You are on page 1of 1

Epekto ng procrastination sa mga estudyante

Magandang hapon po. Bago ang lahat may itatanong muna ako. Yung totoo, kelan niyo sinimulan gawin
ang mga talumpati ninyo? Noong weekend? Kagabi? o kanina lang?

Alam niyo bang ayon sa crossrivertherapy.com, sa isang araw, ang isang karaniwang tao ay
nagsisinungaling ng hindi bababa sa apat (4) na beses kada isang (1) araw? Yan ay isang libot, apat na
daan, at anim na pu (1,460) na kasinungalian bawat taon. At kasama na doon ang sagot niyo saakin sa
tanong ko.

Karamihan sa mga estudyante sa sekondarya ay mga procrastinators. Sa Tagalog, mahilig maghintay ng


last minute. Ang resulta? Magcra-cram, pipiliting I gaslight ang sarili na maihahabol pa pero ang totoo ay
hindi. Kaya ngayon ay magsisisi na sana sinimulan nalang nang maaga. At diyan na magsisimula ang
stress. Stress na magreresulta sa marami pang bagay tulad na lamang ng academic burnout.

Maraming aspeto ang dahilan kung bakit patuloy na nagpro-procrastinate ang ilang mga estudyante. Isa
na diyan ang epekto ng social media. Maraming beses nang natatalakay ang isyung ito ngunit ang ilan
parin ay hindi ma-control ang sarili. “Libangan”, iyan ang depenisyon ng ilan ngunit ang katotohanan ay
nagiging lifestyle na ito.

Isama na rin natin ang pressure. Mayroon tayong dalawang uri ng pressure, ito ay ang position at
negatibong pressure. Ang positibong uri ng pressure ay ang nagtutulak saatin upang makagawa ng
paraan sa kung paano matututunan o matatapos ang isang bagay. Kahit may stress at panic ay
natututong kumilos under pressure. Samantala, ang negatibong pressure naman ay kadalasang
nanggagaling sa mga taong malalapit saatin. Naprepressure na mag fail dahil sa pagko-kumpara ng iyong
sarili sa iba at nagdudulot ng negatibong epekto sa mental health ng isang estudyante.

At ang panghuli ay ang time management. Sa dami ba namang school works at projects na sabay sabay
dapat i-submit. Nakaka-overwhelm. Minsan kaya natatagalan sa paggawa ang isang estudyante ay dahil
sa paging perfectionist. Hindi sa sinasabi kong huwag mong galingan, ngunit dapat alam din natin ang
limitations natin. Aanhin naman ang mataas na grade sa isang subject kung bagsak naman ang iba,
mahihila rin yan pababa. Ang punto ko ay dapat marunong tayong paghiwa-hiwalayin ang mga bagay
bagay dahil yan ang ibig sabihin ng tame management.

Sa edad nating ito ay marami tayong gustong i-explore, maraming gustong gawin. Ngunit dapat rin
nating malaman ang acting mga priority sa buhay. Hindi natin namamalayan na tumatanda na tayo at
papunta na sa adulting phase ng acting buhay. Huwag sanang dumating sa point na magsisisi tayo sa
mga bagay na sana ginawa natin.

You might also like