You are on page 1of 1

Kakambal na ng salitang internet ang social media na kung saan ito ang lagi na ginagamit ng mga

estudyante ngayon sa maraming bagay. Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng


impluwensya ng social media sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng
kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan. Sa tuwing may kalamidad maaari na
nating malalaman ang kalagayan ng ating mahal sa buhay. Ang pagbibigay ng donasyon ay maari ng
ipadala sa madaling paraan ganon din naman ang paghingi ng tulong.Nakakatulong din ito sa linya ng
komunikasyon. Ang dating mahabang proseso ng pagsusulatan ay napadali. Ngayon, isang click at
touch lamang ay maaari mo na silang makausap.Nakakapagbukas ng oportunidad ang social media.
Nakakapagbigay ito ng panibagong kabuhayan. Kikita ka sa pamamagitan ng advertisements, online
tutorial, online writing at online selling. Isang madaling paraan ng pagkita na wala kang gagawing
masyadong pagpapawis. Isang click lang ang katapat ng lahat.

Ayon sa mga eksperto, nakaka-apekto ang madalas na internet access sa kalusugan ng ating utak.
Nagdudulot ito ng “sleep deprivation” o dahilan upang hindi tayo makatulog sa gabi. Sa kabilang banda,
nagiging dahilan din ito sa pagkakaroon natin ng maikling pasensya o pokus sa isang bagay.Ayon sa
artikel ng Forbes, ang pagbababad sa internet ay nakakapagdulot ng adiksyon. Nakaka-apekto ito sa
iyong personal pakikipagtalastasan o sa iyong relasyon dahil mas maraming oras ang nasasayang ng
isang indibidwal sa paggamit ng social media.

You might also like