon
gamit ang makabagong teknolohiya, marami pa rin po bang
nagpapadala ng sulat?
Respondent: ...
Interviewer: Ano pong naging epekto nito sa inyong trabaho
bilang kartero?
Respondent: ...
Interviewer: Sinubukan niyo po bang maghanap ng ibang
trabaho?
Respondents: ...
Interviewer: Para po sainyo, ano po ba yung mas maganda?
Yung dating uri po ng komunikasyon kung saan magsusulat at
magpapadala ng mga liham, maghihintay makuwa o matanggap
ito ng sinulatan o yung ngayon po na mabilisan na lang sa tulong
ng teknolohiya?
Respondent: ...
Interviewer: Maraming salamat po sa inyong mga naging tugon.

-Usap-

Reporter: Usong-uso ang mga makabagong teknolohiya sa


panahon natin ngayon dahil napapadali nito ang maraming
bagay, lalong-lalo na pagdating sa komunikasyon. Karamihan nga
sa gumagamit nito ay mga kabataan. Ngunit marami ding hindi
nakakasabay lalo na ang ilang mga matatanda. Habang
tumatagal ay mas nagiging moderno na ang mga bagay-bagay
kung kaya’t sila ay nahihirapang sumabay. Ating silipin ang
buhay ng mga matatanda upang ating malaman ang kanilang
opinyon patungkol sa makabagong teknolohiya lalo na pagdating
sa komunikasyon.

Interviewer: Magandang araw po sa inyo _____


Respondent: ...
Interviewer: Ilang taon na po kayo?
Respondent: ...
Interviewer: Paano ang paraan ng inyong pakikipag-
komunikasyon nung araw?
Respondent: ...
Interviewer: Ngayon pong nauso ang mga gadgets, may mga
apo po ba kayong mahilig gumamit ng mga ito?
Respondent: ...
Interviewer: Kayo po, meron po ba kayong mga cellphone,
laptop o computer?
Respondent: ...
Interviewer: Nahihirapan po ba kayo sa paggamit ng mga
gadgets?
Respondent: ...
Interviewer: Sa panahon po ngayon, mga gadgets ang gamit ng
ilang mga tao sa pakikipagkomunikasyon, paano po kayo
nakakasabay?
Respondent: ...
Interviewer: Para po sa inyo, ano po bang mas madali o mas
magandang paraan ng komunikasyon? Gaya po ba ng dati o yung
sa ngayon po?
Respondent: ...
Interviewer: Maaari niyo po bang sabihin kung anong mga
advantage at disadvantage ng paraan ng komunikasyon ngayon?
Respondent: ...
Interviewer: Maraming salamat po sa inyong mga tugon.

-Date-

Reporter: Bulaklak, liham, at harana – ilan lamang ito sa mga


bagay na nagpapahiwatig ng tradisyunal na paraan ng panliligaw.
Ang paraan ng panliligaw na ito ang nakagisnan ng ating mga
magulang at nakikita nila sa paligid noong sila ay bata pa. Ngunit
sa henerasyon natin ngayon ay iba na ang estilo ng panliligaw.
Kapag may load at gadget ka ay pwede ka ng makagamit ng mga
online dating apps kung saan posible kang makahanap ng bagong
kaibigan, o maging ka-ibigan pa nga. Paano? Ating silipin ang
buhay ng ilang tao na gumagamit ng online dating apps at alamin
ang kanilang opinyon.

Interviewer: Magandang araw po sa inyo...


Respondent: ...
Interviewer: Bakit po ninyo naisipang sumubok mag-online
dating?
Respondent: ...
Interviewer: Kailan po kayo nag-umpisang magonline dating?
Respondent: ...
Interviewer: Ano po yung mga dating apps na inyong
nasubukan?
Respondent: ...
Interviewer: Sa mga dating app/s po na iyon, ano po yung mga
hindi magandang na-encounter niyo sa pakikipag-usap sa ibang
tao?
Respondent: ...
Interviewer: Sa mga nababalita po, sabi ay delikado ang
pakikipag-online date. Ano po ang reaksyon niyo patungkol doon?
Respondent: ...
Interviewer: Sa tingin niyo po, bakit po maraming Pilipino ang
nago-online dating?
Respondent: ...
Interviewer: Naitanong ko po kanina yung hindi magandang na-
encounter niyo sa online dating, ngayon naman po maaari niyo
po ba kaming kwentuhan sa pinakamagandang na-encounter niyo
po sa online dating?
Respondent: ...
Interviewer: Bilang isang (babae/lalaki) ano po yung mapapayo
niyo sa mga sumusubok din makipag-online date?
Respondent: ...
Interviewer: Kung kayo po ay tatanungin, ano po ba yung mas
magandang paraan ng pagliligawan, yung noon po ba o ngayon?
Respondent: ...
Interviewer: Maraming salamat po sa inyon tugon.

