You are on page 1of 2

PLACEBO EFFECT

Ang placebo effect ay tinatawag na FAKE TREATMENT.


May ilang mga ekspiremento na ang isinagawa ng mga psychological doctor
ukol dito.At base sa obserbasyon at pag aaral ay nakita nila kung paano nagre
react ang ating isip at katawan.
Paano ba nangyayari ang placebo effect?
-Halimbawa ay masakit ang ulo mo. Pagtapos ay bibigyan ka ng doctor ng
gamot na ipapaliwanag sayo kung gaano kabisa ang gamot. Subalit lingid sa
kaalaman mo ay ang naturang gamot ay PEKE at walang content ng kahit
anong pangtanggal sa sakit.
At dahil naniwala ka at itinanim mo sa isip at puso mo na ang naturang
gamot ay lunas sa sakit mo ay nagrereact ang ating isip at katawan
(psychologically). At kusang gagawa ng way ang sistema ng ating katawan at
isip para mawala ang ating sakit at kusa kanang gagaling. Ganyang paraan
nagaganap ang placebo effect.
Sa madaling salita ay LAKAS ng sarili mong pag iisip at katawan. Kaya nga
walang tutol ang agham at medisina sa katagang ”LAKAS NG PAG IISIP” or
POWER OF MIND.
Sa larangan ng paranormal ay ginagamit din ang placebo effect ng mga
negosyanteng may psychic services.
Paano ito nagaganap sa larangan ng paranormal?
Narito ang ilan sa halimbawa:
1. Gayuma
-Paaasahin kang makakamit ang nais mo basta sumunod lang sa dikta nila at
ipag uutos. Na kesyo magpahid ng pabango o anumang uri ng oil. Ipaghanda
ng pagkain ang target at kesyo may ilalagay sa pagkain. May orasyong
ibubulong kuno sa target. Magdasal at magfocus kuno para sa mas
magandang epekto at madami pang iba.
Maghintay lang daw ng resulta at pag hindi daw tumalab ay sabay
magpapalusot na hindi daw lahat ay nakukuha sa gayuma at may mga bagay
daw kunong dapat mangyari kaya hindi daw tatalab.
At kapag tumalab naman ay epektibo daw. Jusme!
Sino ba namang tao ang hindi gagaan ang loob sa taong ipinaghahanda ka ng
makakain at mabango pa?
Maniniwala akong mabisa yan kung ang taong grasa na mabantot ang amoy
ang maghahanda sayo ng pagkain na may gayuma at pagtapos ay
mahuhumaling ka
Kung iisipin ay hindi naman talaga gayuma ang dahilan kung bakit nahulog
ang loob sayo ng target mo. Kundi dun sa ginawa mong pag aasikaso at
pagpapakita ng kababaang loob at kalmado. Ang maiisip mo nga naman ay
epektibo ang gayuma pero ang totoo ay hindi talaga iyon ang dahilan.
Placebo effect db? na akala mo gayuma ang nakatulong sayo.
2. Pamarusa
-isa pang madaming umaasa sa ganyang serbisyo para makaganti lalo na sa
mga taong niloko ng jowa o ng asawa. Sa sobrang galit ay gustong makaganti
kaya lalapit sa mga taong marunong magparusa kuno sa pamamagitan ng

1
ritwal. At muli may kung anu anong ipapagawa o iuutos sayo ang nilapitan
mo. Kung wala man ipagawa sayo ay paghihintayin ka ng walang takdang
petsa kung kelan magtatagumpay. Paniwalang paniwala ka syempre na
makakaganti karin sa wakas. At kapag nakita mong
minalas,nagipit,nagkasakit,nalungkot,etc ang target ay iisipin mong tumalab
na ang pamarusa. Subalit kung iisiping mabuti ay normal sa tao na mangyari
ang ganun. Tandaan,kahit mga milyonaryong tao namomoblema din at
minamalas dahil parte ito ng buhay.
Pamarusa ba ang dahilan o sadyang normal ito na nangyayari sa buhay?
Maniniwala ako na epektibo yang pamarusa kung halimbawa ay biglang nalugi
ang business,kasabay ng mga nag resign na tauhan,pagtapos iniwan ng asawa
at anak or dating walang sakit pero biglang nagka cancer sa utak. At dapat
sunod sunod ang pangyayari para masabing PARUSA nga. Hindi kaya
sadayang KARMA lang ang nangyari? Gamitin ang isip para hindi maloko at
mauto.
At muli pag hndi tumalab ay muling gagamitin ang mahiwagang palusot na
”na may mga bagay na kelangan mangyari” hahaha.
At kapag nainip ka naman sa ipinagagawa mo ay BULLY ang katapat mo
with caption na ”wag pamarisan”.
Nauunawaan nyo na ba ang PLACEBO EFFECT?
Nasa makabagong panahon na tayo at maunlad na teknolohiya. Maniniwala
kapa rin ba sa mga ganyang gayuma o pamarusa? Move on na Mars!
Kung talagang epektibo ang gayuma ay bakit hindi nila gayumahin ang mga
artista? At kung epektibo ang pamarusa ay bakit hindi nila parusahan yung
mga pulitikong nagpapatupad ng doble plaka?
Ang gagawin lang ng mga ganyan ay magpuputak sa fb at mag rant at hindi
magamit yung pamarusa kuno. Gets nyo na?
Hanggang sa muli,
ANTI CHARLATAN

You might also like