You are on page 1of 5

Intro

Seth - Magandang Umaga ma’am JOna at mga mag aaral mula sa stem 12 eng b.
Kami nga pala ang ikalawang grupo sa batch a. Ang paksa ng aming pagpupulong ay
tungkol sa epekto ng procrastination. Ito po ang agenda. Ito naman po ang mga
gaganap para sa pagpupulong na ito. (Basahin yung mga pangalan at anong
gaganapin).

Pagsisimula sa topic

Zyra (Teacher) : Magandang Araw sa ating lahat. Ako nga pala si Lynue Zyra na isang
guro mula sa Paaralang Faith Catholic School. Ngayon sa programang ito ay ating pag
uusapan ang epekto ng procrastination sa kolehiyo at may inimbita kami na isang
graduate ng kolehiyo sa paaralang ito upang magbigay ng karanasan tungkol sa
pcroastination.

Zyra basahin ang layunin.

Layunin

● Mabigyan kahulugan at matalakay ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng


prokrastinasyon.

● Mailahad ang mga epekto ng prokrastinasyon sa Kolehiyo.

● Magkaroon ng kamalayan tungkol sa maaring maging epekto ng prokrastinasyon


sa Kolehiyo para sa mga mag aaral ng Fidelis Senior High School.

Zyra (Teacher) : Ngayon ay Atin ng simulan ang pag talakay sa ating paksa.

Zyra (Teacher) : Ano nga ba ang procrastination? Upang mabigyan depinisyon at mas
maunawaan ng bawat isa ito. Narito si Ms. Ryza Burgos na isang psychologist para
mabigyan tayo ng kaalaman tungkol sa paksa.

Depinisyon/Bigyan Kahulugan

Pasok ni Ryza
Ryza (Psychologist) : Isang magpagpalang araw mga mag aaral. Bago ko bigyan
kahulugan ang procrastination ay nais ko munang ipakilala ang aking sarili. Ako nga
pala si Ryza Burgos isang psychologist ng Paaralang ito.

Ryza (Psychologist) : Sa inyong mga mag aaral, nakaranas na ba kayo na


mahuli/malate makapagpasa ng gawain dahil sa mas inuna nyo ang ibang bagay kaysa
sa pag gawa nito? Taas ang kamay ng nakaranas na nito.

Tatlong Audience : (TINAAS ANG KAMAY)

Ryza (Psychologist) : Ayan marami ang tumaas ng kamay. Sa tingin ko ay marami ang
nakakaranas sa inyo nito.

Ryza (Psychologist) : Ano nga ba ang procrastination?

Ang procrastination sa tagalog ay pagpapaliban. Ito ay laganap sa bawat mag aaral


sapagkat sila ang madalas makaranas nito. Ang pagpapaliban ay isang pangunahing
kalaban ng bawat mag aaral. Maari itong tawaging “Magnanakaw ng Oras”.

Ryza (Psychologist) : Ang procrastination ay ang pagpili ng pag gawa ng ibang bagay
bago gawin ang isang aktibidad o proyekto ng isang mag aaral. Dahil dito minsan ay
napapabayaan o nakakalimutan na ng isang estudyante ang pag gawa ng kanilang
takdang aralin o proyekto na magiging dahilan sa pagbaba sa kanilang akademikong
pagganap. Maraming dahilan kung bakit ginagawa ito ng mga mag aaral. Narito ang
mga ilan sa mga dahilan.

Mga ilang rason kung bakit nagpapaliban ang isang mag-aaral.

Paggamit ng Internet - Ang internet ang nagiging isang sanhi kung bakit maraming
mag aaral ang nagpapaliban. Sa internet kasi ay maraming nagagawa ang mga tao.
Pede kang manood, maglaro, at makipag usap sa iyong mga kaibigan online.

Perfectionism - Ito ay yung mga mag aaral na takot sa magiging negatibong kalabasan
ng kanilang gawain. Sila yung mga iniisip yung mga magiging reaksiyon o inaasahan ng
guro sa kanilang gawain.

Anxiety o Pagkabalisa - Ito ay isang pakiramdam ng pag-aalala at pagkabalisa na isa


sa nagiging sanhi ng pagpapaliban dahil natatakot sila na makaramdam ng negatibong
karamdaman sa pag gawa ng kanilang takdang gawain.
Kawalan ng motibasyon - Hindi agad nakakapag simula o gawa ang isang mag aaral
ng kanilang takdang gawain sapagkat hindi nila nakikita ang kanilang sarili sa pagiging
mahusay sa paaralan.

Zyra (Teacher) : Marami pala Ryza ang mga dahilan kung bakit nagpapaliban ang mga
mag aaral.

Ryza : Oo kaya kung may mga dahilan kung bakit ito nagagawa ng isang mag aaral ay
paniguradong may epekto rin ito.

Zyra : Ano ano kaya ang mga epekto nito?

Epekto o Karanasan.

Zyra : Upang mabigyan ang bawat isa ng malawak na pag unawa sa epekto ng
procrastination ay narito si Marc Joven Canobas upang ikwento ang kanyang
karanasan at kanyang mga natutunan dito.