-Ending-

Reporter: Ating natunghayan ang buhay ng isang kartero at


kung paano naapektuhan ng makabagong paraan ng
komunikasyon ang kaniyang hanap-buhay. Atin ding nasariwa sa
ating isipan ang dating paraan ng komunikasyon ng mga tao sa
kanilang mga gustong makausap. Ito nga ay sa pamamagitan ng
pagsusulat at pagpapadala ng liham ngunit dahil sa pag-unlad ng
teknolohiya ay bibihira na lamang ang mga gumagawa nito.
Ngunit hindi lang mga kartero ang naapektuhan ng modernong
paraan ng komunikasyon kundi maging ang ilang matatanda na
hindi sanay sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya.
Nakausap natin ang isang matanda at narinig ang kanyang
opinyon patungkol sa mga pagbabagong ito. Habang mas
umuunlad ang teknolohiya ay mas nagiging komplikado rin ito sa
mga taong hindi sanay sa paggamit ng mga ito. Ngunit ginagamit
naman ng ilan ang mga modernong paraan ng pakikipag-usap sa
pakikipag-date. Kung saan maraming mga kabataan ang
nahuhumaling dito dahil ito nga’y madali at mabilis lamang
gawin.

Reporter: Habang lumilipas ang panahon ay mas umuunlad at


nagiging moderno ang komunikasyon sa tulong ng mga
makabagong teknolohiya. Kasabay ng mga pagbabagong iyon ay
ang pagbabago rin ng ilang mga ating nakaugalian: pagsusulat
ng mga liham, personal na pakikipag-usap at tradisyunal na
panliligaw. Malayo na rin ang narating ng ating bansang Pilipinas
pagdating sa mga teknolohiya dahil dito ay napapadali ang
maraming bagay, isa na nga rito ang ating komunikasyon. Pero
sa kabila nito huwag nating aalisin sa ating puso at isip ang mga
dating kagawian at pamamaraan ng ating komunikasyon.

Ito ang...

“HANAP, USAP, DATE”


KOMUNIKASYON SA MODERNONG PANAHON
BEHIND THE SCENE
GENESIS CHRISTIAN ACADEMY OF CALOOCAN, INC.
Phase 9, Package 5, Block 50, Lot 7-9, Bagong Silang, Caloocan City

September 12, 2019

Ginoong Alex:

Isang pinagpalang araw po!

Kami ay mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang mula sa Genesis Christian


Academy of Caloocan Inc. Kami po ay magsasagawa ng dokumentaryo o
“silipbuhay” patungkol sa makabagong teknolohiya pagdating sa komunikasyon.
Nais po naming humingi ng pahintulot sa inyo upang kayo ay aming
makapanayam sa ika-21 ng Oktubre 2019, 9:00-10:00 ng hapon, sa inyong
tahanan sa Tala, Caloocan City. Kalakip po ng liham na ito ang mga tanong para
sa panayam.

Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong karanasan sa nasabing


paksa ay makakatulong sa amin ng lubos tungo sa matagumpay na paggawa ng
aming dokumentaryo. Dalangin po namin ang inyong pagpapahintulot sa aming
pakiusap.

Nawa ’y pagbigyan n’yo po sana ang aming kahilingan.

Lubos na gumagalang,
Villejo, Davie Mae C.
Casupang, Emily M.
Encarnacion, King David P.
Rustia, Gilbert Jr. O.
Toyogon, Mary Monchie B.

Noted by:

Ma’am Joana Fae Tarnate


Group Manager

Approved by:

Pastora Raquel Sarte


Senior High Administrator

Sir Mark Jayvee Cariño


Class Adviser
GENESIS CHRISTIAN ACADEMY OF CALOOCAN, INC.
Phase 9, Package 5, Block 50, Lot 7-9, Bagong Silang, Caloocan City

September 12, 2019

Ginang Josie:

Isang pinagpalang araw po!

