You are on page 1of 6

Replektibong Sanaysay Halimbawa At Kahulugan Nito

November 9, 2020 by Ki in CategoriesEducational

Ano Nga Ba Ang Replektibong Sanaysay At Ang Mga Halimbawa Nito

REPLEKTIBONG SANAYSAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang replektibong sanaysay
at ang mga halimbawa nito.

Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng sulating pampanitikan na isang uri tuluyan o prosa. Ito ay
nangangailangan ng sariling opinyon o perspektibo tungkol sa isang paksa. Dahil hindi ito pormal na
sulatin, maaaring maging masining ang tagasulat sa kanyang mga pananaw at damdamin.

Replektibong Sanaysay Halimbawa At Kahulugan Nito

Heto ang mga halimbawa:

proposal

konseptong papel

editoryal

sanaysay

talumpati

Heto ang isang halimbawa ng replektibong sanaysay sa pelikulang “Bad Genius” na isinulat ni Dianne
Agnas:

Ang pandaraya sa paaralan ay isang bukas na sekreto.Kahit sinong estudyante ay ginagawa ito lalo na
kung nahihirapan at wala ng ibang pagpipilian pa.Halos lahat ay ginagawa ito ngunit hindi napag-
uusapan dahil walang estudyante ang gusto nito.

Ang Bad Genius ay pelikula sa Thailand kung saan tinalakay ang isyu ng pandaraya sa loob ng paaralan.
Kwento ito ni Lynn na isang napakatalinong estudyante sa Senior High School kung saan tinulungan nya
ang kanyang mga kaibigan sa pagpapakopya kapalit ng bayad.Minsan kahit may mga patakaran ay hindi
natin maiiwasang lumabag kahit alam nating masama ito.
Kumakapit tayo sa patalim para lang umangat pero kung magkakaroon tayo ng kumpyansa na gawin ang
ng bagay na hindi natin kaya o kung saan tayo mahina ay maaaring magkaroon tayo ng pag-asang
matutunan ito. Sa pelikula ay pinakita ang kanilang estratehiya sa pandaraya sa mga test para lang
makakuha ng mataas na grado.

Ipinapakita sa pelikula kung paano nangyari ang pandaraya sa loob ng paaralan, ang pandaraya na hindi
maiiwasan, ang paglabag ng mga may katungkulan at kung paano napapagalaw ng pera ang tao.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik
na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng
mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang
sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang
bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa
hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang
pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang
panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong
marital.

Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

Green Highlight: Rasyunal

Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit

Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon

Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik

KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon
ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto
ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng
pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito
ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa
kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating
impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang
Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa
impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa
pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas
sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at
pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa
pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa
pagsasalita ang mga mag-aaral.

Green Highlight: Rasyunal

Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit

Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon

Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik

ABSTRAK

Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng pambansang identidad ay isang nabuong


kilusang naglalayon ng indihenisasyon o “Pilipinisasyon” ng agham panlipunan sa ating bansa. Sa
pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga mananaliksik ng lipunang Pilipino ay gumagamit ng mga
konsepto at metodo ng pagsusuri na kadalasan ay batay sa mga itinuro ng mga espesialista mula sa
kanluraning daigdig. Sa palagay ng mga indihenista, higit na mabisa at angkop ang siyentipikong
pananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan ng pagsusuri ay galing sa katutubong karanasan ng
komunidad na sinisiyasat. Sa pamamaraang ito ay higit na matatamo ang malalim na pag-unawa sa
Pilipino, sa kanyang kamalayan at pagkatao, sa kanyang kaugalian at mga elementong nagpapalakad ng
kanyang lipunan. Binibigyang kabuluhan ng bagong kaisipang ito ang indihenisasyon sa kasalukuyang
pagsisikap tungo sa pambansang kaunlaran.

Green Highlight- Rasyunal

Blue Highlight- Metodolohiya

Gray Highlight- Resulta

Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha mula
sa tekstong binasa sa pagkakasunod sunod na panyayare.ito ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang
teksto.Marapat lamang na maging malinaw sa pagpapahayag.Ang sintesis ay bahagi ng metodong
diyaletikal kaugnay ng pagbuo ng katuwiran.
Mga Iba’t Ibang Halimbawa Ng Sintesis

HALIMBAWA NG SINTESIS – Ang sintesis ay isang pagbubuod kung saan ang manunulat ay kumukuha ng
maliit pero importanteng parte sa kabuan ng isang sulatin o salaysay.

Halimbawa Ng Sintesis: Mga Halimbawa Ng Sintesis

Ang layunin nito ay maka kuha ng importante ngunit maikling sulatin na kumakatawan sa kabuan ng
kanyang ibinuod.

Halimbawa:

Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-isip at kumilos ang isang
tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal na mga problema kung hindi pati na rin sa
emosyonal at sosyal na aspeto.

Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang nagdaranas ng depresyon. Ang
mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25 taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking
potensyal na magkaroon nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay
ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.

Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal depression”. Ang
depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling salita, nararanasan ito ng isang tao
kasabay ng pagbabago ng panahon.

Ang isa pang uri ng depresyon ay tinatawag na “postpartum depression”. Ito ay karaniwan sa mga
kababaihan na nagdaan sa kalungkutan, o sobrang kapaguran sa kanilang panganganak na nagbubunga
ng hindi maayos na pag-aalaga sa kanilang mga sanggol o sa kanilang sarili. Isa sa pitong kababaihan ang
nagdaranas nito.

Ang paggamot sa depresyon ay isang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay lubos na
nakaaapekto sa buhay ng tao at nangangailangan ng labis na atensyon sapagkat buhay na ang
nakasalalay dito.
Ang Epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan ay talaga namang nakakasama sapagkat nakakaapekto
ito sa pisikal, emosyonal at mentalidad ng menor de edad. | Cristine Joy Cabuga

Ayon sa National Health and Demographics Survey noong 2013 at Young Adult Fertility and Sexuality
(YAFS) study, isa sa sampung babae may edad 15-19 sa ating bayan ay ina o buntis na. Mga 14 percent ng
mga Filipinang babae may edad 15 hanggang 19 ay buntis o di kaya mga ina na rin.

Ayon kay Larrize (2017) Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae kung saan ay
wala pa siya sa hustong gulang ng pagbubuntis. Ang iba sa kanila ay biktima lamang ng pang gagahasa ng
walang awang mga tao. Sa makatuwid, wala silang balak na magkaroon ng anak sa murang edad pa
lamang.

Ang magandang maidudulot ng maagang pagbubuntis ay masusubaybayan mo ang paglaki ng bata


hanggang siya ay magpakasal na.

At bukod pa dito dahil sa bata pa ay maaaring magkaroon ng malaking tyansa na mapagtapos sa pag-
aaral sapagkat may kakayahan pang makapagtrabaho di tulad nga mga may edad na ng mabiyayaan ng
anak.

Ngunit ang lahat ng ito ay sinasalungatan ng websayt na teenage pregnancy, ayon dito Ang mga batang
magulang o maagang nabubuntis ay hindi pa lubos ang kaalaman at hinda pa lubos na handa sa mga
responsibilidad na haharapin nila.

At ayon pa dito, madaming mga kabataang mahihirap na may anak dahil hindi sila nakapag-aral, hindi sila
makakapag trabaho dahil hindi wasto amg kanilang pinag aralan.

You might also like