You are on page 1of 2

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL HAGONOY, BULACAN TAON X ISYU 1 MAYO-NOBYEMBRE 2016

ANG

anluwage

3 parangal dinagit ng Anluwage sa unang sabak sa Regl


JEN PAULY ANN C. PRADO

DALAWANG tropeo at isang sertipiko ang agad na nagbinyag sa unang


sabak ng Ang Anluwage sa Regional Schools Press Conference (RSPC)

noong Enero.
Dinagit ng pahayagan ang ikalawang pwesto sa may Pinakamahusay
na Pahinang Balita, ikalima sa may

Pinakamahusay na Pahinang Lathalain


at pang-siyam sa Pag-aanyo at Pagdidiesenyo.
BUENA MANONG PANALO ... pahina 2

DAGDAG
NA
PAMBAON
Recycling pinagkakakitaan ng mga Josenians
VINCE NIKOLAI C. PAGSANJAN

Dahil tunay na may pera


sa basura.
Bilang pagpapatunay ng mga mag-aaral sa kasabihang ito, naging inspirasyon ng San Jose Elementary School (SJES) ang pag-re-recycle ng mga basura
upang maging incoming generating project (IGP) at
pandagdag sa baon ng mga Josenians.
Ayon kay Gng. Ma. Lourdes R. Salvador, tagapayo
ng Grade VI-A at tagapanguna ng proyekto, nagmula
ang ideyang ito sa panawagan ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) na paigtingin
ang programang recycling.
Yung initiative ng project natin ay mula sa call

DAGDAG NA PAMBAON ... pahina 5

AYON SA SURVEY

San Jose ES malaki


ang tiwala kay Digong
MARJORIE L. DAVID

TIWALA ang mga mag-aaral ng San Jose Elementary School (SJES) kay Pangulong Rodrigo
Duterte at sa kaniyang administrasyon, ayon sa
isinagawang sarbey ng Ang Anluwage.
Para kay Joanna Rey Fajardo, VI-A, isang
dahilan kung bakit tiwala siya kay
Pangulong Duterte ay ang mabilis niyang pagpapatupad ng
911 system sa bansa.
Tiwala po ako kay President Digong dahil po nakita
naman natin na yung ipinangako niyang 911 natupad agad,
aniya.
Kaugnay nito sa 100 magaaral na tinanong ay 89 ang
nagsabing tiwala sila sa pangulo
habang 11 ang nagsabing hindi.
Hindi po ako tiwala kay
Pangulong Duterte kasi napansin po natin paiba-iba
yung mga sinasabi niya,
laging joke ganoon po sinasabi niya
pagkatapos, ani ng isang Grade VI
Josenian na itinangging ibigay ang
kaniyang pangalan.

MALIKHAING KAMAY. Isinusulong ngayon ng paaralan ang recycling program kung saan lumilikha ang mga mag-aaral ng mga
bagong produkto mula sa mga basura na kanila ring naibebenta. LARAWAN NI PSALM AARON PASCUAL.

International Mangrove Day

SJES scouts, nakiisa sa pagtatanim ng bakawan


FLADEE CARREON
NAKIISA ang mga boy scouts
ng San Jose Elementary Schools
(SJES) sa ginawang pagtatanim
ng mga bakawan sa Sta. Elena,
Hagonoy noong Agosto 6.
Ayon kay Scout Master Dhey
Mariano, layunin ng programa
na lalo pang madagdagan ang
bilang ng mga bakawan sa

Hagonoy at maipaalam sa mga


Hagonoeno ang halaga ng mga
ito lalo na sa mga lamang dagat.
Aim ng activity natin na
malaman ng mga kababayan
natin sa Hagonoy ang halaga at
yung nagagawa ng mga bakawan
sa ating mga lamang dagat at
syempre ay yung lalo pa silang

maparami, ani Gng. Mariano.


Para naman kay John Berts
Santos, isang batang iskawt
mula sa Grade V-A, magandang pagkakataon ang naturang
programa upang mamulat ang
mga kabataang gaya niya sa
kahalagahan ng mga punong
bakawan.
NAKIISA SA PAGTATANIM ... pahina 4

BALITA

Hagonoy target ang zero


child labor casE

Base rin sa mga datos ng MSWD, halos kalahati ng mga kaso ng


child labor sa Hagonoy ay naitala sa mga coastal barangay nito
tulad ng San Pascual, San Roque, Pugad at Tibaguin.

