You are on page 1of 1

Liham Pagtanggi

136 Sanchez St., Matlang


Isabel, Leyte

Ika-10 ng Agosto, 2019

Tiffany Maria B. Sumalinog


52 Roche Street, Bilwang
Isabel, Leyte

Mahal kong kaibigan,

Natanggap ko ang iyong liham paanyaya tungkol sa iyong selebrasyon ng iyong ika-18 na
karawaan sa ika-20 ng Agosto, 2018. Binabati kita ng maligayang kaarawan at masaya ako
na natupad mo na ang iyong pinapangarap na engrandeng debut. Ngunit, hihingi lang ako
ng paumanhin dahil hindi ako makakapunta sa iyong kaarawan kahit sampung araw na
lang.

Ito ay sa dahilang mayroon akong dadaluhang aktibidad ng aming simbahan sa kaparehong


araw ng iyong kaarawan. At alam mo naman kung anong aktibidad iyong dahil taon-taon
kaming nagsasagawa ng ganitong aktibidad.

Sana ay maintindihan mo kung bakit hindi ako makakadalo sa iyong kaarawan. Ang iyong
regalo ay ibibigay ko na lang kay Heart para siya na lang ang mag-abot sa iyo. Sana ay
maging masaya ka sa araw ng iyong selebrasyon kahit wala man ako doon, dadalo naman
ang iba pa nating mga kaibigan. Maraming salamat sa pag-unawa.

Ang iyong kaibigan,

Harly Joe E. Baguna

You might also like