You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

Anne Patricia A. Ongsitco


MAEd- Filipino

FIL207 – Panunuring Pampanitikan

Gawain Blg 3. A.

Basahin ang sumusunod na artikulo at sagutan ang mga tanong sa ibaba.


 Almario, Virgilio (1972). Three O’clock in the Morning” Pagpapahalaga kay C.H. Panganiban.”
Ang Makata sa Panahon ng Makata. Quezon City: University of the Philippines Diliman.
https://drive.google.com/file/d/1ymUq6SPO6cFICrESFrMmKkbHO77Msyi1/view?usp=sharing

 Melendez-Cruz, Patricia (1994). Balangkas at Pananagisag sa Dugo at Utak Filipino Pananaw sa


Wika, Panitikan at Lipunan. https://drive.google.com/file/d/1OdhGwI0OOE-
64dC2m6AVg0yh95qbLeBp/view?usp=sharing

 San Juan, Efipanio Jr. (1975). Sa Wakas ng Halakhak, Isang Esplikasyon sa Ang Sining sa Tula:
Mga Sanaysay sa Panunuring Pampanitikan.
https://drive.google.com/file/d/1nJgt2tmGgPCwKVMeTUsp6UIIkmf-c7hQ/view?usp=sharing

Talakayin ang kasagutan sumusunod na katanungan.

1. Sa iyong palagay, ano ang silbi ng pag-alam kung sino ang manunulat, at ano ang kalagayan niya
nang sulatin niya ang akdang sinusuri?

 Upang mapahalagahan ang kanilang mga nilikha at mabigyan ng angkop na kastigo sa kanilang
nilikhang sining, mayroon mang pag-alinlangan ngunit naipapakita naman ang kani-kanilang mga panlasa
hinggil sa paraan ng panulat. Mahalaga na mabatid ang taong sumulat upang mas mapaglalim natin at
makapanaliksik kung ano nga ba ang nais na iparating ng may akda. Kung ano ba ang simbolismo o ibig
sabihin sa mga salitang kanilang ginamit sa pagbuo ng tula, maikling kuwento at iba pang akdang
pampanitikan.

2. Anong karanasan na siyang paksa ng representasyon ng mga akdang binasa ang tinutukoy sa
bawat pagbasa?

 Ayon sa isang pahayag na, bilang artista ay sinasagisag ni Korbe ang lahat ng sansinukob na
nagpapayaman sa kagahan na may kaakibat na iba’t ibang sangkap gaya ng
pag-ibig,pakikipagkapwa, kalikasan at iba pa. Inihalintulad ng may akda si Korbe sa isang makina na
kung saan makikita na madilim, mapanglaw at hikahos sa buhay.

3. Paanong inilalarawan o nirerepresent ang karanasan?


 Inilarawan o nirepresenta ang karanasan sa mga nabanggit na artikulo sa pamamagitan ng
paghahambing. Mababasa na nagbigay ng halimbawa at pagkakatulad ng bagay upang mas maipaliwanag
ang malalim na kahulugan ng mga salita. Dito’y ipinakita ang realidad na siyang nagpapaliwanag sa kung
ano nga ba ang mayroon sa ating lipunan at mas nabigyang paliwanag ang usaping pag-ibig at buhay.

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

Tunay ng ana di natin masasabi kung ano ang mangyayari. Wala tayong kapangyarihan upang magbigay
ng mga sitwasyong mangyayari pa lamang. Ang nais natin gawin, magtiwala tayo sa kung anon ga ba ang
plano sa atin ng Panginoon na siyang nakakalam ng lahat.

