You are on page 1of 5

Pangkalahatang Pagtuturo

(Teaching Overview)

Ang Katotohanan Ngayon ITAKWIL KA MAN NG IBA,


(Today’s Top Truth) ANG DIYOS ANG TATANGGAP SA IYO.
Pagpapakilala sa Aralin Kagamitan:
(Lesson Intro) Basketball, Poster ng Talatang Sasauluhin at Bibliya.
Talatang Sasauluhin Juan 6:37b (Magandang Balita Biblia)
(Memory Verse) …." hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa
akin."
Aralin sa Bibliya Mga Gawa 14: 8-22
(Bible Lesson) Si Pablo
(Object Lesson) Toy Story poster, mga laruan
(Life Story) Si Goldie Ginto
Punto ng Pagpapasya: Mas paniwalaan nila ang pagtanggap sa kanila ng Diyos kaysa ang
(Point Of Decision) pagtakwil sa kanila ng ibang tao.

ANG KATOTOHANAN NGAYON:

ITAKWIL KA MAN NG IBA, ANG DIYOS ANG TATANGGAP SA IYO.

Bakit?: Ang pagtakwil ay isang bagay na nararanasan ng marami at maaaring magdulot ng


kapahamakan lalo na sa kaisipan ng tao. Ang araling ito ay napapanahon upang mabigyan ang mga
bata at mga magulang ng pagkakataon para mapag-isipan at mapagpasyahan ang kanilang gagawin.
Maraming bata ang nagkakaroon ng pagkatakot kapag sila ay nakakaranas ng pagtakwil. Kaya nais
natin silang bigyan ng pag-asa at ipaalam sa kanila na itakwil man sila ng iba, ang Diyos ang tatanggap
sa kanila. Dahil kailanman ay hindi sila itatakwil o itataboy ng Diyos.

Punto ng Pagpapasya: Mas paniwalaan nila ang pagtanggap sa kanila ng Diyos kaysa ang pagtakwil sa
kanila ng ibang tao.

PAGPAPAKILALA SA ARALIN
(Lesson Introduction)

Mga Kagamitan: Basketball, Poster ng Talatang Sasauluhin at Bibliya.


1
Naalala ko noong nag-aaral pa ako, kapag namimili na ang coach para maisama sa team, gusto ko palagi na ako
ang mauuna. Masakit sa pakiramdam kapag hindi ako agad napipili, minsan pa nga ako ang pinakahuling
napipili. (Ipakita ang basketball). Pakiramdam ko tinatakwil o tinataboy ako, iniisip ko na hindi ako magaling.
(Bibitawan ang basketball)

Marahil ang ilan sa inyo ay may ganitong pakiramdam. Naranasan mong itakwil ng ibang tao. Hindi lamang sa
isports, marahil may mga dati kang kaibigan pero ngayon ay mas pinili nila na palitan ka. Siguro nasasaktan ka
ngayon dahil mismong pamilya mo ay itinakwil ka. Ang pagtakwil ay palaging nagdadala ng masakit na
karanasan; sa bata man o matanda. (Ipakita ang basketball) Minsan naiisip mo kung meron pa bang tatanggap
sa iyo? Ito ang masasabi ko sa iyo. Hindi ka man tanggapin ng ibang tao, pero ang Diyos kailanman ay hindi ka
itatakwil o itataboy. Ikaw ay patuloy na tatanggapin ng Diyos. Itakwil ka man ng iba, ang Diyos ang
tatanggap sa iyo. Ito ang Katotohanan Ngayon! Kahit buong mundo pa ang tumakwil sa iyo, palagi kang
tatanggapin ng Diyos dahil ikaw ay para sa Kanya. Ikaw ay nilikha Niya. Kilala ka Niya mula pa sa
sinapupunan ng iyong ina. Hindi ka Niya kailanman itatakwil. Kaya ko alam ito ay dahil nasusulat ito sa Biblia,
ang Salita ng Diyos. Ito ang ating
TALATANG SASAULUHIN:

Juan 6:37b (Magandang Balita Biblia)


…." hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin."
Sinabi ni Hesus na hindi ka niya itataboy o itatakwil. Ang Diyos ay hindi katulad ng tao. (Ipakita ang basketball)
Kapag nakagawa ka ng pagkakamali, masama na agad ang iniisip sa iyo ng mga tao, agad ka nilang huhusgahan
o kaya ay itatakwil ka nila (Bitawan ang basketball), ngunit hindi ito gagawin ng Diyos. Palagi kang
tatanggapin ng Diyos (Damputin ang basketball) Tinatanggap ng Diyos ang lahat ng patungkol sa iyo. Ikaw ay
para sa Kanya. Alam ko na mahirap para sa iyo na paniwalaan ito, dahil maaaring may kapamilya ka na
nagtakwil na sa iyo pero ang Diyos ay iba sa kanila. Tandaan mo, Itakwil ka man ng iba, ang Diyos ang
tatanggap sa iyo.

