You are on page 1of 1

Liham para sa aking mahal na Ina

Mama, ngayong nakapagtapos na ako, gusto kong ibigay ang pagkakataon na ito para
makapagpasalamat sa iyo. Nararapat na bigyan ka ng karangalan at pasasalamat. Maraming salamat sa
pagbibigay ng buhay sakin. Pangatlo man ako sa parte ng buhay na binigay mo, tinatanaw ko pa rin itong
utang na loob. Ibinigay mo sa akin ang buhay na maraming humihiling. Minulat mo ako sa mundo. May
masaya, may malungkot, may pighati, may kagaanan, pero higit sa lahat ay may pagmamahal. Binigay
mo lahat ng makakaya mo mabuhay lang ako at ang mga kapatid ko. Salamat mama.

Bagama’t nagawa at nabigay mo na ang lahat para lang sa ikagaganda at ikasasaya naming lahat, may
mga pagkakataon talagang di umaayon sa atin ang buhay. Dumaan tayo sa pagsubok. Pero ganun pa
man, pinakita mo sa amin ang katapangan mo. Tinanggap mo at hinarap ito ng matapang. Tumayo kang
ama at ina sa amin. Tinaguyod ang pamilya nating naiwan. Muli, humanga ako sa iyo mama. Salamat
mama.

Ngayong nakapagtapos na ako, ako naman ang babawi sayo. Nagbunga lahat ng sakripisyo at hirap mo
para sa amin. Nakamit naming ang tagumpay na inaasam asam mo para samin. Sa pagtuturo mo sa akin
na makalakad, ngayon ay kusa na akong nakakalakad at makakapaglakbay pa sa iba’t ibang daan. Pero
alam kong nasa likod pa rin kita para gabayan ako. Maraming salamat mama sa lahat ng bagay na
ginawa mo para sa kinabukasan ko. Ngayon, makikita na nating lahat ang kinabukasan na matagal mong
pinaghandaan para sa amin.

Maraming salamat mama

Iyong anak,

Alecs Marie

You might also like