You are on page 1of 12

_________1.

Mula sa Iloilo ay lumipat sina Daniel sa


Maynila. Isang araw habang naglalaro sila ng basketball
ay napatingala si Daniel sabay sabing “May pating sa
court.” Nagtawanan ang kanyang mga kalaro. Ang
kahulugan pala ng pating sa salitang Ilonggo ay
kalapati. Napakamot na lang sa ulo si Daniel, alam na
niya ngayong hindi gagamitin ang salitang pating kapag
nasa Maynila siya kung ang ibig pala niyang sabihin ay
kalapati.
_________ 2. Pumasok si Ella sa palikuran ng isang
mall. Nang maghuhugas na siya ng kamay ay wala
siyang nakitang sabon. Tinanong niya ang babaeng
naglilinis kung nasaan ang sabon. “Hayun.” ang sabi
ng babae habang nakaturo ang kanang kamay at
nakaturo rin ang nguso sa direksyon ng lalagyan ng
liquid soap na nakadikit pala sa gilid ng dingding.
_________ 3. Lumaki sa Davao si Jen kaya’t nang mapunta na
siya sa Maynila upang mag-aral ay nagging maingat siya sa
paggamit ng tamang gramatika tulad na lang ng mga panlaping
nakasanayan niya para mas maintindihan siya ng mga kaklase
at mga kaibigan. Halimbawa, sa halip na ang nakasanayang:
Gi basa mo na ba ang libro? Ay inaayos niya sa
Nabasa mo na ba ang libro?
O kaya nama’y
Maka-inis talaga ang traffic, uy! Ay inaayos niya sa
Nakaiinis talaga ang traffic, ah.
_________ 4. Sumusulat si Allen ng isang sanaysay at
ngayo’y pinag-aaralan niyang mabuti kung paano
niyang mapagsama-sama ang mga naiisip niyang salita,
parirala at pangungusap upang mabuo at maipahayag
nang maayos ang mensaheng nais niyang ipabatid sa
mambabasa.
_________ 5. Mula Cebu ay magbabakasyon sa Maynila si
Alex. Sinundo siya ng pinsang si Jamie sa airport. Sumakay
sila ng taxi. Habang nagbibyahe ang taxi ay malakas na
sinabi ni Alex, “Tabi na tayo.” na ang ibig sabihin ay
“magkwentuhan o magchismisan na sila ni Jamie.” Subalit
nang marinig siya ng Manong drayber ay bigla nitong itinabi
o ipinara ang taxi.

You might also like