You are on page 1of 6

COHO + MELC QUAWS

SANAYANG PAPEL Blg. 6


Course Outline & Hand-outs
paired with MELC- Based sa PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING
Quality Assured Learner’s
Worksheet
LARANGAN

Pangalan: Mae R. Bacurio Baitang at Seksyon: STEM 12 – Centaurus


Guro: Gng. Jessalyn Cupla Petsa ng Pagsumite:

MELC 9: Nakasusulat ng posisyong papel batay sa napakinggang halimbawa (CS_FA11/12PN-0g-i-91)


Layunin /Subtask:
1. Natutukoy ang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel;
2. Nakasusulat ng organisado,malikhain ,at tapat sa katotohanan na posisyong papel.
Aralin:
1. Pagsulat ng Posisyong Papel
Kwarter Bilang: 1 Linggo: 6 Tudlaan ng Oras: 4
Sanggunian:
Pagtatala ng iba’t ibang sanggunian ay nasa MELC- Based Syllabus for Senior High School TP 2021-
2022 para sa Unang Semestreng Silabus sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL


PANGUNAHING KONSEPTO
Alam mo ba….
Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong pagsulat. Isa itong
sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas,
akademiya, politika, at iba pang mga larangan. Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang
mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa
isyung pinaksa.
Sa mag-aaral, isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong papel sa pagpapatibay ng paninindigan
o pagbuo muna ng paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo nito ng pagpapahusay sa paglalahad ng mga
suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o sumasangging
mga ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang magdepensa.

Handout Notes: Handout Blg. 6 Aralin :6


Pagsasanay 1: ALAMIN MO AKO !
 Panuto: Mula sa mga larawan (editorial cartoon) tungkol sa napapanahong isyu.Pumili ng 2 larawan.
Suriin at tukuyin ang mahalagang isyu na binibigyang-diin sa larawan at Ipaliwanag.
1. 2.
3. 4.

5. 6.

1. ISYU/ Larawan blg. 1


 Kahirapan
Panig ng may-akda:

Nais ipahiwatig ng may akda na hindi lahat ng tao ay pantay pantay sa lipunan, mayroong mayaman
mayroon namang mahirap.

Panig mo hinggil sa isyu:

Kadalasan kahirapan ang nagiging dahilan ng hindi tamang kalusugan ng kabataan. Dahil sa
kahirapan mas lalong naghihirap ang ating lipunan maraming nakatira sa lansangan at walang sapat
na edukasyon.

2. ISYU/Larawan blg. 5
 Fake News
Panig ng may-akda:

Hindi pinagmulan ang pinagmulan may mga tagabalita na tinatago nila ang katotohanan upang
mapaikot ang mga ulo ng publiko. Ito’y hindi makatarungang pamamaraan sapagkat bulag ang mga tao
sa katotohanan kaya naman mas pinapanigan nila ang kasinungalingan kaysa sa katotohanan.

Panig mo hinggil sa isyu:

Ang katotohanan ay karapatang pantao na hindi dapat ipagkaila lalo na sa publiko. Higgit na mahalaga
na malaman ng publiko ang katotohanan pagdating sa mga balita sa pamamagitan nito’y may
kamalayan
3. ang publiko sa kung anong pangyayaring nagaganap sa loob o sa labas man ng bansa.
Pagsasanay 2: IPALIWANAG MO!
 Panuto. Suriin ang mga isyung nakatala sa talahanayan. Pumili ng posisyon para sa bawat isa at
magbigay ng isang talatang paliwanag na hindi bababa sa limang pangungusap sa piniling
panig.Maaaring gumamit ng ibang papel kung hindi sapat ang espasyong inilaan.
PANIG PANIG
ISYU PALIWANAG
(Oo) (Hindi)
1.Kailangan ba Oo Oo, sang-ayon ako ito’y para na rin sa
kapakanan ng magandang kalidad ng
ang dagdag taon edukasyon sa ating bansa. Ang
(SHS) sa pagdaragdag ng dalawang taon sa
sistemang pang sistemang pang-edukasyon sa sekundarya
ay naglalayong tulungan ang mga mag-
edukasyon sa aaral at ang pamantayan ng sistemang
Pilipinas? edukasyon, hindi lamang sa buong Asya
pati na rin sa boung mundo. Ito’y
magbibigay ng sapat na kahandaan at
kasanayan sa mga mag-aaral sa
akademiko, teknikal, at bokasyonal na
kurso na magsisilbing daan sa mundo ng
pagtatrabaho.
2.Sang-ayon ka Hindi
Sapagkat naniniwala ako sa kasabihang
bang pahintulutan sariling atin sailing kayud. Hindi natin
ang Tsina na kailangan ng ibang dayuhan upang pag-
aralan ang Philippine Rise kung kaya
mananaliksik sa namang pag-aralan ng mga Pilipino.
Philippine Rise, Kung pag-aaralan naman mga dayuhan
isang teritoryo sa at may makitang likas na yaman
paghahatian ng Pilipinas at ng mga
silangan ng dayuhan ang nasabing likas na yaman.
Pilipinas,na Kaya para sa akin mas mararapating
maaaring may sariling Pilipino ang magsaliksik upang
ang likas na yaman na mahahanap ay
mga likas na mapupunta ng buo sa pamahaan ng sa
yaman gaaya ng gayon ay makatulong ito sa pag papa-
langis? unlad ng ekonomiya ng ating bansa.

