You are on page 1of 1

Purok – 4 John Bosco District, Mangagoy

Bislig City, Surigao del Sur

Nobyembre 15, 2021

Mahal kong Joseph,

Nabasa ko sa pahayagan na kabilang ang iyong bahay sa natupok ng malakas na sunog. Ikinalulungkot ko
itong mabalitaan at lubos akong nakikiramay sa iyong sinapit. Kahit man nasunog ang inyong bahay ay
nagpapasalamat pa rin ako na hindi kayo pinabayaan ng Diyos dahil ligtas kayo sa sunog. Alam ko na
ikaw ay dumadaan sa isang pagsubok ngayon dahil sa iyong sinapit na trahedya kaya naman ay nais kong
ipaalam na narito lang ako kung sakaling nahihirapan ka na at gusto mong manghingi ng tulong.

Bilang iyong kaibigan o parang kapatid mo na, tandaan mo na palagi akong nakasuporta at naka-alalay sa
iyo kahit nandiyan ka sa Davao. Handa akong magbigay ng konting pera upang makahanap kayo ng
pansamantalang tahanan at makabili ng mga kinakailangan ng iyong pamilya. Lagi mong tatandaan na
ang tunay na magkaibigan ay yung hindi ka iniiwan sa panahong iniiwan ka ng buong mundo. At iaabot
ko rin sa ating mga kaibiganang nangyari sa iyo para tulungan din ka kaya huwag ka ng mahiya dahil
magkakaibigan tayo.

Sana ay malampasan niyo ang pagsubok na binigay ng Diyos. Binigay ng Diyos ang ganitong pagsubok
dahil alam ng Diyos na kaya niyo ito. Wag lang natin kakalimutan ang panalangin sa Diyos.

Ang iyong kaibigan,

Charles Ezekiel R. Sanchez

You might also like