You are on page 1of 2

EMA EMITS COLLEGE PHILIPPINES

Module ID ESP 10- Module 3-Quarter 3 Kopyahin ito

Pokus na Kompetensi
Mahalagang Paalaala:

1. Huwag sulatan ang modyul. 1. Natutukoy


Gumamit ng sagutang papel. mga
angpaglabag
mga sa
2. Siguruhing lahat ng paggalang sa buhay.
sagutang papel ay
mayroon pangalan
2. Nasusuri ang mga paglabag sa
mo , Grade at Section at paggalang sa buhay
Module ID.

I. Pagbabalik-aral
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
 Ipaliwanag ang kaugnayan ng pagmamahal sa Diyos at ng pagmamahal sa kapwa.
II. Pagtalakay sa kompetensi
Ang kaloob na Buhay
Natatandaan mo ba ang kwento ng iyong titser noong nasa elementarya ka pa tungkol sa paglalang ng Diyos? Ang sabi sa
kwento, nalulungkot daw ang Diyos dahil mag-isa siya noon kaya nilalang niya ang unang tao. Totoo ba iyon? Syempre hindi!
Ang Diyos ay perpekto kung kaya hindi siya nagkukulang ng anuman at hindi rin niya kailangan ang sinuman upang maging
masaya. Kung gayon, ano ang dahlan ng Diyos sa kanyang paglalang ng mga tao at ng lahat ng iba pang bagay? Iyon ay dahil sa
pag-ibig. Dahil nasisiyahan siya sa buhay kung kaya nais din niyang matamasa ng kanyang mga nilalang ang kaligayahan ng
buhay kung kaya niya sila nilalang.
kaya ang buhay mo, natin ay isang kaloob o regalo buhat sa Diyos. Isa itong kapahayagan ng kanyang pag-ibig. At nais
niyang maging masaya tayo sa buhay na ibinigay niya sa atin. Alam mo ba, ang orihinal na layunin ng Diyos ng lalangin niya ang
unang mag-asawa si Eba at si Adan ay na mabuhay sila ng masaya at magpakailanman sa isang paraisong lupa? Kaya nga lang,
gaya ng marahil ay alam mo na, isang rebeldeng anghel ang tumukso sa kanila na sumuway sa Diyos kung kaya nasentensyahan
sila ng kamatayan dahil sa kanilang kasalanan. gaya ng sinasabi ng Roma kabanata 5:12: Sa pamamagitan ng isang tao, ang
kasalanaan ay pumasok sa sangkatauhan… kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao dahil silang lahat ay
nagkasala.
Magkagayunman, gumawa pa rin ang Diyos g paraan upang maibalik sa sangkatauhan ang naiwala ng unang mag-asawa
dahil nais ng Diyos na tuluy-tuloy nating tamasahin ang buhay. Ito ay sa pamamagitan ng pagsusugo ng kanyang
pinakamamahal na anak upang magkaroon tayo ng buhay na walang-hanggan, oo buhay na walang kamatayan. (Basahin ang
Juan 3:16)
Dahil isang regalo ang buhay mula mismo sa Diyos, ito ay sagrado kaya dapat nating pakaingatan at gamitin kung paano
niya ito gustong gamitin natin.

Gawain 1 Piliin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa buhay.

1. Pagkain ng junk foods 11. paglabas ng bahay nang walang


2. Pagkain ng mga gulay at prutas facemask kahit may pandemya
3. Pag-e-ehersisyo 12. pagpa-party kahit may pandemya
4. Pagtulog ng maaga sa gabi 13. paninigarilyo
5. palaging pagpupuyat 14. pakikipag-away
6. pagsali sa mga isports na hindi nagsasapanganib ng buhay 15. pagha-hunti
7. pag-inom ng gamot nang hindi kumukunsulta sa doktor ng hayop
8. paggamit ng illegal na droga upang makalimot sa problema para mag-
9. pagkikimkim ng sama ng loob libang
10. pagpapakamatay

Madali mo bang natukoy mula sa listahan ang mga gawain na nagpapakita ng paggalang sa buhay at mga gawaing
nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa buhay? Kung madali lamang sa iyo, ipinapakita nitong iginagalang mo na talaga ang buhay
na kaloob mula sa Diyos.

