You are on page 1of 80

EsP 6

WEEK 4
DAY 1
Pagtukoy ng mga paraan ng
Pagpapasalamat sa Diyos
PANUTO: Lagyan ng puso ang bilang na
naglalaman ng desisyon na nagpapakita ng
pagpapaubaya para sa kapakanan ng iba.
_____1. Maganda ang lugar na iminungkahi
mo para sa lakbay aral, subalit may
kamahalan ang magagastos dito sapagkat
malayo kaya mas pinili ng nakararami ang
medyo maliit lang ang gagastusin.
Naunawaan mo sila kaya nakisama ka na
lang sa kagustuhan ng nakararami.
_____2. Mas pinili ng mga kamag-aral
mo ang sayaw na katutubo sapagkat ito
daw ay nagpapakita ng ating kultura
kaysa sa sayaw na moderno. Kaya kahit
nahihirapan ka ay sinikap mo na
matutunan ito.
_____3. Nagtampo si Oscar sa
kanyang mga magulang sapagkat
hindi siya binilhan ng bagong damit
samantalang ang dalawa nyang
kapatid ay may bagong polo na
gagamitin sa pag-aaplay ng trabaho.
_____4. Ibig sana ni Thess na umorder
na lang sila ng pagkain sa fastfood para
sa baon nila sa kanilang paggawa ng
proyekto, subalit mas ginusto ng
nakararami na magluto na lang sila dahil
mas makakamura sa gastos. Dahil yun
ang napagkasunduan ng mas nakararami
kaya sumunod na rin siya sa
napagkasunduan.
_____5. Natigil sa trabaho si Mang
Danny dahil sa pandemya,kung kaya’t isa
sa kanilang tatlong magkakapatid ay
hindi muna magpapatala sa pasukan.
Nagpaubaya na muna si Bernie na siya
ang huminto sa pag-aaral.
Magpabasa ng isang
sitwasyon tungkol sa
aralin.
“ Tingnan mo hindi tayo natuloy sa
pagtulong sa pagpapapakain ng mga
street children”. “Ah, kasi unang Biyernes
ngayon ng buwan at nais kong makahabol
sa pagsisimba upang makapagpasalamat
sa Diyos dahil hindi Niya tayo pinabayaan
lalo na ngayon panahon ng Pandemya.
Sa kabila kasi ng napakarami ang
nawalan ng trabaho, pero tayo ay tuloy
sa ating trabaho kaya kahit papaano ay
may napagkukunan tayo”, ang tugon ni
Minerva sa kanyang kaibigan. “ Kaya
pala halos kaladkarin mo na ako. Alam
mo hindi lang sa pagsisimba maipapakita
ang pagpapasalamat sa Diyos? Ang wika
ni Tess. “ Maraming paraan upang
makapagpasalamat tayo. Halimbawa ang
ginagawa nating pagtulong
sa pagpapakain sa mga street children
ay paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.
Maari din magbahagi tayo ng anumang
sobra sa ating sarili na
mapapakinabangan ng mga
nangangailangan. Pagbibigay ng
donasyon. Pagtulong sa mga nasalanta
ng anumang sakuna gaya ng lindol, baha
, o sunog. At marami pa. Sabi nga ng
na ginawa ninyo sainyo kapwa ay ginawa na
ninyo sa Akin”. “Aba! Oo nga pala.
Nakalimutan ko na ang pangaral na iyan.
Tama ka Tess, hayaan mo at tatandaan ko
ang mga sinabi mo. Maraming Salamat sa
pagpapaalala mo sa akin. Pero sa ngayon ay
tumuloy na tayo sa pagsimba tutal nandito
na tayo, pagkatapos ay tulungan mo akong
magligpit ng aking mga hindi na ginagamit
na damit upang ibigay ko sa evacuation
Sagutan ang mga tanong sa loob ng tsart at
isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo.
PANUTO: Lagyan ng tsek ✓ kung ang gawain ay
nagpapakita ng pagpapasalamat sa Diyos at ekis
X kung hindi nagpapakita. Ilagay ang sagot sa
patlang ng bawat bilang.
_____1. Ang pamilya nina Gng. Ramirez
ay nagbabahagi ng mga biyayang
natatangap lalo na sa mga
nangangailagan bilang pasasalamat nila
sa Diyos dahil sa kabila ng Pandemya ay
hindi sila nawalan ng hanapbuhay
_____2. Si Mang Gerardo ay masuwerte
na nakatanggap sila ng SAP na bigay ng
gobyerno sa mga taong higit na
nangangailan, subalit ito ay ginamit niya
sa pagsusugal dahi nagbabakasakaling
mas lumago ito.
_____3. Sa kabila ng mga pagsubok na
nararanasan ni Hilda, kagaya ng
pagkamatay ng kanyang nanay sa sakit
na COVID-19, Hindi pa rin siya
nakakalimot na dumalo sa mga gawaing
pangsimbahan katulad ng “Bible Study”
dahil naniniwala siya na may magandang
dahilan ang Diyos sa lahat na nangyayari
sa ating buhay.
_____4. Ang ating magulang ang
nagbigay ng ating buhay kaya marapat
lamang na ipakita natin ang ating
pagmamahal at paggalang sa kanila sa
lahat ng oras.
_____5. Ang pagtulong sa kapwa na
walang hinihintay na kapalit ay isang
paraan ng pagpapakita ng
pagpapasalamat sa Diyos.
PANUTO:Bilugan ang mga bilang na
nagpapakita ng paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos.

