You are on page 1of 5

ESP M3Q3

John Carlo P. Dela Cruz


10-Baltazar

Gawain 1: Talarawan

1. Makikita rito ang mga larawan ng paninigarilyo, alak, droga, baril at pagpatay sa sarili.
Ipinapakita ng mga larawang ito ang mga isyu na tumutukoy sa mga paglabag ng
paggalang sa buhay.
2. Oo. Sa aking palagay, ito ay nangyayari dahil sa mga paghihirap sa buhay na
nararanasan ng mga taong ito. Sila’y sawang sawa nang maging malungkot at
alalahanin ang kanilang mga problema kaya naman, humahanap sila ng sandigan sa
sigarilyo, alak at droga upang sumaya. Ngunit para sa iba naman na hindi na
kinakayang mabuhay, suicide ang kinahahantungan nito.
3. Nalabag ng mga gawaing ito ang paggalang sa buhay ng tao. Ang ating buhay ay isang
hiram lamang mula sa Diyos at ang hindi pagbigay halaga rito ay nagpapakita ng
disrespeto sa Diyos na lumikha sa atin.

Gawain 2
Mga Paglabag sa buhay at mga epekto nito.
1. Paninigarilyo
 Nakapagdudulot ng lung cancer na maaaring pumatay sa tao.

2. Aborsiyon
 Pagkamatay ng sanggol

3. Paggamit ng Droga
 Naaapektuhan nito ang pag-iisip na maaaring humantong sa paggawa ng di-
sinasadyang krimen.

4. Pagpapatiwakal
 Ito ay nagreresulta sa pagkawala/pagkamatay ng taong gumagawa at ng kalungkutan
para sa mga taong nagmamahal sa kanya.

5. Euthanasia
 Tulad ng pagpapatiwakal, nagreresulta din ito sa kamatayan. Ngunit ang mga doktor
ang sumasalo sa pasanin ng pagpatay.
Gawain 3: Pagbibigay Payo

Mga paglabag sa buhay Mga payo

Paninigarilyo na nagdudulot ng Marahil ay ginagamit mo ang paninigarilyo upang


kanser sa baga makatakas sa iyong mga problema, upang kahit papano
mabawasan ang hapdi ng mga sugat. Subalit,
mahalagang tandaan na walang magbabago sa iyong
sitwasyon sa paninigarilyo —pinalalala lamang ito ng
paninigarilyo.

Kung hindi pa ito sapat para ika’y tumigil, alam mo bang


ayon sa World Health Organization, namamatay
hanggang 50% ng mga gumagamit ng tobacco? Bukod
pa rito, mas maaga kang mamatay ng sampung taon
kaysa sa mga taong hindi naninigarilyo.

Ibigsabihin, iiwanan mo ang mga taong nagmamahal


sayo nang maaga. Kung ikaw ay may anak, hahayaan
mo ba siyang lumaking mag-isa? Tandaan mo, kung
maaga kang mamamatay, hindi mo masasaksihan ang
mga pinakamasasayang araw ng buhay niya.

Kung ikaw naman ay hindi pa pamilyado, itigil mo ito para


sa mga magulang mo. Ang mga taong naghirap at inalay
ang kanilang pawis at dugo upang palakihin ka.

At kung wala kang kahit na sino, kung sa tingin mo


walang nagmamahal sa iyo bukod sa Diyos, itigil mo ito
para sa sarili mo. Hindi magiging madali ang daan sa
pagtigil ngunit ang pinakamainam na solusyon ay rehab
at therapy.

Euthanasia Sinabi sa akin dati ng aking mga magulang na, “Sa gitna
ng isang mahabang labanan, minsan nakakalimutan mo
na ang rason kung bakit ka lumalaban. Kaya naman, sa
mga oras na sa palagay mo susuko ka na, tandaan mo
kung bakit mo sinimulang lumaban.”

Sagutin mo, anong pangarap mo sa buhay? Pangarap


mo bang maging doktor at sumagip ng buhay ng iba?
Maging mayaman at magsaya sa buhay? O di kaya’y
maging isang astronaut at umapak sa buwan? Maging
sino ka man, tiyak na mayroon kang gusto sa buhay.