Aborsyon at Pagpapakamatay
1
EMA EMITS COLLEGE PHILIPPINES
Module ID ESP 10- Module 3-Quarter 3 Kopyahin ito

Sa mundo sa ngayon, laganap ang kawalang ng paggalang sa buhay. Laganap ang patayan. Laganap ang bisyo na nagpapaikli
sa buhay. Laganap din ang aborsyon o pagkitil sa buhay ng hindi pa naisisilang na sanggol. Maging ang pagpapakamatay para
matakasan ang problema ay laganap din.
Pag-usapan natin ang aborsyon. Ano ang palagay mo dito? Sabi ng iba, sila daw ang may karapatan sa kanilang katawan-kung
itutuloy nila o ipalalaglag ang buhay sa kanilang sinapupunan. Sabi naman ng iba, hindi pa raw naman buhay ang nasa sinapupunan
nila, dugo pa lamang daw iyon o isang kimpal ng laman? Ang ilan naman ay nagsasabing mas kasalanan kung bubuhayin at isisilang
ang bata na hindi naman nila kayang bigyan ng magandang kinabukasan. Sumasang-ayon ka ba sa kanilang pangmalas?
Iba –iba ang pangmalas ng tao. Pero, ang pinakamahalaga ay ang pangmalas ng Diyos sa aborsyon. Tignan natin.
Para sa Diyos, nagsisimula ang buhay kapag nagdalang-tao na ang babae. Sa kaniyang Salita, ang Bibliya, laging tinutukoy ng Diyos
ang hindi pa naisisilang na sanggol bilang taong buháy. Tingnan ang ilang halimbawa na nagpapakitang walang pagkakaiba sa Diyos
ang buhay ng hindi pa naisisilang na sanggol sa buhay ng naisilang na.
• Sinabi ni Haring David sa Diyos: “Nakita ako ng mga mata mo kahit noong binhi pa lang ako.” (Awit 139:16) Para sa Diyos, buháy na si
David kahit hindi pa siya naisisilang.
• Alam din ng Diyos na bibigyan niya ng espesyal na gawain si propeta Jeremias bago pa man ito isilang. Sinabi ng Diyos: “Bago pa kita
binuo sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka pa isilang ay pinabanal na kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”—Jeremias
1:5.
Kaya sa mata ng Diyos, ang hindi pa naisisilang na sanggol ay isang buhay na nilalang at isang anyo ng buhay na dapat
ingatan at pahalagahan. Sinomang nagwawalng-halaga sa buhay na ito ay papapanagutin niya.
Kamusta naman ang pagpapakamatay? Dumarami sa ngayon ang nakakaisip na magpakamatay at marami ang sumubok na
gawin ito. Bakit nga ba may nakakaisip magpakamatay? Sinabi ng kabataang si Laura: “ Ilang taong pabalik-balik ang depresyon ko,
madalas kong naiisip na magpakamatay.”
Kadalasan na, dahil sa sobrang lungkot, naiisip ng ilan na tapusin na ang kanilang kalungkutan. Ito nga ba ang sagot?
Hindi! Kapag nakakaramdam ka ng ganito, humingi ng tulong. Kung may kakilala ka naman na nagsasabi na gusto na niyang mamatay,
kumbinsihin mo siya na humingi ng tulong. Ang mga magulang, guro, kaibigan ay nariyan lamang at siguradong may isa na handang
makinig sa iyo.
isipin mo din na nagbabago din ang mga kalagayan. Ang mga problema ay gaya ng maka
Alam mo ba ?
pal at maitim na ulap, lumilipas din ito. Kadalasan na, paglipas ng ilang panahon, ang akala mong
Hindi lang ang mga
mabigat na problema ay magaan lang pala.At na marami sa iyong mga inaalalang mangyayari ay
hindi naman talaga nangyayari. Masyado ka lang palang nag-aalala. nagpapakamatay ang biktima.
Pinakamahalaga sa lahat, manalangin. Bukod sa isa itong mabisang terapi para sa ilan, Biktima rin ang mga naiiwang
higit pa ang nagagawa ng panalangin. Ang pagkaalam na may isang maibiging Diyos na nagmama mahal sa buhay
lasakit at handang makinig sa iyo ay makagagaan ng iyong loob.
Baka kailangan mo ring magpatingin sa isang espesyalista upang makatanggap ka ng prospesyunal na tulong. Huwag mong
isipin na kapag pumunta ka sa isang doktor sa isip ay nasisiraan ka na ng bait. Hindi naman! Kailangan mo lamang ng medikasyon
upang mabalanse ang mga hormones sa iyong katawan na nagdudulot sa iyo ng balisa at masamang pakiramdam. Ang gayong mga
sakit ay parang sipon din na kailangang gamutin.

“ Ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng


Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong
mga puso at sa inyong kakayahang pangkaisipan.” - Filipos
4:6-7

III. Pagtataya Sagutan ang chart: Para mabawasan ang iyong lungkot, paghandaan ang
sumusunod na sitwasyon. isipin kung ano ang mas mabuti mong gawin para
Pag-isipan Mo! hindi ka masyadong malungkot
Sitwasyon Di-mabuting gawin Mas Mabuting Gawin

Minamaliit ako ng Hindi na ako mag-


teacher ko aaral sa klase niya

Binabalewala ako Sisiraan ko siya sa


ng kaibigan ko aming mga kaibigan

Maghihiwalay na Magtatanim ako ng


ang mga magulang sama ng loob o
ko maglalayas ako

You might also like