1.Pagdadabog sa magulang kapag hindi


nasunod ang gusto.
2. Pag-aaral ng mabuti upang
makatapos.
Gaano kahalaga
ang pagiging
madasalin?
Lagyan ng positive sign [ + ] ang bilang
ng mga sitwasyon na tumutukoy ng
pagpapasalamat sa Diyos at negative
sign [ - ] ang bilang ng mga sitwasyon na
hindi tumutukoy ng paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos. Isulat ang
sagot sa patlang.
3. Pag-uusal ng mataimtim na panalangin
sa Diyos.
4. Pagtawanan ang mga taong may
kapansanan.
5. Paghahatid ng tulong sa kapitbahay
mo na nasunugan.
_____1. Ang ating magulang ang
pinagkakautangan natin ng ating
buhay. Kaya sa kanilang
pagtanda marapat na bigyan
natin sila ng ating pagkalinga,
pag-arugaat pagmamahal.
_____2. Sa kabila ng kahirapan sa
buhay, sinisikap pa rin nina Aling Ester na
maitaguyod ang pag- aaral ng kanilang
kaisaisa anak na si Annie. Subalit si
Annie ay mahilig makipagbarkada kaya
napapabayaan niya ang kanyang sa pag-
aaral.
_____3. Kahit na gaano man karami ang
gawain ni Anelie hindi niya kinakalimutan
ang pagsisimba sa araw ng Linggo
upang makapagpasalamat siya sa Diyos
sa lahat ng biyaya na tinatanggap niya sa
kanyang buhay.
_____4. Si Arnold ay inampon ng isang
mabait na pamilya. Pinag-aral siya ng
mga ito hanggang sa makatapos. Kaya
bilang pasasalamat, nang siya ay
magkaroon na ng hanapbuhay, nag
isponsor ng isang batang mahirap subalit
nagsisikap na makatapos ng pag-aaral.
_____5. Ang mga guro sa isang
paaralan ay namahagi ng bigas at
de lata sa barangay bilang
pasasalamat nila dahil sa kabila
ng pandemya ay mayroon pa rin
silang trabaho.
DAY 2
Pagtukoy ng mga paraan ng
Pagpapasalamat sa Diyos
Maramimg pagsubok ang dumaan sa
buhay ng pamilya nina Mang Carding.
Magmula ng ideklara ni Pangulong
Duterte ang Lockdown sa Kalakhang
Maynila ay nawalan na siya ng
pinagkakakitaan ang pagtitinda ng balut.
Lalo pang silang nagkaproblema dahil
nalubog sa baha ang kanilang bahay sa
kasagsagan ng bagyong Ulysses.
Subalit hindi bumitaw sa pagtititwala sa
Diyos ang kanilang pamilya. Patuloy sila sa
pagdarasal at pagpapasalamat na ,marami
man pagsubok, sila ay hindi nagkakasakit.
Hanggang sa may dumating na isang
pangkat ng mga NGOs na tumutulong sa
mga nasalanta ng mga kalamidad. Labis
labis ang kanilang pasasalamat sa Diyos
sapagkat sila ay nakapagsimulnga muli ng
panibagong buhay sa tulong ng NGOs at
Isulat sa patlang ang opo kung ang
gawain ay tumutukoy ng paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos at hindi po
kung ang gawain hindi tumutukoy sa
paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.
 
