You are on page 1of 7

PANITIKANG PANRELIHIYON SA

PANAHON NG KASTILA

Isinumite ni:
Joaquin, Rasheed Boris Froilan U.
Superales, Mary Ann
Javier, Kai

Disyembre 2022
MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO

 Ang "Alibata" o “Baybayin” na ipinagmamalaki na kauna-unahang abakadang Filipino


na nahalinhan ng alpabetong Romano
 Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
 Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong yaon. Marami sa mga
salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
 Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi
ng Panitikang Filipino tulad ng awit at korido.
 Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang
wikain.
 Ang pagkakalathala ng iba' t ibang aklat na pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa
Tagalog, Ilokano at Bisaya.

MGA AKDANG PANRELIHIYON

1. DOCTRINA CHRISTIANA

Tinangka ng mga kolonyalistang Espanyol na sakupin ang


Pilipinas sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga lokal na tao
na maniwala sa parehong paniniwala ng mga Espanyol.
Ginawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga turo ng
relihiyon, pag-aaral ng lokal na wika, at pag-iimprenta ng
mga relihiyosong materyales sa katutubong wika. Ang
isang resulta nito ay ang paglalathala ng Doctrina
Christiana, na parehong Espanyol at katutubong wikang
Tagalog.

Ang Doctrina Christiana, na kilala rin bilang Bibliyang


Kastila, ay ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas.
Inilathala ito noong 1593 at isinulat sa parehong Espanyol
at Tagalog. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga
paniniwala at prinsipyo ng Kristiyanismo.

Ang Doctrina Christiana ay isang aklat ng mga


panalangin. Kabilang dito ang mga panalangin tulad ng
"Ama Namin," "Ang Aba Ginoong Maria," "Ang Sumpalataya," at "Ang Ala Po," gayundin ang
mga pamagat ng aralin. gaya ng “Ang Sampung Utos,” “Ang Utos ng Santa Iglesya,” “Ang
Pitong Sakramento,” at “Ang Pitong Punong Kasalanan at Kaukulang Pakikinabang,” at ang
“Tanungan. Ang mga panalangin ay nakasulat sa Espanyol na may salin sa Tagalog gamit ang
alpabetong Romano, habang kasama rin ang pagsulat sa Tagalog.
Pinaniniwalaan na si Fray Juan de Plasencia, isang Pransiskanong pari sa Laguna, ang nagsalin
sa Tagalog ng mga dasal. Ang bersiyon ng Doctrina Christiana na may salin sa Chinese ay
nailathala naman ilang buwan matapos mailathala ang unang aklat.
Sa kabila ng mga pagsasalin, ang Doctrina Christiana ay eksklusibong ginagamit lamang ng
mga misyonero. Binabasa nila ang teksto sa mga katutubo, na inaasahan naman nilang
maisasaulo ang mga turo. Kalaunan, ipinasalin din nila ito sa mga katutubo. Dito naisilang ang
mga manunulat na Pilipino o Espanyol na tinatawag na ladino, taong nakapagsasalita ng
Espanyol at Tagalog.

2. NUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO

Ito ang ikalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas. Akda


ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag
sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni
Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng
mga talambuhav ng mga santo, nobena, at mga tanong at
sagot sa relihiyon.

3. BARLAAN AT JOSAPHAT

Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga payo kung paano


epektibong makipag-ugnayan sa mga tao, batay sa mga turo
ni Saint Barlaan ng Josafat.
Ang teksto ay isinalin sa Tagalog ni Fray Antonio de Borja,
at ito ay makukuha mula sa La Compania de Jesus.

BUOD

Ang kasaysayan ng Barlaan at Josaphat ay umiikot sa


nabigong pagsisikap ng isang hari na mailayo sa kristiyano
ang anak na prinsipe. Naituro ni Tomas Apostol ang aral ng
Diyos sa indya, na pinaghaharian noon ni Abenir. Dahil sa
hulang magiging kristiyano ang kanyang magiging anak na
lalaki, sinikap na ibukod ng tirahan at kapaligiran ang
prinsipeng Josaphat sapul noong isilang ito. sa paglaki ni Josaphat. Narinig nya ang tungkol sa
kamaharlikaan ng bagong relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan ang buhay ng kamatayn nang
matanaw niya ang isang taong kahabag-habag.

Nabalitaan ng matandang paring si Barlaan, na nasa Senaar, ang tungkol sa mabuting kalooban
ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kya nakatagpo niya si Josaphat, na nahikayat
niyang magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni haring Abenir hanggang sa makaalis
na sa palasyo si Barlaan.
Nang matuklasan ni haring Abenir ang nangyari sa anak, iniutos niyang dakipin si Barlaan,
ngunit ‘di ito matagpuan.

