You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
Batangas City

PINAL NA EKSAMINASYON
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Pangalan: GLYRINE CALANOG PUNZALAN Marka: ______________


Kurso/Seksyon: BS PSYCHOLOGY 1206 Petsa: HUNYO 1,2022

I. Pagsulat

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at ibigay ang hinihingi ng mga ito. Bibigyan ng
tatlumpung puntos (30) ang bawat tanong. Gawing gabay ang rubrik sa ibaba.

1. Nanood ka ng isang dula na naglalarawan ng mga kakatwang sitwasyon sa loob ng silid


aralan bagama’t makikita rito ang kalunos-lunos na kalagayan ng akademikong
institusyon sa kamay ng mga dalubgurong hindi totong nagpapahalaga sa karunungan na
dapat ibigay sa mga nagnanais na matuto. Sa dulo ng palabas ay nagkaroon ng
realisasyon si Prof. Garcia sa napakahalagang papel na dapat gampanan ng eskwelahan.
Anong teorya ng pag-aaral o pananaliksik ang maaaring iugnay sa sitwasyong ito?
pIaliwanag ang iyong sagot.

KASAGUTAN:

Ang edukasyon ay pahalagahan sapagkat ito'y daan tungo sa magandang kinabukasan,


subalit paano nga ba pahahalagahan ang edukasyon kung ito ay nagkakaroon ng bahid na
kakatwang sitwasyon sa kamay ng iba dalubgurong hindi totoong nag papahalaga sa mga
karunungan. Maraming tao ang naghahangad ng karunungan at kaalaman na matututuhan
lamang sa loob ng silid- aralan. Maraming tao ang walang oprtuninad na makapasok sa
eskwelahan upang magtamo ng pagkatuto sa akademikong institusyon. Sapagkat ang
pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago
ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.