Isipin mong mabuti kung handa ka nang itapon ang lahat


lahat na mayroon ka at mag pa-euthanize na lamang o
subukang labanan ang iyong sakit hanggang sa huli.
Aborsiyon, siya ay biktima ng Ang desisyon ng aborsyon ay nakasalalay sa babaeng
rape biktima sapagkat hindi naman niya ginusto ang
pangyayari. Subalit, nararapat tandaan na hanggang
ngayon, itinuturing sa ating bansa na isang pagpatay ang
aborsyon. Bilang resulta ito’y ilegal sa Pilipinas kahit na
ikaw pa’y isang biktima ng rape.

Ngunit ang katotohanang ito ay huwag sanang magtulak


sa iyo upang magkaroon ng hindi ligtas na aborsyon.
Malakas na hindi sumasang ayon ang World Health
Organization (WHO) sa sapilitang aborsyon na hindi
gawa ng isang propesyonal sapagka’t humigit 70 milyon
kada taon ang namamatay dahil dito sa buong mundo.

Sa katotohanan, kahit na propesyonal ang mag-opera,


mayroon pa ring panganib na maapektuhan ang iyong
kalusugan lalong lalo na kung matagal na ang
pagbubuntis. Ito ang aking mapapayo sa iyo, gamitin mo
ang lahat ng mayroon ka at palakihin ang iyong anak sa
isang maayos at ligtas na kapaligiran sa abot ng iyong
makakaya. Palikihin mo siya bilang isang taong hindi
papayagang mangyari muli ang nangyari sayo sa iba.

Alkoholismo Gaya na lamang ng paninigarilyo, marahil ay ginagamit


mo ang alkohol upang matakasan ang iyong mga
problema. Upang ika’y sumaya sa oras ng kahirapan,
upang maglabas ng sama ng loob, sa alak ka
kumakalinga.

Subalit, ang pagiging lasinggero ay hindi nagpapawala


ng iyong mga problema bagkus, nagdadagdag lamang ito
ng panibagong problema para sa iyo at sa mga taong
malapit sa iyo.

Ilan lamang sa epekto ng alak ang kanser sa atay na


may 60-70% posibilidad na ikaw ay mamatay. Bukod
dito, inaapektuhan ng alak ang iyong pag-iisip na
maaaring maging dahilan upang makasakit ka ng iba.

Kinakailangan mong maunawaan at kilalanin na masama


ang alak at ikaw ay adik dito. Sabi nga nila “The first step
in solving any problem is recognizing there is one”.

Paggamit ng ipinag-babawal na Katulad na lamang ng alak at sigarilyo, ang droga ay isa


gamot/droga rin sa mga bagay na nagpapalabas ng dopamine sa utak
ng mga tao. Bilang resulta, ito rin ay nagsisilbing huwad
na sandigan para sa mga taong gustong takasan ang
kanilang mga problema.

Subalit, ito’y isang patibong lamang kung saan


napakamahirap makatakas. Sapagkat sa sandaling
matikman mo ang droga, adik ka na. Hahanap hanapin
na ito ng iyong utak at katawan hanggang sa araw-araw,
bawat oras, may hinihithit kang droga.

At habang patagal ng patagal, palala nang palala at mas


magiging halata ang mga epekto nito sa katawan mo.
Magiging mainitin ang iyong ulo, papayat ng papayat ang
iyong katawan, hindi ka mapakali at higit sa lahat,
apektado lahat ng relasyon mo sa iba. Nakikita nila kung
pano ka nagbabago at pinipiling layuan ka hanggang sa
umabot ng punto na itakwil ka nilang lahat at maiwan
kang nag-iisa o mahuli ka ng polis at maiwan kang nag-
iisa.

Napakalaki ng kapalit ng sandaliang pleasure na


makukuha mo mula sa droga. At kailanman hinding hindi
matutumbasan ng drogang ito ang kahalagahan ng mga
relasyong masisira.

Isagawa

 Malaki ang posibilidad na


 Buo at malusog ang relasyon sa nakagawa na ng krimen
iba  Payatot kung tignan dahil sa
 Malusog ang pangangatawan at kawalan ng tamang nutrisyon sa
pag-iisip katawan
 Kinakaharap ang problema at  Depressed at may anxiety dahil sa
nakakaraos mula rito bilang isang paggamit ng droga
mas mabuti at magaling na tao  Linalayuan ng iba sapagkat
 Masaya sa buhay kasama ang mga madali siyang magalit at mabilis
malalapit sa kanya rumesorta sa karahasan
 Merong maayos na trabaho  Hindi makakilos ng maayos at
laging istorbo ang pag-iisip
Karagdagang Gawain

You might also like