(Hawakan ang basketball) Hindi ka ng Diyos itratrato na katulad ng pagtrato sa iyo ng ibang tao. Hindi siya
namimili ng tao. Hindi niya pinipili kung sino lang ang magustuhan niya. HINDI! Tinatanggap ng Diyos ang
lahat at magpapatuloy siya sa pagtanggap sa iyo. Kaya nais kong palagi ninyong tandaan: Itakwil ka man ng
iba, ang Diyos ang tatanggap sa iyo!

ARALIN SA BIBLIYA
(Bible Lesson)
Si Pablo - Mga Gawa 14: 8-22

Mga Kagamitan: Kasuotan para sa dalawang aktor, bato, Bibliya

Hindi madali na maranasan mong itakwil ka ng ibang tao. May isang lalaki sa Biblia ang nakaranas na itaboy o
itakwil ng mga tao, siya ay si Pablo.

(Papasok si Pablo hawak ang Biblia) Matapos makilala ni Pablo si Hesus, nagpasya siyang mamuhay para sa
Diyos, at dahil dito nagbago ang kanyang buhay. Nagsimula si Pablo na sabihin sa buong mundo kung ano ang

2
nangyari sa kanya. Ibinahagi niya ang magandang balita ng Bibliya. Siya ay nagdala ng pagbabago sa mundo.
Maraming tao ang tumanggap kay Pablo, ngunit hindi nagustuhan ng lahat ang kanyang mga ginagawa. Marami
pa din ang tumakwil sa kanya at sa mensahe na kanyang ibinabahagi kahit na ang ginawa niya ay mabuti.

Isang araw, habang si Pablo ay nasa lungsod, nakita niya ang isang lalaki na hindi nakakalakad dahil lumpo ito
mula pa nang ito’y isilang. Nilapitan siya ni Pablo at pinagaling sa pangalan ni Hesus. Dahil sa maraming tao
ang nakakita nito, inisip nila na si Pablo ay Diyos dahil napagaling niya ang lumpo. Natakot si Pablo! Sinubukan
niyang kalmahin ang mga tao at kumbinsinhin sila na hindi siya Diyos, pero sa huli ay nalilito pa din ang mga
tao. (Papasok ang isang aktor na may hawak na bato at lalapit kay Pablo). Ginamit ng mga kaaway ni Pablo ang
pagkakataon na ito upang magalit ang mga tao kay Pablo. Sa halip na tanggapin siya, pinalayas nila si Pablo sa
lugar na iyon at pinagbabato siya para mamatay. Akala ng lahat ay namatay si Pablo, kaya iniwan na siyang
mag-isa. (Matutumba si Pablo) Subalit si Pablo ay buhay.

Freeze! Gusto kong isipin ninyo kung ano ang naramdaman ni Pablo sa panahong iyon. Gumawa siya ng mabuti
dahil pinagaling niya ang lumpo, ngunit siya ay itinakwil at binato pa ng mga tao. Sigurado ako na pakiramdam
niya siya ay pinagtaksilan at sinaktan. Ganyan ang pakiramdam ng isang tao kapag siya ay itinakwil. Marahil
ang ilan sa inyo ay naranasan na ito. Tinulungan mo ang isang estudyante sa iyong klase, pero yung mga
malalapit mong kaibigan pa ang nagtakwil sa iyo. Bigla ka nilang iniwasan samantalang mabuti naman ang
ginawa mo. O baka dahil masipag ka sa inyong bahay kaya natutuwa ang nanay mo sa iyo, dahil dito binibigyan
ka ng nanay mo ng bagong damit o laruan. Pero hindi ito nagugustuhan ng iba mong kapatid. Naging masungit
sila sa iyo at ayaw ka nilang makasama. Masakit ito sa damdamin. Ang mga taong akala mo ay minamahal ka ay
sila pala ang tatakwil sa iyo. Gusto kong malaman mo na itakwil ka man ng iba, ang Diyos ang tatanggap sa
iyo.