________1. Pinagtawanan ang mga
kamag-aral kapag nagkamali ng sagot sa
tanong sa aralin.
________2. Pagdodonate ng dugo sa Red
Cross
________3. Pag bubolunter sa pagrerepack ng
mga bigas, de lata at noodles na ipamimigay
sa mga nasalanta ng bagyo. ________4.
Ipinagdadasal ang mga tinamaan ng sakit na
covid-19 na sana ay gumaling na agad sila.
________5. Pinalalakas ang kalooban ng
kaibigan na nawawalan na ng pag- asa sa
buhay dahil sa pandemyang nararanasan ng
PAGSASANAY B. Ikahon ang bilang na
tumutukoy sa mga paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos.

1. Pag-aalaga sa kagubatan dahil ito ay


likas na yaman na bigay ng Diyos.
2. Pagsisimba lalo na sa mga araw na
itinakda ng sariling relihiyon.
3. Pagbibigay ng mga donasyon para sa
mga nasalanta ng mga sakuna.
4. Pagpapaalis sa mga pulubi na
sumisilong sa tapat ng inyong bahay.
5. Pag-alok ng pansamantalang
masisilungan habang inihahanda pa ang
evacuation center.
Kung ikaw ay kabilang sa pamilya ni
Mang Carding, bukod sa pagdarasal
bilang pasasalamat, alin pa kaya sa mga
gawain ang maari mong gawin bilang
pasasalamat sa Diyos sa mga biyaya na
tinanggap ng iyong pamilya?
Gaano kahalaga ang pagiging madasalin?
PANUTO: Isulat sa patlang ng bawat bilang
ang salitang TAMA kung ang mga nabanggit
ay napag-aralan natin at MALI kung hindi
napag-aralan.
_____1. Hindi lang sa pagsisimba ang paraan
upang makapagpsalamat sa Diyos.
_____2. Ang pagtulong sa kapwa lalo na sa
mga nangangailangan ay isang paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos.
_____3.Kapag matanda na ang mga
magulang ay dalhin na sila sa bahay
ampunan.
_____4.Ang pangangalaga sa kalikasan
ay nagpapakita ng pagpapasalamat sa
Diyos.
_____5.Ang pagbabahagi sa ibang tao
ng ating mga biyaya ay nagpapakita ng
pagpapasalamat sa Diyos.
DAY 3
Pagpapakita ng Ibat Ibang paraan ng
Pagpapasalamat Sa Diyos
Alin sa sumusunod ang tamang paraan
ng pagpapasalamat sa Diyos. Bilugan
ang bilang ng wastong sagot.

1.Pagdadabog sa magulang kapag hindi


nasunod ang gusto.
2. Pag-aaral nang mabuti upang
makatapos.
3. Pag-uusal ng mataimtim na panalangin
sa Diyos.
4. Pagtawanan ang mga taong may
kapansanan.
5. Paghahatid ng tulong sa kapitbahay na
nasunugan.
Basahin ang teksto.
 