Kami ay mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang mula sa Genesis Christian


Academy of Caloocan Inc. Kami po ay magsasagawa ng dokumentaryo o
“silipbuhay” patungkol sa makabagong teknolohiya pagdating sa komunikasyon.
Nais po naming humingi ng pahintulot sa inyo upang kayo ay aming
makapanayam sa ika-11 ng Oktubre 2019, 2:30-3:30 ng tanghali, sa inyong
tahanan sa Damayan. Kalakip po ng liham na ito ang mga tanong para sa
panayam.

Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong karanasan sa nasabing


paksa ay makakatulong sa amin ng lubos tungo sa matagumpay na paggawa ng
aming dokumentaryo. Dalangin po namin ang inyong pagpapahintulot sa aming
pakiusap.

Nawa ’y pagbigyan n’yo po sana ang aming kahilingan.

Lubos na gumagalang,
Villejo, Davie Mae C.
Casupang, Emily M.
Encarnacion, King David P.
Rustia, Gilbert Jr. O.
Toyogon, Mary Monchie B.

Noted by:

Ma’am Joana Fae Tarnate


Group Manager

Approved by:

Pastora Raquel Sarte


Senior High Administrator

Sir Mark Jayvee Cariño


Class Adviser
GENESIS CHRISTIAN ACADEMY OF CALOOCAN, INC.
Phase 9, Package 5, Block 50, Lot 7-9, Bagong Silang, Caloocan City

September 12, 2019

Binibing Dea:

Isang pinagpalang araw po!

Kami ay mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang mula sa Genesis Christian


Academy of Caloocan Inc. Kami po ay magsasagawa ng dokumentaryo o
“silipbuhay” patungkol sa makabagong teknolohiya pagdating sa komunikasyon.
Nais po naming humingi ng pahintulot sa inyo upang kayo ay aming
makapanayam sa ika-20 ng Oktubre 2019, 3:00-4:00 ng hapon, sa inyong
tahanan sa Philrad. Kalakip po ng liham na ito ang mga tanong para sa
panayam.

Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong karanasan sa nasabing


paksa ay makakatulong sa amin ng lubos tungo sa matagumpay na paggawa ng
aming dokumentaryo. Dalangin po namin ang inyong pagpapahintulot sa aming
pakiusap.

Nawa ’y pagbigyan n’yo po sana ang aming kahilingan.

Lubos na gumagalang,
Villejo, Davie Mae C.
Casupang, Emily M.
Encarnacion, King David P.
Rustia, Gilbert Jr. O.
Toyogon, Mary Monchie B.

Noted by:

Ma’am Joana Fae Tarnate


Group Manager

Approved by:

Pastora Raquel Sarte


Senior High Administrator

Sir Mark Jayvee Cariño


Class Adviser
“Saan, Salita, Ka-ibigan”

Unti-unti na silang nawawala – mga taong taga-hatid dati


ng mga sulat para sa ating mga kamag-anak, kaibigan at
kasintahan. Mga taong naglalakad saan man mapunta, umulan
man o umaraw. Kahit saan mapunta maihatid lamang ang
liham. Sila ang mga mensahero o kartero. Ngunit nang dahil sa
makabagong teknolohiya, iba na ang paraan ng makabagong
komunikasyon ng mga tao. Dahil din dito ay may ilang mga tao
ang hindi nakakasabay sa makabagong komunikasyon. Ito nga
ang ilang matatanda na hindi sanay sa paggamit ng mga
teknolohiya.

Habang lumilipas ang panahon ay umuunlad ang ating


teknolohiya. Kasabay nito ay nagiging komplikado na ito sa
ibang tao. Isa namang tulong ng makabagong teknolohiya sa
komunikasyon ay ang mga online datings. Ito ay napakadali at
mabilis lamang. Pwede kang makahanap ng kaibigan o taong
pwede mong maging inspirasyon. Mga dating mensahero o
kartero, ilang matatanda, at online dating. Mga paksang aming
napili para sa aming dokumentaryo.

Casupang, Emily
11-Jude
“Komunikasyon sa Modernong Panahon”

Mahalaga ang komunikasyon sa buhay ng lahat ng tao.