Joven : Magandang Umaga po (tingin kay ryza at zyra). Magandang Umaga sa inyo
mga mag aaral ng Fidelis Senior High School.

Joven : Ako nga pala si Marc Joven na nagtapos ng kolehiyo na kursong Bachelor of
Science in Civil Engineering sa paaralang ito. Sa pagiging isang kolehiyano ko noon
hindi ko maiwasan mag prokrastination gaya niyo. Gaya nga ng mga nabanggit ng ating
psychologist na si miss Ryza na patungkol sa prokrastination ay danas ko ang lahat ng
ito, mas inuna ko muna ang mga ibang bagay na mas nakakaubos ng oras gaya ng
pagkawili sa social media, paglalaro ng mga online games at magpakasaya kasama
ang mga kaibigan kaysa gawin ang mga takdang aralin o gawain na inilaan sa amin ng
guro kung kayat naapektuhan nito ang aking akademikong pagganap na nagresulta ng
hindi kaaya ayang marka. Bago tayo magpakasaya o gawin ang anumang bagay na
makakapagpalibang sa atin siguraduhin muna natin lalo na kayong mga estudyante na
pagtuunan ng pansin o paglaanan ng oras ang mga gawain na inilaan ng guro ng sa
ganon makatanggap kayo ng kaaya ayang marka.

Zyra : Tunay na isang malaking prebelehiyo ang narinig at naibahagi mo sa amin ang
iyong karanasan lalo na sa mga mag aaral. Ito ay makakatulong sakanila na malaman
nila na may hindi nga talagang magandang epekto ang pagpapaliban at mahirap
magpaliban ng gawain sa pag aaral lalo na sa kolehiyo sapagkat napakahalaga ng oras
dito. Kung kaya’t narito ang ilan epekto ng procrastination.
Epekto ng procrastination.

Napapabayaan ang Akademikong Pagganap.

Nakakakuha ng Mababang Marka.

Nadagdagan ang Stress at Tumaas ang Rate ng Sakit.

(explanation) - Ang tatlong epekto na ito ay magkakakonektado. Kapag napapabayaan


ng isang mag aaral ang kanyang akademiko ay maari siyang makakuha ng mababang
marka na makakaapekto naman sa damdamin nito na maaring magdulot sakanya ng
kalungkutan o galit sapagkat hindi mahusay ang kanyang akademikong pagganap.

Tanungan.

Zyra : Ngayon ay dumako naman tayo sa mga katanungan ng bawat mag aaral. Kung
may nais kayong itanong ay itaas lamang ang inyong kamay upang kayo ay matawag.
Kaming tatlo nga pala ang maaring sumagot sa inyong mga katanungan.

(REYSON NAGTAAS NG KAMAY)

Q1 (REYSON): Bakit nawawalan ng motibasyon sa pag aaral ang isang mag aaral?

Sagot: Nagkakaroon ng kawalan ng motibasayon sa pagaaral ang isang magaaral dahil


gaya nga ng natalakay kanina ay hindi nakikita ng isang estudyante ang kaniyang
pagiging isang mahusay sa akademikong pag ganap. Kumbaga ay nanatili na lamang
siya sa kung ano lang ang kaya niyang gawin, hindi siya yung nagpupursige na
maganda ang resulta ng kanyang gawa.

Q2 (CARLO) : Nahirapan ka po ba Sir Joven na maiwasan ang ganitong gawain?

Sagot: Sa totoo lang ay hindi naging madali na maiwasan ito sapagkat maraming
bagay ang maaring gawin upang ipagpaliban ang isang gawain. Ngunit ang isa sa
paraan ko upang maiwasan ito ay ang pag isip sa aking sarili na kung ipagpapatuloy ko
ito ay ako lang din ang mahihirapan na makakaapekto lamang sa aking pag aaral.

Q3 (SETH): Ano pa po ang mga ibang paraan upang maiwasan ito?

SUNOD NA YUNG REKOMENDASYON/MENSAHE


Rekomendasyon/Mensahe.

(RYZA)
Sa napakaraming dahilan at epekto ng prokrastinasyon ay paano nga ba ito
maiiwasan?

• Panatilihin ang time management. Gumawa ng schedule at itala rin kung hanggang
kailan lamang ito dapat gawin.
• Kung pagod na ay ipahinga ang sarili ng ilang minuto at saka sumabak ulit sa mga
gawain.
• I set ang sarili na kailangan at dapat talagang gawin ang mga gawain, iwasan ang
mga abala o hindrance.
•Huwag isipin na ang ginagawa mo ay isang pasanin lamang sa iyo bagkus ay hanapin
mo ang saya at I enjoy mo ito.
• Kapag nakatapos ka ng iyong gawain, huwag mong kakalimutang I complement/puriin
at gantimpalaan ang iyong sarili dahil ginawa mo yung best para matapos ito ng ayos.

(ZYRA)
Tandaan na ang mga nakatala sa taas ay pawang mga payo lamang, nasa sa atin pa
din kung aayon tayo sa tama at nararapat na paggawa ng mga responsibilidad. Sa
bahay, sa paaralan o sa trabaho man.

You might also like