You are on page 1of 7

EL FILIBUSTERISMO

Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani


MGA TAUHAN

 Mataas na Kawani; Siya ay kasitila at naglilingkod sa pamahalaan nng kastila sa pilipinas.


Ipinagtanggol nito si Basilio sa Kapitan Heneral hinggil sa pagkakapiit nito sa bilangguan.
 Kapitan Heneral; Siya ang itinakda ng Espanya na mamuno sa pilipinas kung kaya`t
makapangyarihan ito.
 Basilio; Isang mag aaral ng medisina at ang tanging mag aaral na hindi pinalaya sa
kulungan kasintahan nito si Huli.
 Huli; Ang anak na babae ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio.
 Kutserong Katutubu; Ang Pilipino na naghahatid sa Mataas na Kawani na siyang
nakarinig sa nasambit ang mga linyang,”Kapg dumarating ang araw ng pag sasarili ng
pilipinas ay maalala nito na sa espanya hindi nawalan ng pusong tuminok dahil sa mga
mamamayan.”
 Ben Zayb; Siya ay isang mamamahayag sa isang pahayagan.
KABANATA 31: ANG MATAAS NA KAWANI
(BUOD)
 Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli.
Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani.
Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging
di nakalaya ay si Basilio.
 Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos
na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng
Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang
di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng
Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat
matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa
bayan dahil ang naghalal sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang
Pilipinas.
KABANATA 31: ANG MATAAS NA KAWANI
(BUOD)
 Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan
ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.
 Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang
kutserong katutubo: Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay
alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa
inyo.
 Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing
siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo (bapor).
ARAL NA NATUTUNAN

 Madaling sumabay sa agos ngunit mahirap itong kontrahin . Ang naging


kalagayan ng mataas na empleyado ay kakaiba sa karanasan ng nakararami. Sa
halip na manahimik na lamang at kunsintihin ang kapristo ng kapitan heneral,
pinili niyang pumanig sa katotohanan , at panindigan ang kanyang dangal bilang
isang mabuting kastila. Para sa kanya, mas mahalaga ang karangalan kaysa
posisyon at anumang kayamanan.
 Isang katotohanan na may mga kastila ring may malasakit sa mga Pilipino.
QUIZ( TAMA O MALI) ANSWER ONLY!!!

 1. Ang lahat ng estudiyanteng dumalo sa piging ay nakalaya na.


 2.Nanatili si Basilio sa bilanggo dahil saw ala sinumang nagmamalasakit sa kanya.
 3 Ang tanging di na kalaya ay si Basilio.
 4. Ang Heneral at ang Mataas na kawani ay kapuwa umaapi sa mga Pilipino.
 5. Nag bitiw ng tungkulin ang mataas na kawani dahil sa hindi sila magkaayos
sapamamalakad ng kapitan heneral.
QUIZ (ANSWER KEY)

 Mali 1. Ang lahat ng estudiyanteng dumalo sa piging ay nakalaya na.


 Mali 2.Nanatili si Basilio sa bilanggo dahil saw ala sinumang nagmamalasakit sa
kanya.
 Mali 3. Ang tanging di na kalaya ay si Basilio.
 Tama 4. Ang Heneral at ang Mataas na kawani ay kapuwa umaapi sa mga Pilipino.
 Mali 5. Nag bitiw ng tungkulin ang mataas na kawani dahil sa hindi sila magkaayos
sapamamalakad ng kapitan heneral.

You might also like