Kung kaya’t isang malaking tulong ang makabagong
teknolohiya upang mas mapadali ang ating komunikasyon.
Ngunit kasabay ng pag-unlad nito, ay ang paglimot ng ibang
tao sa dating paraan ng komunikasyon. Ito nga’y sa
pamamagitan ng pagsusulat ng mga liham na hinahatid ng
mga kartero o mensahero. Inaabot ito ng ilang araw o linggo
pa nga. Ibang-iba ito sa paraan ng modernong komunikasyon
ngayon. Kung saan ilang text,chat o tawag lamang ay mabilis
na nakakapagpalitan agad ng impormasyon.

Ngunit dahil dito ay bumaba ang mga benepisyo at bilang


ng mga kartero. Isa pang naapektuhan ng modernong
komunikasyon ay ang ilang matatanda na hindi sanay sa
paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Ginagamit naman
ng ibang tao ang modernong komunikasyon ngayon sa
pakikipag-date na tinatawag na online dating kung saan pwede
kang makahanap ng bagong kaibigan o ka-ibigan. Maraming
tao ang nahuhumaling subukan ito, mag-aaral man o may
trabaho na. Ito’y dahil madali at mabilis lamang itong gawin.
Sabay-sabay nating silipin ang mga buhay ng mga taong
naapektuhan ng pagbabago ng komunikasyon. Ating alamin
ang komunikasyon sa modernong panahon.

Villejo, Davie Mae


11-Jude
“Modernong Komunikasyon”

Ang online dating ay sikat at patok sa henerasyon ngayon.


Pero hindi lang mga kabataan ang gumagamit nito. Maging ang mga
may trabaho o nasa tamang wastong gulang na ay gumagamit din
nito. Ito ay kung saan maaari silang makahanap ng panibagong
kaibigan o ka-ibigan. Napakadali lang itong gawin sa pamamagitan
ng teknolohiya. Malapit man o malayo ang lugar nila sa isa’t-isa,
nang dahil sa makabagong pamamaraan ng pag-uusap, maaari
nilang makilala at mapagpalagayang-loob ang isa’t-isa. Ngunit hindi
lahat ng tao ay nakakasabay.

Maraming matatanda ang hindi marunong gumamit ng mga


makabagong teknolohiya. Kung kaya’t nagiging mahirap para sa
kanila ang modernong komunikasyon ngayon. Maging ang mga
kartero o mensahero ay naapektuhan din ng modernong
komunikasyon. Bumaba ang bilang ng mga pinapadalang liham.
Dahil dito ay bumaba rin ang mga nagtatrabahong kartero. Unti na
lamang ang nakakaalala ng kanilang kasipagan. Ating sariwain ang
mga pamamaraan bago magkaroon ng modernong komunikasyon.

Toyogon, Mary Monchie


11-Jude
“Makabagong Komunikasyon”

Sa pamamagitan ng online dating, marami kang


makikilalang tao dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa. Sa
panahon ngayon sikat na ito hindi lang sa mga kabataan,
maging sa iba pang range ng edad. Ito’y dahil sa teknolohiya
at apps ng online dating. Kahit malayo ang tao na kausap mo,
pwede mo na rin siya makilala. Sa pamamagitan nito, madali mo
rin mahahanap ang taong kaparehas mo. Ito’y dahil malalaman mo
dito kung ano ang mga gusto nila at mga hilig ng isang tao. Dahil sa
mga ganitong paraan ng makabagong komunikasyon ay tila bibihira
na lamang ang mga taong gumagawa at nagpapadala ng liham.

Kasabay nito ay nawawala na sa isipan ng karamihan kung


ano ang mga kartero. Mga kartero na matiyagang naghahatid ng
mga sulat. Ngayong bibihira na lamang ang pagsusulat at
pagpapadala ng liham, bumaba rin ang bilang ng mga kartero.
Ganun din ang kanilang mga sweldo. Samantalang ang ilang mga
matanda naman ay hindi nakakasabay sa mga pagbabagong ito.
Kahit gaano pa man kadali at kabilis ito para sa iba ay kabaligtaran
naman ito sa kanila. Ito’y dahil habang tumatagal ay nagiging
komplikado para sa kanila ang mga gadgets.

Rustia, Gilbert Jr.


11-Jude
“Hanap, Usap, Date”

INTRODUCTION
(Villejo)

HANAP USAP DATE


(Rustia) (Casupang) (Toyogon)

ENDING
(Villejo)

You might also like