May pinapagpanggap na Barlaan ang hari at siyang dinakip. Sa gayon, sa pag- aakalang malagim


ang kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat si Josaphat sa hari. Ngunit ang ganito'y nagging daan
para pagsikapan ni Josaphat na hikayatin ang ama. Napagkillala ni Abenir na kailangang
paghimok ang gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon, hinamon ni Abenir ang anak saka
ang mga kapanalig nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat at Barlaan
Magpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito. Nanalo sina Josaphat.

May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni Josaphat kaya nagalit ang hari. Pinalitan niya ng
mga mapanuksong babae ang mga tagasilbi sa palasyo. Nagdamdam si Josaphat sa ama dahil sa
tangkang pagbubulid nito sa kanya sa kasamaan.

Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si


Josaphat. Pumayag si Abenir. Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni Josaphat,kaya
naisip ni Abenir na marapat lang na pabinyag siya. Iniwan niya ang kaharian kay Josaphat at
namuhay siya nang tahimik hanggang sa mamatay. Ibig din naming manahimik ni Josaphat kya
iniwan niya ang kaharian sa isang tapat na tauhan, si Barachias, at hinanap niya si Barlaan
hanggang sa matagpuan niya ito.
Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing malapit na siyang mamatay. Pinasundo niya
kay Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo. Nagmisa si Barlaan bago mamatay.

Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang dalawang korona: isa para sa kanya at isa para
sa ama. Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama. Lumitaw sa pangitain si barlaan at sinisi
siya nito. Nagsisi si Josaphat. Namuhay siya bilang ermitanyo. Nang mamatay siya, inilibing
siya sa puntod ni Barlaan.
Nang mapag-alaman ni Barachias na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang libingan nito.
Nang hukayin nila ang puntod, natagpuan nilang buo ang mga mabango pang bangkay ng
dalawa, na napabantog mula noon, kaya naman marami pa ang nagpabinyag.

4. PASYON
Ang pasyon ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na
nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula kapanganakan,
pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay.
Ito ay may saknong ng limang linya sa bawat linya ng
pagkakaroon ng walong pantig. Ang anyong na ito ng
salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas, lalo na sa
panahon ng Mahal na Araw o Semana Santa.

Ang unang Pilipinong sumulat at kumanta ng pasyon sa


Tagalog ay si Padre Gaspar Aquilino de Belen, isang
katutubo ng Rosario, Batangas na pinamagatang Ang
Mahal na Pasión ni Jesu Christong Panginoon Natin na
Tola. Ang kanyang salin ay makikita sa "Manga
Panalangin Nagtatagubilin sa Calolowa Nang Taong
Naghihingalo". Dahil sa binigyan ng permiso mula sa
simbahan ni Padre Antonio del Pueblo si de Belen,
napahintulutan na ilimbag niya ang Pasyon
sa Maynila noong 1704. Bilang kauna-unahang akda ng
ganitong uri ng panitikan, ito ay nakatanggap ng
karangalan. Naging mabenta pa ang akdang ito sa maraming taon kaya nailimbag itong muli sa
ikalimang pagkakataon noong 1750.

Dahil sa kamangha-manghang pagtanggap sa Pasyon ni Padre de Belen, ito ay naging dahilan


upang sumunod ang ibang manunulat sa kanyang mga yapak.

5. AWIT AT KORIDO

Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa


saknong ng mga ito ay may natatanging bilang o sukat at may
magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido ay
salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang
tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit
namaiy salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit
ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan.

 Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna.


Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito ay tumatalakay sa
mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit
napapalooban ng mga aral sa totoong buhay. Isa rin sa napakaraming mga halimbawa ng
korido ay ang Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo
Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas at Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni
Ananias Zorilla at ang Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
 Ang iba pang halimbawa ng awit ay ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay
ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose
de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, at ang Prinsipe Igmidio at Prinsesa
Clariana

PAGKAKAIBA NG AWIT SA KORIDO

Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit


2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”,
samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara
o bandurya “allegro”
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang
ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito.

PAGKAKATULAD NG AWIT AT KORIDO

 Tulang pasalaysay (tulang romansa)


 Parehong binibigkas nang paawit
 Kapwa may apat na linya (quatrain) ang bawat saknong
 Parehong galing sa Europa at dinala sa Pilipinas

You might also like