You are on page 1of 1

Bakit Kaya Ako Nabubuhay?

May mga bagay na gusto nating malaman ngunit hirap tayong alamin ang kasagutan. Minsan ba
natanong mo na sa sarili mo kung bakit ka nabubuhay? Maraming mga tao pag tinanong mo, ang sagot
nila “para magtrabaho” yung iba naman “para yumaman” at marami pang ibang dahilan na tila walang
kasiguraduhan kung tama ba ang isasagot. Kung kilala mo ang Diyos alam mo ang kasagutan diyan. May
tanging isang bagay lang kung bakit tayo nabubuhay. Tayo’ng mga tao ay nabubuhay dahil sa Kanya. Si
Jesus ang dahilan ! Si Jesus ay namatay para sa atin, Ito’y dahil sa ating mga kasalanan. Ibinigay ng Diyos
ang kanyang anak na si Jesus upang tubusin sa ating mga kasalanan at tayo’y maligtas. Nagawa ito ng
ating Diyos dahil mahal na mahal Niya tayo. Kung iisipin natin sino ba tayo’ng mga makasalanan para
mahalin? Sa kabila ng lahat ng pagkukulang, pagsuway at pagtalikod natin sa Kanya nagawa Niya tayong
mahalin. Ito’y dahil sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa atin. Maraming mga tao once na topic ang
mga ganito kahalagang mga bagay they feel weird sa taong naghahayag nito. Pero hindi nila alam kung
gagano kahalagang malaman ng isang tao ang mga katotohanang ito. Alam niyo kasi ang tao is “to see is
to believe” higit silang naniniwala sa mga bagay na nakikita nila. Pero alam mo ba na makikita ang tunay
na pananampalataya ng isang tao sa mga bagay na hindi niya nakikita? Bawat tao may kanya-kanyang
dahilan, opinyon o paninindigan patungkol sa kahulugan ng buhay. Ngunit alam mo ba na binigyan tayo
ng Diyos ng isang dahilan para tayo’y mabuhay? Ayon ay ang kilalanin Siya! Kung alam mo lang kung
gaano kasarap maranasan ang Panginoon. Ito ang kagalakang kailanma’y hindi mo matatagpuan sa
mundong ito. He died for us! Live for Him! At sisiguraduhin ko sayong hinding-hindi mo pagsisisihan. At
the end of the day sasabihin mong tama ako. Ngayon, matanong ulit, bakit ka nabubuhay?

You might also like