You are on page 1of 2

Liham Pakikiramay

136 Langit St., Apale


Parañaque, Manila

Ika-20 ng Agosto, 2019

JEANNE CAROLLINE POGOYS


Guro
Matlang National High School
52 Tabok Street, Matlang
Isabel, Leyte

Mahal kong kaibigan,

Nabasa ko sa pahayagan na kabilang ang iyong bahay sa natupok ng malakas na sunog.


Ikinalulungkot ko itong mabalitaan at lubos akong nakikiramay sa iyong sinapit. Kahit man
nasunog ang inyong bahay ay nagpapasalamat pa rin ako na hindi kayo pinabayaan ng
Diyos dahil ligtas kayo sa sunog. Alam ko na ikaw ay dumadaan sa isang pagsubok ngayon
dahil sa iyong sinapit na trahedya kaya naman ay nais kong ipaalam na narito lang ako
kung sakaling nahihirapan ka na at gusto mong manghingi ng tulong.

Bilang iyong kaibigan o parang kapatid mo na, tandaan mo na palagi akong nakasuporta at
naka-alalay sa iyo kahit nandiyan ka sa Leyte. Handa akong magbigay ng konting pera
upang makahanap kayo ng pansamantalang tahanan at makabili ng mga kinakailangan mo
at ng iyong pamilya. Lagi mong tatandaan na ang tunay na magkaibigan ay yung hindi ka
iniiwan sa panahong iniiwan ka ng buong mundo. At iaabot ko rin sa ating mga kaibigan
ang nangyari sa iyo para tulungan din ka kaya huwag ka ng mahiya dahil magkakaibigan
tayo.

Sana ay malampasan niyo ang pagsubok na binigay ng Diyos. Binigay ng Diyos ang ganitong
pagsubok dahil alam ng Diyos na kaya niyo ito. Wag lang natin kakalimutan ang panalangin
sa Diyos.

Ang iyong kaibigan,

Harly Joe E. Baguna

You might also like