Kaya naman batay sa naitalang sitwasyon ng aming instructor patungkol sa isang dula na
naglalarawan ng mga kakatwang sitwasyon sa loob ng silid aralan bagama’t makikita rito ang
kalunos-lunos na kalagayan ng akademikong institusyon sa kamay ng mga dalubgurong hindi
totong nagpapahalaga sa karunungan na dapat ibigay sa mga nagnanais na matuto. Sa dulo ng
palabas ay nagkaroon ng realisasyon si Prof. Garcia sa napakahalagang papel na dapat
gampanan ng eskwelahan. Na kung saan gagamitan namin ng teoryang pag-aaral ang
sitwasyong naitala. Bago tayo magtungo sa aking mga napiling teorya ng pag-aaral ating
munang alamin kung anon ga ba ang kahulugan ng teorya. Ayon naman kay Abend, ang mga
teorya ay binuo upang magpaliwanag, magbigay ng prediksyon hinggil sa o makatulong sa
pag-unawa sa penomemon, at sa maraming sitwasyon, ay naglalayong suriin ang kabuluhan
at palawakin pa ang umiiral na kaalaman. Kaya naman para sa naitalang sitwasyon ang mga
teorya na aking gagamitin upang ito ay maipahayag ng may kaayusan ay ang pantayong
pananaw, pantawang pananaw at bukod, bakod at buklod. Na kung saan sa pantayong
pananaw na teorya ay naghahayag ito na marapat tayong magbigay pokus sa akademikong
institusyon sapagkat nasaad ng ana hindi naman lahat ng dalubguro ay naglalayon na
makapag-hatid ng kaalaman at karunungan sa mga mag-aaral o makikinig na nagnanais
matuto. Nabanggit sa kahulugan ng pantayong pananaw sa modyul ang aking naihayag na
pagppaliwanag sa katulungan ng teorya ng pantayong pananaw. Samantala sa teorya ng
pantawang pananaw naman ay nailathala sa din sa sitwasyong naitala, kung saan
masasalamin dito ang pahayag na pagiging masayahin ng mga Pilipino. Sapagkat kahit may
kalunos lunos na kabaliktaran ang sitwasyon na naitala ay naroon pa din ang kasiyahan sa
kanilang mga mukha. Kahit naroon ang pangit na epekto nito sa kanila ay naroon pa din
nangingibabaw na kasiyahang kanilang nararamdamn. Ayon nga sa aming modyul “Laughter
is the best medicine and humor is the spice of life”, kung kaya naman kahit may kasamaang
kabaliktaran ang sitwasyon na nabanggit itong teorya ng pantawang pananaw ay isa sa mga
teorya na aking napili upang maihayag ang sitwasyong nalathala. At ang pang-huli naman na
teorya na aking napili ay ang teorya ng bakod, bukod at buklod. Dito sa teoryang ito, aking
nasasalamin ang sitwasyon na nabanggit. Una para sa bakod, nasasalamin nito ang nabanggit
na sitwasyon sa pamamagitan pagkakaroon ng hangganan ang lahat ng bagay. Hangganan, na
kung saan sa loob ng silid aralan naroon na ang karamihan sa daubguro ay walang pokus sa
pagpapahayag ng mga kaalaman at karunungan. Kaya naman pumapasok rito na mayroong
hangganan ang lahat ng kaalaman na maaari lamang malaman ng makikinig sapagkat
karamihan nga sa lahat ng dalubguro ay hindi totoo. Pangalawa naman para sa bukod, sa pag-
aanalisa ang sitwasyong nabanggit aking nasalamin na lahat ng mamamayang Pilipino ay
may bukod bukod na pananaw pagdating sa ganitong usapin. Alam naman natin mayroon
tayong magkakaibang pananaw sa iba’t ibang usapin, kaya naman, kaugnay sa isang
pangungusap sa nasabing sitwasyon na nagsasaad na “ isang dula na naglalarawan ng mga
kakatwang sitwasyon sa loob ng silid aralan bagama’t makikita rito ang kalunos-lunos na
kalagayan ng akademikong institusyon”. Mula sa pangungusap na ito nasasalamin ang
bukod na teorya sapagkat, kahit na naroon ang masamang epkto ng sitwasyong ito mas
nasalamin pa din ng iba ang kakatwang parte ng sitwasyong iyon sapagkat mayroon nga
tayong bukod bukod o pagkakaiba iba na pananaw. At sa panghuli naman ay ang buklod, na
kung saan nagpapahyag ito na lahat ng mamamayan sa looob ng isang silid-aralam ay
mayroon pagkakabuklod buklod sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga samahang
magkakaparehas ang pananaw. Kagaya ng nabanggit ko sa bukod na teorya mayroon tayong
sarisariling pananaw, at batay sa nasabing sitwasyon isa si Prof. Garcia na nakabuklod
sapagkat dahil sa katukungan ng kanyang reyalisasyon kanyang nalaman ang
napakahalagang papel na dapat gampanan ng eskwelahan. Kaya naman marapat na mamulat
tayo na ang edukasyon ay isa sa mga susi upang tayo ay magtagumpay at ang edukasyon ang
kayamanan na hindi makukuha ninuman.

2. Bahagi ng aktibidad sa inyong barangay ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na magturo


ng wika sa mga bata. Sapagkat nais mong malaman kung gaano kaepektibo ang mga
istratehiya na ginagamit mo sa iyong pagtuturo, ikaw ay nagpasyang magsagawa ng pag
aaral hinggil dito. Ano kayang uri ng pag-aaral ang maaaring gamitin sa sitwasyon?
Anong metodo ang nararapat gamitin upang makapangalap ng sapat na impormasyon
para sa kapani-paniwalang resulta ng pag-aaral? Talakayin ang iyong sagot.

KASAGUTAN:

Batay sa nailahad na sitwasyon at katanungan kaugnay ng isang sitwasyon na


kalakip ay isang pag-aaral. Kami ay naatasan na analisahin ang sitwasyon na nakatala upang
maipahayag ito ng maayos. Bago tayo magtungo kung anong pag-aaral at metodo ang
marapat na gamitin sa naitalang sitwasyon, atin munang alamin ang kahulugan ng uri ng pag-
aaral at metodo na maaari nating gamitin. Ayon sa aming modyul, may dalawang uri ng pag-
aaral ang nabanggit doon ito ay ang kwalitatibo at kwantitatibo na pag-aaral. Ayon sa aking
nasaliksik, batay sa praktis at pangkahalatang pag-unawa, ang kwantitatibong pananaliksik ay
nagbibigay ng pagkakataong masuri ang mga mahahalagang numerikal na datos. Ang mga
datos na nabanggit ay nagiging bahagi sa paglutas ng suliraning inilahad ng mananaliksik.
Ang kwantitatibo ay obhektibo, gumagamit ng istatistika, sumusubok ng mga teorya at
haypotesis, sinisipat ang koneksiyon ng mga salik at relasyon nito sa bawat isa (Cristobal at
Dela Cruz, 2017). Samantala, ang kwalitatibong pananaliksik naman ay nagsusuri ng mga
transkriptibong mga pahayag mula sa napiling kalahok na magsasaad ng mga mahahalagang
tema. Ang kwalitatibo naman ay isinasalarawan at inuunawa ang sosyal na penomina at mga
interaksyon ng mga tao, imbes na istatistikang impormasyon, mga berbal, mga imahe at mga
artifact na masasabing batay sa teksto o nakalimbag o anyong walang kaugnayan sa numero
at masasabing katamtaman hanggang mataas ang antas ng pagiging subhektibo nito (Barrot,
2018). Ngayon ay magtungo na tayo kung ano uri ng pag-aaral ang maaari nating gamitin
para sa naitalang sitwasyon. Sa aking pananaw ang maaari at nararapat na uri ng pag-aaral na
dapat gamitin sa sitwasyong naitala ay ang kwalitatibong pag-aaral. Ito ang aking napili na uri
ng pag-aaral sapagkat aking naanalisa na ang sitwasyong iyon ay maipapahayag ng maayos
kung ito ang gagamiting uri ng pag-aaral. Nasaad sa sitwasyon na ninanais malaman kung
gaano kaepektibo ang mga istratehiya na ginagamit sa pagtuturo, na bahagi ng aktibidad sa
aming barangay na kami ay mabigyan ng pagkakataon na magturo ng wika sa mga bata. Na
kung saan ito ang nararapat na uri ng pag-aaral sapagkat magagamitan ito ng deskriptibong
pagpapahayag. Samantala, sa nabanggit na uri ng pag-aaral na aking napili ang metodo
naman na aking gagamitin ay ang metodo na Interpretatibong pangkat. Na kung saan ang
metodo na ito ay nakatuon sa pag-unawa sa penomena gamit ang komprehensibo at
holistikong pamamaraan. At ang pamamaraan na ito ang nararapat na magamit sa sitwasyon
naitala, na kung saan susuriin natin kung anong klaseng istratehiya ba ang epektibo para sa
pagtuturo ng wika sa mga bata sa aming komunidad. Kasangkot sa pangkat na ito ang pag-
alam sa mga kasagutan sa tanong na bakit epektibo ang nasabing istratehiya na iyon, paano
nito natutulungan ang mga bat ana mas maunawaan ang aralin kung kaya’t epektibo ito at
kung anon ga ba ang benipisyo nito sa mga mag-aaral na bata sa loob ng komunidad.
Samakatuwid, maihahayag ng maayos ang kasagutan sa tulong ng pananaliksik na kwalitatibo
at metodong na interpretatibong pangkat. Na mula sa uri ng pag-aaral na kwalitatibo, o ang
pag bibigay kasagutan ng isang pag-aaral sa pamamagitan ng deskriptibong pamamaraan, at
ang metodong interepretatibong pangkat, mula sa unang salita nito na interpret ay
nangangahulugan ito na maihahayag ng tama at tugma ang kasagutan sa nasabing
pananaliksik.

Rubriks/ Krayterya:
Krayterya Mahusay Di-Gaanong Kailangan Di-Mahusay
(60-50) Mahusay (49-38) pang (20-0)
Paghusayin
(37-20)

Nilalaman Ang tugon ay Di-gaanong Medyo magulo Walang tugon


mabisang naipakita ang ang tugon. (Isa na naipakita.
naipakita. (May tugon. ( Dalawa lamang ang (Walang
kaisahan, lamang ang natamo). natamo.)
kohirens at diin.) natamo.)

Balarila Wasto ang May ilang Kapansin- Nangangailanga


istruktura ng kamalian sa pansin ang n ng
mga istruktura ng pagkakamali sa pagsasanay sa
pangungusap. mga istruktura ng pagbuo ng
pangungusap. mga pangungusap.
pangungusap.

Kaugnayan May malaking Di- gaanong Kaunti lamang Walang


kaugnayan sa naipakita ang ang kaugnayan kaugnayan sa
paksa ang kaugnayan ng ng nilalaman sa paksa ang
nilalaman. paksa sa paksa. nilalaman.
nilalaman.

Kalinisan Malinis na Malinis ang Di-gaanong Marumi ang


malinis ang pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo.
pagkakabuo ng pagkakabuo.
akda.

Kabuuan

You might also like