4. Ano-anong pamamaraang pampanitikan ang ginagamit sa akda?


 Sa pamamaraang pampanitikan, gumagamit tayo ng balangkas o may prosesong sinusunod na
makikita nating nagamit sa akda. Dito makikita natin na ipinakilala muna ang manunulat na siyang
nagsilbing panimula upang mas makilala natin ang lumikha ng akda. Sumunod ay nabanggit ang tulang
sinuri ng manunulat na siyang nagging sentro upang mabigyang ng kahulugan. Makikita na inisa-isa nila
ang bawat saknong ng tula upang maipaliwang ito ng mas maayos at madali na siyang makatutulong sa
atin na maunawaan ito. At panghuli makikita n anagbigay sila ng kanilang mga pamumuna o konklusyon
na syang magpapaliwang ng kabuuan.

5. Anong bisa ng representasyon ang tinutukoy ng mga nagsuri?

 Maging matapat sa panunuri at pagbibigay puna sa isang akda, Gumamit sila dito ng mga
simbolismo na siyang naglinaw sa mga mamalim na kahulugang ginamit sa mga tula. Dito’y mas naging
maliwanag at nabigyang kahulugan ang mga artikulong sinuri ng mga manunulat. Makikita na nabigyan
nila ito ng hustisya na masasabing tunay na pinaglaanan ng oras sa pagsusuri.

6. Ano ang naging tugon nila rito?


 Ang kanilang mga nagging tuon ay ayon lamang sa pagsusuring kanilang ginawa. Inunawa at
nagkaroon ng matalinong pamumuna sa mga artikulo na siyang nakatulong upang mas mapadaling
maunawaan ang mga ito.

Gawain Blg. 3.B.

Basahin ang sumusunod na maikling kuwento at tumukoy ng mga teorya/pananalig pampanitikan sa


bawat akda.

https://docs.google.com/document/d/1bnV0DqukhzsRvpNBMU-zpyfImUH_3vyc/edit?
usp=sharing&ouid=106727873686940837207&rtpof=true&sd=true

Sa nasabing akda ito ay nasa Teoryang Realismo. Sa nasabing teoryang ito ay nagtatalakay ng
katotohanang nagaganap sa lipunan. Karaniwang binibigyang pansin ang sitwasyon o kalagayan sa
lipunan tulad ng hindi pantay na pagtingin ng makapanyarihan at mayayaman sa mga mahihirap lamang,
pang-aapi, diskriminasyon, pagmamalupit at pagsasamantala sa kahinaan ng mahihirap dahil walang sapat
nap era para lumaban. Madalas nakapokus ito sa lipunan at gobyerno. Mahalagang nasusuri ang uri ng
teorya ng kwento sapagkat naitataas nila at napagbabatibay na masolusyunan ang problema sa ating
lipunan sa paglalantad ng mga katotohan na kalagayan na nangyayari sa ating lipunan sa pamamagitan ng
paggamit ng panitikan.
Dito rin ay hitik ang pagpapakita ng karahasan, kalupitan at lantad ang iba’t ibang mukha ng
kahirapan. At upang makaahon sa kahirapan ay patuloy parin kumakapit sa patalim. Talaga ngang

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
Province of Laguna
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Graduate Studies and Applied Research

pinapakita ang tunay na realidad sa ating lipunan. Ang di makatarungang pagpapatrabaho sa kanila ng
walang pahinga at wala sa tamang oras at hindi sapat na sweldo para sila ay makaahon sa pang araw-araw
at kapag lumipas na ang kapanahunan ng kanyang mga mangagawa dahil narin sa katandaan ay tingin sa
kanila ay wala ng kwenta at pakinabang. Ngunit kung ating papansinin lalong nanlilit ang mga mahihirap
at lalo namang namumutawi at lumalaki ang mga mayayaman at makapangyarihan sa ating lipunan. Tila
ba’t kung ika’y nalugmok sa kung anong katayuan meron ka ay habang buhay ka na lang naroon. At kahit
anong kilatis man natin kung paano ito mababago ay parang wala maiibang kalalabasan. Lalo na ang mga
mayayaman ay lagi lamang nasa tugatog samantalang ang mahihirap ay nasa paanan lamang sa ating
lipunan.

Integrity, Professionalism, Innovation


56PJ+PP9, Los Baños, 4030 Laguna

You might also like