Mahirap lamang ang pamilyang
kinabibilangan ni John. Lalo nilang
naramdaman ang kahirapan ng magkaroon
ng pandemic sapagkat natigil ang kanyang
tatay sa pagtatrabaho. Halos sa isang araw
ay dalawang beses na lang sila kung
kumakain.May kapatid pa siya na kailangang
makainom ng gamot araw araw sapagkat
may sakit ito. Kaya nang payagan na ng
pamahalaan na mamasada ang mga
pampublikong sasakyan ay agad na umekstra
nang pamamasada ang kanilang ama upang
kahit papaano ay may pantustos sa kanilang
mga kailangan. Isang araw ay may nakita ang
kanyang tatay na bag sa upuan ng
sasakyang kanyang minamaneho. At ng
buksan nila ito ay naglalaman ng isang daan
libong piso. Naisip ng kanilang tatay na wag
nang ibalik dahil sa hikahos na hikahos
na sila sa buhay. Subalit nanaig pa rin
ang kabutihan ng puso kanilang pamilya.
Napagtanto nila na bagama’t hirap sila sa
buhay, sila naman ay hindi pinababayaan
ng Diyos. Sila ay pamilyang masaya at
nagmamahalan, nakakaraos din sa mga
pang araw-araw na pangangailangan.
Ipinanawagan ng kanilang ama ang
tungkol sa bag sa tulong ng isang
istasyon ng radio at ito ay napabalik sa
tunay na may-ari. Sa sobrsng tuwa ng
may ari ng bag, binigyan ang kanilang
ama ng kaunting pabuya at ipinasok niya
ito ng trabaho sa kompanyang kanyang
pinamamahalaan.
Sagutin Natin: Piliin ang titik ng wastong
sagot at isulat ito sa inyong activity
notebook.
1.Sino ang pangunahing tauhan sa
kuwento?
A. Ang pamilya ni Edgar.
B.Ang pamilya ni Lauro
C. Ang pamilya ni John
D. Ang pamilya ni Chris
2. Ano ang nakuha ng tatay ni John sa
minamaneho niyang sasakyan?
A. Isang bag na naglalalaman ng mga
papeles.
B. Isang bag na naglalalaman ng mga aklat.
C. Isang bag na naglalalaman ng mga
panindang damit.
D. Isang bag na naglalaman ng malaking
pera.
3. Bakit sa kabila ng kahirapan ng pamilya ni
John, ay hindi pa rin nila pinag-interesang
angkinin ang pera bagkus ito ay isinauli nila?

A. Sapagkat gusto nilang magyabang.


B. Sapagkat hihingi sila ng malaking pabuya.

C. Sapagkat alam nila na iyon ang dapat at


sa kabila ng kahirapan nila sa buhay ay
marami pa ring biyaya ang Diyos sa kanila
na dapat nilang ipagpasalamat D. Sapagkat
4. Paano pinasalamatan ng may-ari ng bag
ang tatay ni John?
A. Pinakain niya ang buong mag-anak sa
isang mamahalin na restaurant.
B. Binigyan niya ng pabuya at higit sa lahat
ay binigyan niya ng trabaho ang tatay ni
John.
C. Dinala nya sa isang resort at sila ay
nagswimming.
D. Binilhan niya ng mga mamahaling
Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagpapakita ng ibat ibang paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos? Isulat ang
bilang ng iyong sagot sa loob ng puso.

1. Inuuna ang pagsisimba sa araw ng


Linggo bago ang pamamasyal.
2. Tumutulong sa mga outreach program
ng simbahan.
3. Sinusungitan ang mga batang
lansangan na lumalapit.
4.Gagawa ng liham pasasalamat sa mga
taong nagpakita ng kabutihan.
5. Bibigyan ko ng simpleng yakap ang
kaibigan na nagpalakas ng aking Loob.
Nakasalubong mo ang isang
matandang babae na
maraming dala habang
papauwi ka sa inyo,ano ang
dapat mong gawin upang
maipakita mo ang
pagmamahal mo sa Diyos?
Anu-anong mga paraan ng pagmamahal
sa Diyos ang maipapakita mo?
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung
ang mga pahayag ay natutuhan mo sa
aralin natin ngayon at Mali kung hindi
natutuhan.

______1. Ang simpleng pagbibigay ng


bulaklak sa taong tumulong sa’yo ay
isang paraan ng pagpapakita ng
pasasalamat.
______2. Sa pagdarasal lang maipakikita
ang pagpapasalamat.

______3. Sa pag-aaral nang mabuti ay


maipakikita ang pagpapasalamat sa
sakripisyo ng magulang.
______4.Ang paggawa ng mabuti sa
kapwa ay isang paraan ng pagpapakita
ng pagpapasalamat sa Diyos.

