Liham Pagsubaybay
G-FRIES FRANCHISING COMPANY
145 D. Padilla Street
Ormoc City, Leyte
Ika-30 ng Agosto, 2019
GNG. LEILALY CLRRZE BATAIN
Manager
52 Tulips Street, Malangit
Quezon, Manila
Mahal na Gng. Batain,
Ako po ay nagpadala ng liham kahilingan noong nakaraang buwan (Hulyo). Layunin ko
pong sumubaybay sa kung ano na ang kalagayan sa kahilingan ng aming stall ukol sa aming
paghingi ng karagdagang pakete ng G-Fries kada buwan dahil mas marami na pong
tumatangkilik ng G-fries dito sa Ormoc City. Ang karagdagang pakete po naibibigay niyo sa
amin ay magiging maganda at mas malaki ang magiging kita naming dito.
Sana ay ikonsidera niyo ang kahilingan ng aking stall dito sa Ormoc City. Inaasahan ko po
ang inyong positibong tugon. Magkaisa po tayo sa kalaguan ng G-Fries sa Pilipinas.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Harly Joe Baguna