(Babangon si Pablo at muling hahawakan ang Bibliya) Si Pablo man ay itinakwil ng mga tao, ngunit hindi niya
ito pinagtuunan ng pansin. Sa halip, mas nanaig sa kanyang puso na siya ay tinatanggap ng Diyos. Dahil sa
kanyang naranasan, mas lalo siyang nagpatuloy sa pagbabahagi ng mabuting balita ni Hesus. Nagpunta si Pablo
sa iba’t-ibang lugar at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Alam ni Pablo na hindi siya kailanman itatakwil ng
Diyos. May lakas ng loob si Pablo na magpatuloy dahil kilala niya kung sino siya; kilala niya ang kanyang sarili.
Alam niyang anak siya ng Diyos. Sigurado siya na pinili siya ng Diyos dahil may layunin ang kanyang buhay.
Naniniwala siya na tanggap siya ng Diyos. Ganito rin ang iyong isipin. Ikaw ay mahal na mahal ng Diyos.
Kilala ka Niya dahil siya ang lumikha sa iyo. Alam niya ang iyong pangalan at mahalaga ka sa kanya. Kaya, nais
kong maintindihan ninyo ito, Itakwil ka man ng iba, ang Diyos ang tatanggap sa iyo.

OBJECT LESSON

Mga Kagamitan: Mga laruan, Poster ng pelikulang Toy Story, Bibliya

May isang pelikula na pinanood ko nang maraming beses, ang pamagat nito ay “Toy Story”. Gustung-gusto ko
ang pelikulang ito, ngunit ang palaging nagpapalungkot sa akin ay noong ang batang si Andy ay lumaki na at
kinailangan na niyang ipamigay ang kanyang mga paboritong laruan. Lahat ng mga laruan ay parang itinakwil
na ni Andy, kahit si Woody, ang pinakapaborito niyang laruan. Akala nila palagi nilang makakasama si Andy.

3
Katulad ng pag-iisip nila na patuloy silang tatanggapin ni Andy at hindi itatakwil, maaaring naranasan na rin
ninyo ito. Yung dati na malapit na malapit ka sa mga taong alam mong palaging handang tumanggap sa iyo,
ngunit biglang magkakaroon ng pagbabago. Pakiramdam mo ay itinakwil ka nila. Siguro may guro ka na palagi
kang binabati at pinupuri kaya iniisip mo na palagi ka niyang tanggap pero nang biglang bumaba ang grado mo,
hindi ka na niya pinansin at mas nagbigay na siya ng atensyon sa ibang estudyante. Maaaring simula nang
maghiwalay ang mga magulang mo at nagkaroon ng kani-kanyang bagong pamilya, hindi ka na nila pinapansin.
Pakiramdam mo ay tinakwil ka na nila. Pero alam mo ba na Itakwil ka man ng iba, ang Diyos ang tatanggap
sa iyo.

Napakasakit kung mismong ang mga mahal mo sa buhay ang tatakwil sa iyo. Alalahanin mo na ang Diyos ang
palaging tatanggap sa iyo. Hindi ka niya tatalikuran. Hindi ka niya iiwan ni pababayaan man. Tandaan mo ang
sinasabi sa Juan 6:37, “Hinding-hindi ka niya itataboy”. Kahit bata ka pa lamang o kahit tumanda ka pa o kahit
magkamali ka pa, palagi kang tatanggapin ng Diyos. Patuloy kang lumapit kay Hesus dahil palagi ka niyang
tatanggapin. Hindi ka ng Diyos susukuan. Patuloy ka Niyang mamahalin. Iba ang tao sa Diyos. Itakwil ka
man ng iba, ang Diyos ang tatanggap sa iyo.

Sa pelikulang Toy Story, lahat ng mga laruan ay nagdamdam nang ipinamigay sila ni Andy. Dahil para silang
itinaboy at itinakwil ni Andy. Ngunit hindi ka dapat mag-alala dahil hindi ito gagawin ng Diyos sa iyo. Itakwil
ka man ng iba, ang Diyos ang tatanggap sa iyo.

LIFE STORY

Mga Kagamitan: Picture frames

Frame 1: Lahat ng mga ginto ay mahimbing na natutulog sa isang pabrika nang bigla silang magising dahil sa
isang malakas na pagbangga. Sina Goldie at Ned ang naunang nagising. Nang makita ni Goldie na sila ay
inililipat, nagsimula siyang mataranta kasama ng iba pang mga ginto. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari!

