You are on page 1of 2

DALUMAT NG/SA FILIPINO ( DALUMATFIL)

“ Edukasyon bilang Tagpuan ng


Katwirang Lungsod at Katwirang Lalawigan “
Ni Noel L. Clemente

REAKSYONG PAPEL

IPINASA NI:

LAPARAN MONICA D.

BSED-III

SUMMER CLASS 2021

IPINASA KAY :

VIRGILIO V. EMBERNATE, MPA

GURONG TAGAPAYO
Ano ba ang katwiran o pangangatwiran? Sa aking palagay ang katwiran o pangangatwiran ay uri ng
diskursong naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at pinaniniwalaan at ipatanggap sa
nakikinig o bumabasa ang katotohanang iyon. Subalit maaari rin nating paghambingin ang lungsod at lalawigan
batay sa epistemolohikong perspektiba. Hindi natin maikakailang malaki ang pagkakaiba ng uri ng
pangangatwiran ng mga tagalungsod at tagalalawigan. Kung tatanawin natin ang kalagayan ng mga lungsod ng
Filipinas sa ganitong pananaw, matutuklasan nating edukasyon ang siyang namamamagitan sa dalawang
magkaibang katwiran. Sabi nga ng may akda na si Noel N. Clemente na “hindi ko sinasabing epistemolohiko
ang angkop o mas tamang batayan ng distinksiyon ng lungsod at lalawigan. Hindi ko pangunahing haka sa papel
na ito ang paglapat ng epistemolohikong lente, sa halip, isa itong palagáy ng aking punto subalit kung
pagtatambisin natin ang dalawa batay sa kanilang pag-iisip, kritikal ang edukasyon bílang tagpuan ng dalawang
katwiran. Yan ang kanyan opinion batay sa kanyang napag –aralan.

Masasabi ko lang dito sa aralin na ito bago ako tumungo sa paglalarawan ng katwiran ng mga
tagalungsod at ng mga tagalalawigan, nais kong banggitin ang isa pang mahalagang punto ko sa dalawa , Sa
pananaw ni Max Scheler ukol sa mga ibat ibang aspekto ng kalooban at sa paggiit naman ni Rodriguez na sa
isang banda, pinipili rin natin ang ating katwiran dahil akala natin na iyon ang tama , kapag nagkaroon tayo ng
sitwasyong magtutulak sa atin upang kuwestiyonin at tanggihan ang nakagawiang katwiran maaaring magsisi
tayo sa huli. Hindi ko ikinakaila ang puntong ito dahil lahat naman tayo pwedeng mamili simula umpisa pa lang
bílang paunang depinisyon sa “katwiran,”. Sa aking paglalarawan ng katwiran ng mga tagalungsod at ng mga
tagalalawigan, dito malalaman natin na ang katwirang lungsod ay mas maunlad at mas sikat sapagkat dito
nagaganap ang kalakalan ito ang katwirang mateyalistiko at indibidwalistiko samantalang ang katwirang
lalawigan naman ay malayo sa impluwensyang mananakop, dala nito ang katutubong tradisyon at paniniwala
at sumasailalim ang katwirang ito sa pagiging relihiyoso at kolektibo. Ang dalawang katwirang ito ay
magkasalungat kung kayat nagdudulot ng hindi maganda sa mga mag aaral dahil hindi sila gaano namulat sa
ganitong paniniwala. Ng dahil sa ganito nagkaroon ng tunggalian ang dalawang panig na nagdulot naman sa
mga mag aaral ng pagkalito sa mga asignatura na nging resulta naman ng pagkakonteto sa pagpapasa ng mga
pagsusulit at pagkakaroon ng diploma na kahit sa bandang huli ay hindi pa din nila magagamit ang ating mga
natutunan sa paaralan.

Sa panahon ngayon na may pandemya maraming uri ng karamdaman o sakit ang maaring magkaroon ang tao. Ngayon
na lahat tayo ay nakakaranas ng ganitong pandemya , masasabi kong mahirap ang buhay ngayon lalo na at
kulang na ang vaccine nag karamihan sa mga lugar na kakaunti pa lamang ang natuturukan . Nakikita ko na
hirap at kulang na kulang pa ang mga doctor at nars maging ang mga health workers kahit na sabihing
madaming nakapag tapos ng nursing at doctor subalit mas madame pa ang mga nangingibang bansa dahil na
din sa mas nagagamit pa nila doon ang knilang mga napag aralan kumpara dito sa pilipinas naman na mababa
din ang sahod kaya mas pinili pa nila na lumayo at doon magtrabaho .

© 2016 Noel L. Clemente


http://www.kritike.org/jour
nal/issue_18/clemente_jun
e2016.pdf ISSN 1908-7330

You might also like