You are on page 1of 11

kabanata XXXI

ANG MATAAS NA KAWANI


halagahang
pangkatauhan:Nakilala ang
mabuting pamumuno hindi sa
posisyon kundi sa pag tupad ng
kanyang tungkulin
TALASALITAAN:
1.itinalaga A.lumaganap
2.kalapastangan B.taong tumutulong
3.kumalat C.kabukutan
4.maunawaan D.inilagay
5.ninon E.maintindihan
TAUHAN ;
Padre Camorra Ben Zayb
Macaraig Isagani
Padre Florentino Kapitan Heneral
Basilio mataas na kawani
1.Sa araw na iyon,ang mga umalingawngaw na balita sa
mga pahayagan sa Maynila ay ang mga nangyari sa
Europa at tagumpay ng operating Pranses.Walang
anumang binanggit ukol sa katampalasang nangyari sa
Tiani ngunit nanging laman ito ng usap-usapan at ang pag-
alis ni Padre Camorra sa Tiani dahil pinalipat sa kumbento
sa Maynila upang mamalagi ng ilang panahon doon.Dahil
dito nahabag sa kanya si Ben Zayb.
2.Isa-isang nakalaya ang mga mag-aaral.Unang nakalaya
si Macaraig dahil sa kanyang kayamanan.Huli namang
nakalaya si Isagani dahil sa tulong naman ni Padre
Florentino.Dahil dito,sinabi ni Ben Zayb na maawain ang
Kapitan Heneral.Samantala,ang kulang palad na si Basilio
ay naiwan sa bilangguan dahil sa kawalan ng Padrino at
dahil na rin sa nagpasiya ang Kapitan Heneral na dapat ay
may maiwan sa mga mag-aaral sa bilangguan.
3.Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio.Sinabi
niyang malapit nang magtapos ng medisina si Basilio at
hinahangaan ng mga guro.Sa kasawiang palad,ang
ginawang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio
nakasama pa sa binata.Ito ay sapagkat matagal nang hindi
nagkakaunawaan ang Kapitan Heneral at ang mataas na
kawani.Dahil dito,sinabi ng Kapitan Heneral na dapat ngang
maiwan s bilangguan si Basilio.
4.Naramdaman ng mataas na kawani na siya ay nagkamali
sa pagtatanggol kay basilio kaya pinanindigan na lamang
niya ito sa pagsasabing walang kasalanan si basilio .Ngunit
sinabing Kapitan Heneral na nagtatago ng ipinagbabawal
ng aklat ang binata .Pinabulaanan naman nito ng mataas
na kawani sa pagsasabing ukol sa medisina ang mg aklat
na sinulat naman ng mga kastila ang mga polyeto bukod pa
sa hindi kasama si basilio sa piging ng mga mag-aaral na
ginanap sa pansiterya.
5.Tila wala na ngang makapagpapabago pa sa naging
pasya ng Kapitan Heneral dahil humalakhak lamang ito at
ayon sa kaniya ay higit na mabuting maiwan sa bilangguan
si basilio upang matakot ang lahat sa kapangyarihan na
pamahalaan.Sa sinabing iyon ng Kapitan Heneral,tinanong
siya ng mataas na kawani kung hindi siya natatakot sa
maaaring bunga ng kaniyang pasya.Payamot namang
sinabi ng Kapitan Heneral na wala siyang dapat ikatakot sa
isang alila lamang at maging sa bayan dahil hindi naman ito
ang humirang sa kaniya bilang pinuno kundi ang Espanya.
6.Nagkaroon ng sandaliang katahimikan sa pagitan ng
Kapitan Heneral at ng mataas na kawani bago sinabi ng
huli na higit na kailangang maging mabuting pinuno ng
Kapitan Heneral para sa ikararangal ng Espanya bukod pa
sa may sinumpaan itong tungkulin.Ikinagalit ito ng Kapitan
Heneral kaya sinabi niya sa mataas na kawani n hindi niya
ito pinananagotsa kanyang mga responsibilidad.Dahil
dito,sumagot ang mataas na kawani “Wala po akong ibig
sabihin na ganyan ngunit bilang mataas na kawani,alam ko
ang aking mga responsibilidad at hindi ako tinatalikuran ang
mga ito.alam ko ring hindi kailangan ng Espanya na maging
malupit na mangamkam sa mga nasasakupan sapagkat
Kastila rin ako at higit sa lahat ay tao na nagtataglay ng
kagandahang asal at naniniwala sa katarungan,kung kayo
ay nagpapahalaga sa kapangyarihan ako naman ay higit na
nagpapahalaga sa karangalan dahil mahal ko ang
Espanya.Tayo man ang nasa katayuan ng mga pilipino
,masasabi nating sila ay may karapatang
maghimagsik.Dahil tulad ninyo at tulad ko na hindi man
militar ay handang mamatay para sa Espanya.Ngunit kung
ang mga Pilipino ay maghimagsik,sa kanila ako kakampi”.
7.Tinitgan lamang ng Kapitan Heneral ang mataas ma
kawani at sinabing “Alam ba ninyo kung kailan ang alis ng
susunod na barko?”

8.Tahimik na umalis ang mataas na kawani at tinungo ang


sasakyang naghihintay sa kaniya.Nang nakasakay na
ito,sinabi niya sa kutserong Indio ang “kapag nakamit na
ninyo ang kalayaan,huwag mong kalimutang may isang
kastilang nagmamalasakit sa inyo sa Espanya.”Ngunit hindi
nawatasan ng kutsero ang sinabi ng mataas na kawani.
9.Pagkalipas ng dalawang oras,nagbitiw sa kaniyang
tngkulin ang mataas na kawani upang bumalik na sa
Espanya.

You might also like