______5. Ang pagdarasal kung may


kailangan lang ay nagpapakita ng
pasasalamat sa Diyos.
DAY 4
Pagpapakita ng Ibat Ibang paraan ng
Pagpapasalamat Sa Diyos
Anong mga utos ng Diyos ang
alam ninyo?
Sabihin kung papaano mo
maipapakita ang pagpapasalamat
sa mga sitwasyon sa bawat
bilang. Piliin ang iyong sagot sa
loob ng kahon at isulat ito sa loob
ng bituin.
1. Ang mga kapatid natin na nasa bikol
ay sobrang naapektuhan ng bagyong
Rolly. Sila ay nangangailangan ng mga
damit at pagkain.

2. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang


iyong nanay upang matustusan ang
inyong pag-aaral upang kayo ay
makapagtapos.
3. Walang sawa sa pag-aalaga ang mga
nars sa mga maysakit.
4. Naibalik sayo ang cellpone na nahulog
sa sasakyan.
5. Nakakita ka ng isang bata na iyak ng
iyak dahil naliligaw ito.
Panuto: Basahin ang pahayag sa ibaba.
 
Bata pa lang kayong magkapatid ay
naulila na kayo sa magulang. Kaya ikaw
bilang panganay ay hindi mo alam kung
paano kayo ngayon mabubuhay. Upang
makakain kayong magkapatid, nagtitiis
ka na tumulong sa pagbubuhat ng mga
pinamalengke ng mga tao na nais
magpatulong. Hanggang isang araw ay
may tinulungan kang mabait na ale, siya
ay naawa sa inyong magkapatid at kayo
ay kinupkop nya at pinag-aaral pa. Paano
mo maipakikita sa mabait na ale ang
iyong pasasalamat?
 
Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Tutulong ako sa mga gawaing bahay


na hindi na kailangang utusan.
B. Ipagdarasal ko sa Diyos na lagi siyang
iligtas sa lahat ng oras
C. Lalayas na kaming magkakapatid
kapag kami ay nakatapos ng mag-aral.
D. Aalagaan namin siya kapag siya ay
matanda na.
E. Mag-aaral kami nang mabuti at
ibabalik naming sa ibang
nangangailangan ang ginawa sa aming
ng mabait na Ale.
Panuto: Isulat ang HOORAY sa patlang
kung ang gawain ay nagpapakita ng
paraan ng pagpapasalamat sa Diyos at
HEP HEP kung hindi nagpapakita.

________1. Kahit nakararanas kami ng


mga pagsubok, araw-araw akong
nagdarasal upang ipaalam sa kanya na
masaya ako sa buhay na bigay Niya.
________2. Sumasali ako sa choral
group ng simbahan upang patuloy
maipaabot ko ang pasasalamat sa Diyos
sa pamamagitan ng pag- awit ng mga
patungkol sa kanya.

________3. Tatawag lamang ako sa


Diyos kapag may kailangan ako.
________4. Bibigyan ko ng isang liham
ng pasasalamat ang aming guro dahil sa
pagtitiyaga niya na turuan kami ng
mabuting asal.
________5. Kapag ako ay kompleto na
sa materyal na bagay ay hindi na ako
magdarasal.
Nagsisimba ka ba?Ano ang
mga natutunan mo sa inyong
simbahan na mg autos ng
Diyos?Dapat ba itong sundin o
hindi?
Anu-anong mga paraan
ng pagmamahal sa Diyos
ang maipapakita mo?
Panuto: Ilagay sa loob ng bilog ang
bilang ng gawain na nagpapakita ng
paraan ng pasasalamat sa Diyos.

1. Pagsunod sa mga pangaral ng


magulang.
2. Pagawa ng kabutihan sa kapwa ng
hindi naghihintay ng anumang kapalit.
3. Pagpapaabot ng taos pusong
pasasalamat sa taong tumulong sa ‘yo.
4. Pagsisimba at pagsunod sa tagubilin
ng simbahan.
5. Pagsasawalang bahala sa taong nag-
aaruga sayo.
DAY 5
LINGGUHANG
PAGSUSULIT

You might also like