You are on page 1of 2

Kabanata 31: Mataas na Kawani

Narrator: Umalingawngaw ang isang balita sa may maynila na tungkol sa nangyari sa Europa at
tagumpay ng operatang pranses. Isa sa mga balitang kumalat ay ang pagkakalaya na ng mga mag-aaral.
Gaya ng inaasahan ng lahat, si Macaraig
ang unang nakalabas dahil sa kanyang angking kayamanan samantala’y si Isagani ang huli dahil sa tulong
ni Padre Florentino. Ngunit mas malala pa sa huling nakalabas, ay ang kaawaawang si Basilio, na nanatili
sa may bilangguan dahil sa kawalan ng padrinong maglalabas sakanya.

Kapitan Heneral: Si Basilio daw ay isang estudyante at alipin. Hindi siya dapat pakawalan!

Mataas na Kawani: Paumanhin po Kapitan, pero isa raw po siyang estudyante na nag-aaral ng medisina
at mabuting mag-aaral ayon sa kanyang mga guro. Kailangan niya nalang ng isang taon na pag-aaral at
patapos na siya. Nakakaawa ang estudyante lalo na’t may humahadlang sakanya upang matupad ang
kanyang pangarap.

Kapitan Heneral: Mas mabuti na mapanatili siyang nakakulong. Mas mabuti ngang madagdagan ng
isang taon para maging mas mahusay siyang doktor. Ang binatang iyan ay nagtatago ng mga aklat na
ipinagbabawal sa ating bayan

Mataas na Kawani: Pero siya ang pinaka inosente sa lahat, walang ginawang mali at ang hawak niyang
mga libro ay para sa medisina na sinulat ng mga Kastila. At wala siya sa pansiterya kaya bakit ayaw nyo
syang pakawalan?

Kapitan Heneral: Ito ay mas mabuti pa! Para ang parusa niya ay maging babala sa iba. Ganyan ang
dapat na pamamahala kinakatakutan ng mga tulad nya at hindi lamang basta basta gumagawa ng
kalokohan. Isakripisyo ang isa para sa ikabubuti ng lahat. Sa hakbang ko na ito, itinatama ko ang mali ng
ating mga opisyal at iba pa.

Mataas na Kawani: Pero Kapitan, hindi po ba kayo natatakot na sisihin ng iba?

Kapitan Heneral: Bakit ako matatakot? Hindi ba’t ako’y may kapangyrihan? Hindi ako pwedeng dalhin
sa korte ng
isang-alipin. Ang pinaka importante sa akin ay ang aking konsensya at wala akong pake kung ano ang
iisipin ng iba.

Mataas na Kawani: Hindi po ito importante. Nandiyan ka dahil sa Espanya kaya’t mas lalong bibigyan
mo nang mabuting pagtrato ang mga Pilipino para hindi sila magalit sa Espanya. Pinangako ninyo noong
dumating kayo na mamahala kayo ng tama at mabuti. Kung kayo ay nagpapahalaga sa kapangyarihan,
ako naman ay higit na nagpapahalaga sa karangalan dahil mahal ko ang Espanya.

Narrator: Dahil sa mahabang litanya ng mataas na kawani hindi na nakasagot ang Kapitan Heneral.
Wala na itong nagawa kundi ang titigan na lamang ang mataas na kawani at nagtanong.
Kapitan Heneral: Alam mo ba kung kailan ang alis ng susunod na barko?

Narrator: Hindi na lamang ito sinagot ng Mataas na kawani sapagkat sya ay tumungo na lamang sa
sasakyang naghihintay sakanya, nang ito’y makasakay nagbitaw ito ng maikling litanya sa kutserong
Indio.

Mataas na Kawani: Kapag nakamit na ninyo ang kalayaan, huwag mong kalimutan na may isang
kastilang nagmalasakit sa inyo sa Espanya. Tama na sigurong nagdesisyon akong bitawan ang aking
tungkulin upang ako’y makabalik na sa Espanya.

You might also like