You are on page 1of 12

Edukasyon ang solusyon na nakikita ng ating mga mulat na

mata upang makaalis sa rehas ng kahirapan at upang mabigyan ang


ating sarili at pamilya ng magandang buhay. Naitatak na sa ating
isipan na ang edukasyon ang susi upang ang ating buhay ay maging
maunlad. Ito ang dahilan kung bakit nagpapakahirap ang mga
magulang, kapatid at kamag-anak na magtrabaho, mangibang bansa
kahit malayo sa pamilya, magtanim at mangisda kahit bilad sa init ng
haring araw at babad sa malamig na tubig ulan- maitaguyod lamang
ang kanilang mahal sa buhay tungo sa susi sa kahirapan at
kamangmangan.
Ngunit hindi natin alam na ang pinaghihirapan nating edukasyon ay
mayroong dalawang mukha, ito'y wala sa ating kamalayan dahil
nasanay tayo dala ng kaisipang ibinahagi satin ng mga banyagang
mananakop, dalawang mukha na ang dulot sa ating mga Filipino ay
pamamangka sa dalawang katwiran na maaring magdulot ng
pagkalunod sa pinahahalagahan nating edukasyon.
• Ang pagkakaroon ng dalawang katwiran sa ating sistema ng edukasyon.

• Ang pagkakaiba ng kaisipang lungsod at lalawigan

• Ang kritikal na posisyon ng edukasyon sa magkasalungat na laban ng mentalidad ng lungsod at kaisipan ng


lalawigan.

• Ang kabalintunaang kaakibat ng edukasyon bílang tagpuan ng katwirang lungsod at katwirang lalawigan

• Ang pagkakaroong malaking gamit ng katwiran at sapantaha sa pagbabalangkas ng pag-unawa ng isang tao,
at sa pagpapakita ng pagkakasalungat ng katwiran ng lungsod at lalawigan.

• Ang kabalintunaan sa pamamagitan ng pagbuo ng ating sistema ng edukasyon tungo sa isang mas
makabansang edukasyon.

• At iba pa
Nakasaad sa akdang isinulat ni Noel Clemente na "Edukasyon bilang Tagpuan
ng Katwirang Lungsod at Lalawigan", mayroong dalawang katwiran ang ating sistema
ng edukasyon, ito ay ang katwirang lungsod o banyaga at katwirang lalawigan. Ang
katwirang lungsod ay mas maunlad at mas sikat. mas malapit sa ideyang banyaga
sapagkat dito nagaganap ang kalakalan, ito ang katwirang materyalistiko at
indibidwalistiko. Ang katuwirang lalawigan naman ay malayo sa impluwensiyang
mananakop, dala nito ang katutubong tradisyon at paniniwala at sumasailalim ang
katuwirang ito sa pagiging relihiyoso at kolektibo. Ang dalawang katwirang ito ay
magkasalungat kung kayat nagdudulot ng hindi maganda sa mga mag-aaral- hindi
sila gaanong naging produktibo at nakuntento na lamang hindi sa pagkatuto kundi sa
pagkakabisa at pagpasa.
Batid natin na banyaga ang naglapit sa atin sa edukasyon, banyagang nilinlang tayo
sapagkat itinuro nila ang edukasyong kanluran, edukasyon na unti-unting inilayo satin ang
katwirang lalawigan- Ingles ang siyang ginamit sa paaralan na hindi naman siyang ginagamit
paglabas at sa pang araw-araw na buhay. Sapagkat ang katwirang lalawigan ang siyang gingamit
natin sa ating mga tahanan at katwirang lungsod naman sa paaralan - nagkaroon ng tunggalian na
ang dulot sa mag-aaral ay ang hindi pagkaintindi sa mga asignatura, nakuntento na lamang sa
pagkakabisa, pagpasa sa mga pagsusulit at pagkakaron ng diploma kahit sa bandang huli hindi
naman natin magagamit ang ating natutunan sa paaralan.

Ito marahil ang dahilan kung bakit nauubos ang mga matatalino at magagaling na
manggawa sa ating bansa. Ngayong tinamaan na lamang tayo ng pandemya, nakita natin ang
kakulangan ng mga doktor at nars kahit nakasaad naman sa datos na marami ang nakapagtapos sa
mga kursong nabanngit. Ito ay dahil karamihan sa kanila ay nangibang bansa - sa mga bansang mas
mapapakinabangan nila ang kanilang napagaralan sa eskwela, mga bansang nakalinya sa katwiran
ng lungsod na kanilang napag-aralan hindi katulad sa Pilipinas na dalawang katwiran ang naghahari.
Minsan naririnig namin ang kapalaran ng ating mga kababayan, kapalarang
ang pinaghirapan nilang aralin sa mahabang panahon ay hindi nila nagagamit nang
sila'y nagtrabaho na. Tila ba ang tunog nila'y, nagsayang sila ng dugo, pawis at luha
sa mga kursong sa kalaunay hindi naman sila bubuhayin o hindi naman nila
mapapakinabangan.

Iyan ang nakakalungkot na katotohanan kaya bilang mga tagapag-hatid


kaalaman sa mga mag-aaral sa hinaharap, batid naming na tama ang suhestiyon ni
Clemente na nararapat na magkaroon tayo ng kamalayan sa katotohanang
nagaganap sa ating sistema ng edukasyon katotohanang hindi akma ang sistema at
nararapat lamang na ito'y baguhin unti-unti.
Sa unti-unti nating pagsulong sa edukasyong para sa Filipino, unahin nating
imulat ang mga mata sa ating kasaysayan ang ating pinagmulan, ang ipinaglaban
ng ating mga ninuno, ang ating mga kaugalian, tradisyon at paniniwala. Kailangan
nating iwaksi ang mga kaugaliang pumipigil sa atin tungo sa pag-unlad, mga pag-
uugali na naghihiwalay sa atin sa pagiging buo at iisang bansa.
Masasabi kong mas mapalad ang mga bata sa Kinder hanggang baitang
3 ngayon sapagkat ang kanilang asignatura ay nasa "mother-tongue", mas
magkakaroon sila ng tiyansa na maisabuhay ang katuwirang lalawigan kasama
na ang kanilang dayalekto- isang pakakataon na hindi namin naranasan. Ngunit
nagagalak kami na sa pamamagitan nito'y mas mapapalawig ang katuwirang
lalawigan at hindi na lamang ito maisasantabi gaya ng nangyari sa nakaraan.

Hindi na lamang sa pagkakabisa at pagpasa magpopokus ang mga mag-


aaral, hindi na lamang sa mga numerong nakaukit sa kard o kwaderno
magbabase ng katalinuhan, mas maiintindihan na nila ang mga konseptong
itinuturo sa paaralan, magiging produktibo at ang kanilang matutunan ay hindi
maiiwan sa silid-aralan kundi magagamit nila ito sa pang araw-arawnilang
pamumuhay.
Ang pagsasama ng katuwirang lalawigan at katuwirang panglungsod
tungo sa isang magandang sistema ng edukasyon na para sa mga Filipino ay
siguradong magkakaroon ng magandang epekto hindi lamang sa paaralan
kundi sa ibat-ibang larangan ng agham, abogasiya. medisina at iba pa na siyang
magiging kapaki-pakinabang sapag-unlad ng ating bansang Pilipinas.
Aben, Clarisse
Ceballos, Mark Kenneth
Cezar, Erwin
Ganancial, Giree Mae Magno
Levid, Ruth Estrada

You might also like