15

AGHAM

BUKSAN ANG ISIP: ATING


UNAWAIN ANG AUTISM

Isang uri ng disorder sa pag-iisp ang autism, subalit dapat nating


linawin na hindi ito nakakabahala kung magkakaroon lamang ng
sapat na panahon upang ito ay ating pag-aralan at unawain.

isports

ISPORTS LATHALAIN

JESSIE KHING
LACUNA .... PAHINA 18

TAON X ISYU 1
MAYO-NOBYEMBRE 2016

13 PEAT
HagWest kinamada ang kampeonato ng EDDIS I Meet
JAY AR M. PAYONGAYONG

MULING pinatunayan ng Hagonoy West


District (HagWest) na ito ang tahanan ng mga
mahuhusay na atleta sa buong Congresional
District I matapos nitong pagharian sa ika-13
pagkakataon ang EDDIS I Athletic Meet,
Oktubre 13-14 sa Bulacan Sports Complex.
Sa unang araw pa lamang ng palaro ay kinakitaan na ang mga pambato
ng HagWest ng pagnanais na sumakmal ng mga medalya matapos walang
hirap na pataubin ng mga ito ang mga
katunggali.
Pitong buena manong ginto ang
agad ibinulsa ng HagWest sa Athletics
Elementary boys na sinundan pa sa
ibat ibang events.
Lucky 7 nga tayo kasi sa unang
dating noong medal tally pito agad iyong rumehistro sa board na galing sa
Hagonoy West, pagmamalaki ni Dr.
Jonar David, Tagamasid Pampurok.
Subalit sa lahat ng laro ay hindi
nawawala ang pagkabigo, sa ikalawang
araw ay medyo umalangan pa ang distrito sa kampeonato matapos lumaglag
ang basketlball team nito.
Gayunpaman agad din itong binawi ng volleyball elementary boys matapos na paluin ang kampeonato.

Sa
kabilang
banda,
ipinagmalaki ni Dr. David
na ang lahat ng tagumpay
na iniuwi ng distrito ay bunga ng walang humpay na
pag-eensayo sa mga pambato nito.
Talagang training kapag training, walang
hintuan,
ika nga,
aniya.
Rumehistro ang Hagonoy West District
Team ng kabuuang
19 na ginto, 15 pilak at
limang tanso.
Ngayon mas malaki na iyong
haharapin natin, mula EDDIS e
tatalon na tayo pa-Provincial Meet
kaya dapat mas matining pagsasanay pa, pagtatapos ni Dr. David.

HagWest Fishers lunod sa basketball,


bigong mag-uwi ng medalya
JEN ANN C. PRADO
Kinapos sa dulo ang mga bataan
ng Hagonoy West basketball team at
nabigo silang makakopo ng medalya
sa ginanap na Eddis 1 Meet, Oktubre
13-14 sa Bulacan Sports Complex.
Sa unang laro pa lamang ay ginamitan na sila ng karanasan at lakas ng
Calumpit South nang patumbahin sila
nito sa iskor na 45-34.
Tila ba nagising ang mga manlalaro ng Hagonoy West nang pinakitaan
nila ito ng liksi at bilis sa loob ng hard
court upang makopo ang panalo, 4240.
Sa sumunod na laban, nanaig ang
pagod ng Hagonoy West at tinalo sila
ng Pulilan sa isang dikdikang laban
kaya natamo nila ang ikalawa nilang
pagkatalo.

Parang kinapos ng lakas


at hangin na rin ang mga bata
kaya medyo humina yun depensa
at opensa sa huli, close games yong
huling dalawang laro ng mga bata,
giit G. Ryan Roque, head coach ng
Hagonoy West.
Nanaig din ang emosyon at panghihinayang sa mga manlalaro ayon
kay Assistant Coach Angel Maclang
sa ikatlong katunggali dahil napakita
ng mga bata ang kanilang kagustuhang manaig sa laro pero tinalo sila
ng kanilang pagod sa bandang huli ng
laro.
Kaugnay nito ang katabing Hagonoy East District naman ang siyang
umuwing bitbit ang kampeonato sa
basketball.

LABINGTATLONG TAON NA! Sa ika-13 taon,


muling dinomina ng Hagonoy West District ang
mga event sa EDDIS I Athletic Meet, Oktubre 13-14 sa Bulacan Sports Complex. MGA LARAWANG KUHA NI MA. LOURDES
R. SALVADOR, VINCE NIKOLAI C. PAGSANJAN at EIYA SHAMEL CARAIG

You might also like