You are on page 1of 4

KABANATA.

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA
Ang Filipino Hugot o “hugoat” at “whogoat” ay isang malikhaing paraan ng
paghahayag ng damdamin gamit ang makabuluhang mga salita na madalas
ginagamit ng mga kabataan. Ang hugot ay madalas na nagagamit sa
larangan ng pag ibig at sa pagiging emosyonal saibat ibang bagay. Ang hugot
ay walang lugar, oras o bagay na pinagbabasehan. Kahit saan ay maaaring
mabuo ang hugot basta maisip lang ito ng taong emosyonal.
Naging sikat ang hugot dahil sa isang segment ng GMA o channel 7 sa
show na “Bubble Gang” na “Hugot”. Ipinapakita sa segment na ito si Michael
V na humuhugot sa ibat-ibang mga bagay sa ibat-ibang lugar. Naging tanyag
ang segment na ito at ang hugot dahil kakaiba ito at matalinhagang
pagpapahayag ng damdamin pagdating sa pag-ibig.
Sa pananaliksik na ito, malalaman ng mananaliksik ang magiging epekto
ng Filipino Hugot sa mga kabataan ngayon. Pagbabatayan ang mga
impormasyon o gagawin ang pag-aaral sa ika-sampung baitang na
estudyante ng San Jose National High School. Maaaring malaman ang
pananaw nila dito. Masasagot din nito ang katanungan na kung
makakatulong ba ang Filipino Hugot sa atin o hindi.
Ayon sa isang kwalitatibong pag-aaral mula kay Dominic Co, Nathan
Gonzales at John Lee (mga Filipino Chinese) na patungkol din sa epekto ng
Filipino Hugot sa pananaw ng mga kabataan sa pakikipag-relasyon; sa pag-
aaral ng mga mananaliksik nalaman nila na hindi direktang nakakaapekto ang
hugot sa buhay pag-ibig ng mga kabataan, kundi, nakikita nila ito bilang isang
libangan lamang.
KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang hugot ay isa sa mga ginagamit ng mga kabataan sa pagpapahayag


ng mga damdamin. Ngunit ito ba ay nararapat o nasa lugar sa lahat ng
pagkakataon? Ito ba ay nakakaapekto sa pag-iisip ng mga estudyante? Nais
ng mananaliksik na malaman kung angkop ba ang paggamit nito.
Nais ding malaman ng mga mananaliksik kung nakakaapekto ba ang
Filipino Hugot sa panananaw ng mga esutdyante sa kanilang pang araw-araw
na buhay. Kung nakatutulong ba ito sa kanilang gawain sa paaralan o
nakikita lang nila ito bilang isang libangan.
At higit sa lahat, nais malaman ng mananaliksik kung mayroon bang
mabuti at maamang epekto ang paggamit ng hugot sa lahat ng oras. Kung
meron ba itong malaking naitutulong hindi lamang sa buhay pag-ibig ng isang
estudyante, pati na rin sa kanyang pang araw-araw na buhay.
Ang aming mga napiling mga estudyante sa aming research ay nasa
ikasampung baitang na magmumula sa San Jose National High School.

BALANGKAS TEORETIKAL

FILIPINO HUGOT

INTERNET PAKIKIPAGTALAKYAN

KABATAAN

MABUTING EPEKTO MASAMANG EPEKTO


PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Totoo ba na nakaka-apekto ang Filipino hugot sa pananaw ng mga
estudyante sa kanilang buhay o nakikita lamang nila ito bilang isang uri ng
libangan o kasiyahan?
Kung nakaka-apekto ito, ano ang mga magaganda at masasamang
epekto ng Filipino Hugot sa pananaw ng mga estudyante mula sa ika-
sampung baitang?
Kung meron bang kinalaman ang paggamit ng Filipino Hugot sa paggawa
nila sa mga gawain sa paaralan tulad ng mga takdang aralin.

HIPOTESIS O PALAGAY
Mahihinuha ng mananaliksik sa gagawing pananaliksik ang tungkol sa
mga kabataan ng ika-sampung baitang na sila ay dumidipende sa
pagpapahayag ng kanilang emosyon o mga ideya sa pamamagitan ng
paghugot.
Maaaring maging palagay na dahil sa kanilang pagiging teenager,
nagiging daan ang pagpapahayag ng emosyon sa paghugot dahil ang
kanilang emosyon ay mapusok at pabago-bago.
Mahihinuha din ng mananaliksik ang tungkol sa mga kabataan ng ika-
sampung baiting na ginagamit nila ang mga Filipino Hugot para palihim na
magtapat ng kanilang damdamin ng hindi napapahiya sa lahat, dahil maaring
isipin ng ibang tao na ginagamit niya lang ang hugot para magpasaya ng iba
pang tao.
At higit sa lahat, maari ding mahinuha ng mananaliksik ang tungkol sa
mga kabataan ng ika-sampung baitang na makatutulong ang paggamit ng
hugot para patamaan ang mga taong gusto nilang pagsabihan.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay nakabase sa kanya-kanyang pananaw ng mga
piling mag-aaral ng ika-sampung baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa
ng San Jose tungkol sa epekto ng Filipino Hugot sa pananaw o pagtingin sa
buhay. Nilalaman ng pag-aaral na ito ang pagkuha ng mga baryabol tulad ng
saloobin at pananaw ng mga mag-aaral na parte sa nabanggit na pag-aaral.
Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa Mataas na Paaralang Pambansa ng
San Jose. Mas lalo pang nililimitahan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga
respondente mula sa piling mag-aaral ng ika-sampung baitang ng Mataas na
Paaralang Pambansa ng San Jose.
Nalilimitahan din ang mga mananaliksik dahil sa pabago-bagong iskedyul
ng mga estudyante sa Mataas ng Paaralang Pambansa ng San Jose, kaya`t
kaunti lamang ang mga estudyanteng makakalahok sa kanilang pag-aaral.

DEPINISYON NG MGA KATAWAGAN


Hugot- ay isang "slang word" na tumutukoy sa malikhaing paglalahad ng
nararamdaman gamit ang mga makabuluhang salita
Pananaw- Ang pananaw o paningin ay tumutukoy sa paniniwala o
pagkakaunawa o personal na perspektibo ng isang tao sa mga bagay bagay.
Baryabol- Ito ang bagay na may kapasidad na siyang dahilang upang
magbago ang isang bagay, o isang bagay na maaring bigyan ng halaga.

You might also like