3.Sang-ayon ka Hindi Wala tayong karapatang kumitil ng buhay


ng isang tao porket nagkasala at lumabag
bang ibalik ang sa mga batas ng ating bansa. Diyos lamang
death penalty ang makapaghusga at may karapatan na
para sa kumitil ng buhay ng tao. Hindi maitatama
ang mali ng isa pang pagkakamali. Lalong
malulubhang hindi rin natin masasabing death penalty
krimen sa ang sulusyon upang maibsan ang antas ng
bansa? kremin na nagyayari sa kasalukuyan.
Kadalasan ang mga kreminal ay may
kadahilanan kaya nagagawa nilang
lumabag sa batas kaya hindi ako sang-ayon
sa pagpapatupad ng death penalty sa ating
bansa.
4.Sang-ayon ka Hindi Ang pagpapakasal ng magkaparihong
ba sa kasarian ay isang kasalanan o
pagpapakasal ng kalapastangan sa Diyos ang mga gawaing
mga taong may taliwas sa kanyang layunin lalo na kung
ang kanyang sinimulan ay ating binago.
katulad na Ipinanganak tayo ng dalawa lamang ang
kasarian? kasarian ang babae ay para sa lalaki ang
lalaki ay para sa babae. Hindi naman
nating masasabing salut sila sa lipunan sa
katunayan sa panahon nating ngayon halos
myembro ng LGBT ang mga propesyonal.
Tinuturing ng simbahang katoliko ang
kasal na sagrado at banal na institusyon.
Kung kaya’t dapat itong galangin at
respetuhin ng bawat tao. Ayon sa simbahan
ang kasal ay para lamang sa indibidwal na
may magkaibang kasarian at hindi para sa
PAGSASANAY 3. ISULAT MO NA!

Panuto. Mula sa mga napapanahong isyu, sumulat ng dalawang (2) posisyong papel na naglalahad ng
pagsang-ayon at di pagsang-ayon. Ito’y binubuo ng 200 salita. (Sundin ang pamantayan sa
pagmamarka). Gamitin ang ibabang parte sa pagsulat ng posisyong papel.

A. Isyu:
 Eleksiyon 2022 (Bumuto ng tama utak ay gamitin)

Posisyong Papel

Utak ay pairalin sa pagpili ng mga bagong lider

Sa nalalapit na halalan 2022, mapapansin natin na ang mga politiko ay may kani-kaniyang
paraan ng pagpapabango ng pangalan sa publiko. Mga nagkalat na posters kung saan-saan na
nagpapapangit at nagpaparumi ng kapaligiran. Sarisaring mga patalastas sa telebisyon na
ibinibida ang kanilang plataporma, proyektong matagumpay na naipatupad, gayundin ang
patutsadahan sa mga karibal na politiko; paglalabas ng mga kasiraan ng mga katunggali sa
posisyong hinahangad.

Ayon sa kawikaan 29:2 MMB “kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunti
tumarangis ang bayan kung ang pinuno ay masama”

Dapat ay pairalin natin ang ating utak sa pagpili ng tamang pinuno na kayang iahon ang ating
bansa sa kahirapan. Wag papadaig sa pera at sa mga pangakong binitawan ng mga kandidato
bagkus piliin natin ang kandidatong walang pansariling hanggarin, inuuna ang kapakanan ng
mas nakararami, may pagmamahal sa bayan at higit sa lahat ay may takot sa Diyos. Hindi
maiiwasan ng karamihan ang vote buying sa kadahilanan ng pangangailangan sana’y isa isip
parin natin na ang pera ay lumilipas ngunit ang pagboto ng tama ay magdadala sa ating bayan ng
kaunlaran.

Lagging isa-isip na nasa kamay natin ang magandang kinabukasan ng ating bansa. Sana’y wag
pairalin ang pera sa pagbuto ng tama, sapagkat kinabukasan natin ang nakalaan. Maging
matalino sa pagpili at maging mapili, sapagkat ang iisang boto na nasa iyong mga kamay, ay
maaring maging dahilan upang ang bayan ay umunlad at sa kabutihan mailagay.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman – 30%
Organisasyon -25%
Kaisahan – 20%
Gramatika, / Bantas , at Pagbaybay- 25%
Kabuuan – 100%

You might also like