You are on page 1of 1

7 Setyembre 2020

Prop. Cristina I. Angeles


Koordineytor, Mga Gawaing Pampagsasanay
Departamento ng Filipino
Central Luzon State University
Lungsod Agham ng Muñoz

Prop. Angeles:

Mapagpalang araw po!

Ipinababatid ko po sa liham na ito ang aking pagtanggap sa inyong paanyayang maging


tagapanayam sa webinar na ilulunsad ng inyong departamento na may paksang
“Peryodismo, Wika, at Kasarian” sa darating na 25 Setyembre 2020.

Karangalan po para sa akin na maimbitahan sa mga gawaing tulad nito.

Maraming salamat po!

Manatili po tayong ligtas at malayo sa sakit.

Lubos na gumagalang,

Reggie Rey Caparas Fajardo


Direktor, Sentro ng Wika at Kultura
Bulacan State University

You might also like