You are on page 1of 5

First Scene

Felipe Buencamino, Sr.: Mister Presidente, Nais makipag usap ng schurman commission tungkol
sa mga kondisyon
Other People: Kondisyon?! Walang ibang kondisyon!
Felipe Buencamino, Sr.: Nais nilang isulong ang autonomiya para sa Pilipinas na gawing tong
protekterado…. Sa ilalim ng America.
Kanan na kamay ni Luna: Pero kataksilan yan!
Heneral Luna: Ayon sa sanligang batas, nasa kamay lamang ng mga Pilipino ang soberenya.
Heneral Luna: Tridor ka sa pagmumungkahi ng annesasyon.
Felipe Buencamino, Sr.: Hindi ko nmn minumungkahi, ibinabalita ko lang.
Heneral Luna: Pano niyo napagkakatiwalaan ang taong katulad nito? Dati niyang kasabwat ang
Espanya. Kung may ganito na tayo sa pangkat natin hindi na natin
kaylangan ng kaaway.
Felipe Buencamino, Sr.: Ang Amerika! Ang pinaka malakas na bansa sa buong mundo,
mapapalawak natin ang ating ekonomiya kung makikipag kalakal tayo
sa kanila.
Paterno: Hanggang Kelan tayo makikipaglaban?
Paterno: ang dami ng namatay. At kulang tayo sa pera, sa armas at sa kagamitan.
Heneral Luna: Hindi sa lakas ng loob! Buo ang tiwala ng mga taohan ko.
Heneral Luna: Masisikmura ba ng gaminete ang gantong kataksilan?
Heneral Luna: kung magiging isang bansa man tayo kaylangan natin ng isang rediktal na
pagbabago. Mga kapatid meron tayong mas malaking kaaway kesa sa
mga Amerikano.
Heneral Luna: Ang ating sarili.

Second Scene
Buencamino: hindi napigilan ni luna ang pag abante ng mga kalaban. Kaylangan humingi tayo
ng tigil putukan para makipag usap sa mga Amerikano.
Apolinario Mabini: sabihin na nating mas marami ang mawawala satin. Pero hanggang saan ang
amerika? Alam niyo ba kung gaano kalaki ang ginagastos nila sa
gerang ito?
Extra: Si Heneral Luna Po.
Emilio Aguinaldo: Saglit lang kamo.
Heneral Luna: Senyor Presidente, Nais kong bumitiw bilang puno ng hukbong sandatahan.
Emilio Aguinaldo: Bkit?
Heneral Luna: Imposibleng matupad ang katungkulan ko sa sitwasyong ito. Lalo na’t nalaman
kong nakalaya na din ang dalawang traidor na sina Paterno at
Buencamino.
Emilio Aguinaldo: Kagalang galang silang mga mamamayan. Nag ambag sila ng pera at
kagamitan sa ating…
Heneral Luna: isinusulong nila ang annesasyon sa ilalim ng amerika.
Heneral Luna: habang ako at ang ating mga sundalo ay nakapain at nakikipagdigma sa bansang
kinakaibigan nila.
Heneral Luna: Hindi ko matatanggap ang kataksilan nayan hanggat nabubuhay ako.
Apolinario Mabini: Heneral Luna, isa kang henyo pagdating sa labanan pero wala kang alam sa
politika.
Heneral Luna: kung pagpapalaya sa mga traidor ang politika na yan. Ayaw kong maging bahagi
niyan.
Emilio Aguinaldo: Pasensya ka na Heneral Luna. Hindi ko matatanggap ang iyong pagbibitiw.
Heneral Luna: Pero hindi yan ang aking…
Apolinario Mabini: Ngunit ikaw lamang ang airing mamuno ng ating hukbo. Kaylangan ka ng
inang bayan
Heneral Luna: kung ganun, pabayaan niyo akong mamuno. Pabayaan mo akong magturo ng
tamang disiplina!
Heneral Luna: Pag pasayahan na ninyo, ang plano kong mag tayo ng campo sa norte. Eto lamang
ang pag asa natin laban sa mga amerikano.
Umalis na si Heneral Luna
Emilio Aguinaldo: Anong masasabi niyo kay Heneral Luna maliban sa mga bagay na alam na
natin?
Buencamino: May ipagtatapat po kami sa inyo. Napag alaman naming na may masama siyang
balak.
Heneral Mascardo: Naganap ito kamakailan lang. nag init ang ulo ni heneral luna sa harap ng
mga tao sa plaza.
Emilio Aguinaldo: Anong bago doon?
Heneral Mascardo: Sabi niya, hindi daw siya mag dadalawang isip na barilin ang sinomang
traidor sa bansa…. Kahit na po kayo, senior president.
Paterno: At may balibalita na binabalak niyang iloklok ang kanyang sarili bilang diktador kapalit
ninyo.
Emilio Aguinaldo: San niyo nalaman ito?
Buencamino: Narinig po namin ito sa ibang mga opisyales ang tungkol sa kanyang pagiging
diktador.
Apolinario Mabini: Kung totoo yan. Kilala niyo naman si luna. Hindi yan makapag timpi kahit
na hangin lang ang salita niya.
Buencamino: maaring hangin nga ito sa pandinig natin, pero para kay luna totoo ang lahat ng un.
Emilio Aguinaldo: Si luna ang pinaka mahusay kong heneral.
Heneral Mascardo: Walang magandang maidudulot ang pamumuno ni luna. Kaylangan natin
siyang palitan para sa ikakabuti ng ating lahat. Kung pede lang…..
Nagtinginan sila na parang may balak sila….

