You are on page 1of 1

ARJAY L. PEÑA 12-STEM B PILING LARANG MRS.

WENNIE MORALES

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang Propesyong Nais na Tahakin


Napag-alaman na nating lahat na kailangan nating ng layunin sa buhay. Kapag
nararamdaman mong ika’y naiinip, hindi nasisiyahan, o parang may kulang sa iyong buhay, malaki
ang posibilidad na wala kang matibay na layunin. Isipin mo ang iyong nais tahakin bilang isang
magnet, kailangan nitong maging malakas upang hilahin ka nito patungo sa kanyang sarili. Kung
hindi sapat ang lakas nito, makikita mo ang iyong sarili na madaling magambala ng mga bagay na
mag-aaksaya lamang ng iyong oras.
Sa madaling salita, ang propesyong nais mong tahakin ay kinakailangan na mas tanyag kaysa
sa mga bagay na walang kabuluhan. Kung hindi, maaaring mahirapan ka na maka-alis sa walang
pag-asa at deperadong “loophole” ng buhay—kung saan, hindi mo mararamdaman ang anumang uri
ng katiwasayan. Mararamdaman mong ang bawat araw na lumipas ay tulad lamang ng kahapon, wala
kang pinananabikang gawin. Ito mismo ay maaaring makaapekto nang husto sa kalusugang mental,
maging sanhi ng depresyon, pagkabalisa, at iba pa. Ayon sa survey na isinagawa ng OnePoll para sa
Colorado State University Global, 34% ng mga senior high student ay walang plano, habang 41% ay
walang kahit isang trabaho na naka-line up. Samantala, 17% na nag-aral sa kolehiyo ang nagsabing
wala silang plano pagkatapos ng senior year.
Kaya’t kinakailangan natin ng matibay na direksyon lalong-lalo na sa propesyong nais nating
tahakin. Nakabubuting pagbulayan ang mga bagay na makapagbibigay sa iyo at sa mga tao sa paligid
mo ng halaga. Ano ba ang iyong mga kakayahan at mga abilidad, at paano mo ito magagamit upang
makatulong sa mga taong nakapaligid saiyo? Ang mga ito’y maaaring sining, pagkamalikhain,
kaisipan, kakayahan sa pakikipag-usap, o anumang bagay na kinahihiligan mo. Ngunit una sa lahat,
kailangan mong bigyang halaga ang iyong sarili. Alisin mo ang lahat ng mga bagay na walang
kinalaman sa iyong nais at simulang saliksikin ang anuman na makatutulong sa iyo na makapunta sa
iyong patutunguhan. Nakatutulong na mas palaguin natin ang mga kakayahan na ito sapamamagitan
ng pagbabasa, pag-aaral, pananaliksik, at paghahanap ng role model. Bukod dito, ang pagsagawa ng
kongkretong plano ay mahalaga. Masusuri natin ang ating sariling pag-unlad at isa rin itong paraan
ng pagsusuri sa mga bagay na kailangan pa nating tuunan ng pansin.
Isa sa pinakamalaking kasinungalingan na sinasabi ng lipunan ay ang propesyong nais nating
tahakin ay kung saan tayo magiging masaya. Hindi iyon nalalapit sa katotohanan. Ang kaligayahan
ay kadalasang resulta ng pagkamit ng ating pangarap at hindi ang pangarap mismo. Ang layunin ay
kadalasang masakit at mahirap para sa lahat, lalo na sa umpisa kung hindi ka sanay sa hirap. Ang
disiplina ay ang pangunahing aksyon na nagpapanatili sa atin at tumutulong sa atin na umunlad.
Kahit na alam mo na ang iyong propesyon o layuning nais tahakin at kung paano ito makamit, ngunit
kapag walang disiplina ang isang tao, lahat iyon ay walang silbi.
Nais kong itala ang isang pahayag mula kay Jordan Peterson, isang kilalang clinical
psychologist, “Perhaps you are overvaluing what you don’t have and undervaluing what you do.”
Minsan, ang sarili nating kaisipan ang siya mismong humahadlang sa atin sa nais nating pangarap.
Bilang isang mag-aaral na kukunin ang propesyong BS in Psychology, masasabi kong nakatulong
ang mga nabanggit sa sanaysay na ito sa pagtukoy ng pangarap na nais kong makamit.

You might also like