You are on page 1of 2

Isang ibon ang umigpaw

Sa likod ng hangin
At nagpalutang pababa sa may ilog
Haggang sa magwakas ang agos
At nagtawtaw ng kanyang mga pakpak
Sa kahel na silahis ng araw
At nangahas angkinin ang langit.

Ngunit and isang ibong nanlilisik


Sa kanyang makitid na hawla
Ay bihirang makasilip
Sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit
Mga pakpak niya’y pinutulan at
Mga paa’y tinalian
Kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.

Para sa unang dalawang taludtod na ito, ipinapakita ang pagkukumpara ng dalawang klase ng ibon.
Isang malayang ibon at isang nakakulong na ibon. Ang malayang ibon ay inilarawan na nakikipag-
ugnayan sa kalikasan, at naghahamon pang sakupin ang kalangitan. Samantalang, ang nakakulong na
ibon ay nilalarawang nagtitiis sa kanyang hawla na putol ang mga pakpak, nakatali ang paa at punong-
puno ng galit. Ngunit sa kabila nito, ang ibon ay kumanta pa rin.

Ang ibong nakahawla’y umaawit


Nang may kasindak-sindak na tinig
Ng tungkol sa di-batid na mga bagay
Ngunit minimithi ang kapayapaan
At ang kanyang himig ay naririnig
Sa malayong burol
Sapagkat ang ibong nakahawla’y
Umaawit ng kalayaan

Ang malayangibon nama’y nag-iisip ng ibang simoy


ng hangin malamyos sa mga punong nagbubuntonghininga

Ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang sinisinagan ng umaga


At ang langit ay itinuturing na kanyang sarili.

Ngunit ang isang ibong nakahawla’y nakatayo sa puntod ng mga pangarap


Anino niya’y sumisigaw sa tili ng isang bangungot
Mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y tinalian
Kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.
Nang may kasindak-sindak na tinig

Ng tungkol sa di-batid na mga bagay

Ngunit minimithi ang kapayapaan

At ang kanyang himig ay naririnig

Sa malayong burol

Sapagkat ang ibong nakahawla’y

Umaawit ng kalayaan

Ang ikatlo at ang huling taludtod ay naglalarawan ng pag-awit ng nakakulong na ibon ng kanta ng
kalayaan. Kahit na ang kanyang puso ay puno ng takot at pangungulila, patuloy pa rin siya sa pag-awit.
Ang pang-apat at panglimang taludtod naman ay patuloy pa ring kinukumpara ang dalawang ibon.

SHARE THIS:

TwitterFacebookGoogle

Permalink.

POST NAVIGATION

“Si Maya Angelou”Kaalamang Panretorika

LEAVE A REPLY

You might also like