Scene 3
Dumating ang nanay ni Luna.
Heneral Luna: May dumating na telegrama galing sa presidente inay.
Nanay ni Luna: Ano naman ito?
Heneral Luna: Iniimbitahan ako ng president upang gumawa ng bagong gabinete at kasama daw
ako.
Nanay ni Luna: Mabuti kung ganun. Hindi daw gusto ng ilang politiko at negusyante ang iyong
pamamalakad. Mashado ka daw mayabang, marahas. Nababaliw ka na
sa hawak mong kapang yarihan.
Heneral Luna: mga paninira lang yan. Minsan may kaylangan masagasaan para matupad ang
trabaho.
Nanay ni Luna: Narinig ko kay Quinito. Pusibleng president ay kasabwat sa mga nagbabalak.
Heneral Luna: hindi ganung Katanga si Aguinaldo, ginagalang naming ang isa’t isa. Parehas
kaming mason.
Nanay ni Luna: Katulad ni Andres Bonifacio?
Tumigil sila mag salita, at tila napa isip ng malalim si heneral luna.
Nanay ni Luna: Eto, suotin mo rin ito. Wala na ang iyong itay pati na ang kuya mong si manuel.
Ayaw kong may mangyari sa mga anak kong kasangkot sa digmaang
ito sa inyo ni juan.

Scene 4

Heneral Luna: Oy sundalo! Bakit napakarumi ng uniporme mo?

Yumuko ung sundalo.

Heneral Luna: hindi ka marunong sumaludo? Anong pangalan niyo?! Mga bingi ba kayo aber?!
Ano bang klaseng mga sundalo kayo?!
Heneral Luna: pag baba ko mamaya, dapat nakapag ayos ka na. kung hindi, babarilin kita!

Tumaas na si luna sa silid ng presidente. Kumatok at Nakita niya si Buencamino.

Heneral Luna: Anong ginagawa mo dito?


Buencamino: ayun din ang gusto kong itanong sayo.
Heneral Luna: pinadalhan ako ng telegrama ng president. Nasaan siya?
Buencamino: umalis na, kanina pang umaga.
Heneral Luna: umalis?! Bakit niya ako pinatawag? Anong klaseng pamahalaan ito?
Buencamino: Baka nakalimot lang.
Heneral Luna: Imposible! At ikaw? Bakit ka nakaupo sa upuan ng presidente? Bakit hindi mo
pinapakinang ang mga bota ng mga amerikano?
Buencamino: talagang wala sa lugar yang yabang mo no? akala mo ikaw lang ang may malasakit
sa bayan?
Heneral Luna: sa kwartong ito ako lang.
Buencamino: Mahal ko ang pilipinas!
Heneral Luna: pero hindi sapat para ipaglaban siya at mamatay para sakanya! Kung may dangal
ka lang. hinamon na sana kita ng duwelo.
Buencamino: Subukan mo hindi ako aatras!

May pumutok na baril sa labas.

Heneral Luna: punong puno na ako sa mga yun!

Sabay turo kay buencamino

Heneral Luna: babalikan kita!

Lumabas si heneral luna. At Nakita niya salabas ang mga sundalo galling kawit.

Heneral Luna: sino ang nag paputok? Sino?! Punyeta!

Tinaga na si heneral luna at binarily ng mga sundalo. At namatay na siya.

Ayun sa kwento ni Heneral Luna. Mahahalintulad natin ito sa kwento ng gamo gamo na gusto
niyang ipaglaban ang kanyang gustuhang lumapit sa apoy at hindi nakinig sa kanyang ina na
baka ito pa ang ikapapahamak niya pero tumuloy pa rin ang gamo gamo at namatay habang
binaglalaban ang kanyang kagustuhang lumapit sa apoy.
Characters:
Heneral Luna John Paul James Hynson
Emilio Aguinaldo Rox Cardona
Apolinario Mabini Ralph James Red
Buencamino Vanjoe Rivera Laurel
Paterno Camille Nunez
Heneral Mascardo Johanna Narvadez
Nanay ni Luna Princess Honeybelle Tenoria
Extras and others Maru Dela Cruz

You might also like