Frame 2: Nang kumalma na si Goldie; sumilip siya para makita nang malapitan kung ano ang nangyayari. “Oh!
Phew! Walang dapat ipag-alala,” Sinabi niya, “mukhang dadalhin nila tayo sa isang lugar para maging mga
alahas!” Lahat ng mga kasama niya ay sobrang nasabik WOW! Pero, teka, parang iba ang nangyayari.
Frame 3: “O, hindi,” iyak ni Ned, “hindi ito ang lugar na tatanggap sa atin… ito yung lugar na magtataboy sa
atin!” Lahat ng mga ginto ay nataranta, ngunit sumigaw si Goldie, “Kailangan nating makatalon bago pa tayo
madala sa basurahan! Pagbilang ko nang tatlo! ISA- DALAWA - TATLO!” Lahat ng ginto ay tumalon!

Frame 4: Muntik na!! Wala ni isa man sa kanila ang gustong maitakwil o maitaboy! Muling nagsalita si
Goldie, “Sandali lang mga kasama, alam ko kung saan tayo pupunta para makatakas; kailangan lamang natin
makarating sa pinakamalapit na labasan.” Bawat isa ay maingat sa pagkilos na walang nakakapansin.

Frame 5: Nakita na nila ang labasan kaya’t sila ay nagmadali, ngunit may napansin si Goldie kaya siya ay
napahinto. Nakita niya ang isang pinto na medyo nakabukas. Naisip niyang sumilip dito.

Frame 6: Lumaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang direktor ng pabrika. Nakita ni Goldie na
gumagawa ang direktor ng isang napakagandang singsing. Sa buong buhay niya, wala pa siyang nakitang
singsing na sobrang ganda. “Wow,” nasabi niya. Habang tinitignan ng direktor ang singsing gamit ang isang

4
magnifying glass, narinig ni Goldie ang sinabi ng direktor, “Hindi ako makapaniwala na itatapon at itatakwil ka
na lang, pero hindi iyon mangyayari; Tinatanggap kita, ikaw ay perpekto para sa akin!”

Punto ng Pangagaral: Itakwil ka man ng iba, ang Diyos ang tatanggap sa iyo.

Frame 7: Nang marinig ito ni Goldie, pabulong niyang sinabihan ang ibang ginto na bumalik. Hindi
maintindihan ni Ned, “Goldie, wala na tayong panahon para huminto at magkwentuhan pa; kapag nahuli nila
tayo, siguradong itatapon nila tayo.” Tinuro ni Goldie ang Direktor, “Tignan ninyo, naghahanap siya ng mga
gintong katulad natin. Tatanggapin niya tayo.” Hindi makapaniwala si Ned sa kanyang narinig. “Goldie, katulad
lang din siya ng ibang mga tao sa pabrika na nagtakwil sa atin,” ngunit bago pa man matapos ang kanyang
sinasabi, lumaki ang kanyang mga mata, at lahat ng mga ginto ay nagtago. Lumingon si Goldie upang makita
kung bakit sila nagtatago…nang bigla siyang napasigaw.”

Frame 8: Ang Direktor ng Pabrika ay nakatayo sa kanyang likuran! Nakita siya nito at dinampot. Habang ang
kanyang mga kaibigan ay nagtago dahil sa takot. Nanginginig at kinakabahan si Goldie, iniisip niya, “ Pakiusap
huwag mo akong itakwil… pakiusap huwag mo akong itakwil.” Ito na ang oras…tatanggapin ba si Goldie?
”Wow! Napakakintab mo! Kaya kitang gawing isang magandang bagay. Tinatanggap kita…hmm sana marami
pang ginto na katulad mo!”

Punto ng Pangagaral: Itakwil ka man ng iba, ang Diyos ang tatanggap sa iyo.

Frame 9: Hindi makapaniwala sina Ned at ang iba pang ginto habang inaayos ng direktor si Goldie. Tama pala
si Goldie, naisip nila. Hindi itinakwil ng direktor si Goldie. Naging maingat ang direktor habang ginagawa si
Goldie.

Frame 10: Kinabukasan, iniangat ng direktor si Goldie. Hindi makapaniwala si Goldie na siya ay isa nang
napakaganda at napakakintab na singsing. Ang itinakwil ay tinanggap na ngayon. Namangha ang direktor sa
kanyang nagawa. Simula noon, alam na ni Goldie na siya ay tinanggap ng Direktor ng Pabrika at hindi na niya
kailangan pang matakot na muling itatakwil.

PUNTO NG PAGPAPASYA:

You might also like