You are on page 1of 3

PRESSURE: EPEKTONG NAIDUDULOT NITO SA PERFORMANCE NG MGA MAG-AARAL NA

NAGNANAIS MAKAKUHA NG MATAAS NA MARKA

Panimula

Magandang nakikita kapag ang mga mag-aaral ay magaling sa pagdating sa paaralan. Sila
ay talagang maipagmamalaki ng kanilang magulang. Mataas ang tingin ng iba sa kanila dahil
mataas ang mga nakukuha nilang marka. Subalit kapag nagkaroon na ng ekspektasyon sa mag-
aaral, sila ay nakakaramdam ng pressure. Ang pressure ay ang labis o nakakastress na demand na
kung saan pinapaisip nito ang isang indibidwal upang ito ay kaniyang isipin at damdamin, o di
kaya naman ay kumilos siya ng kakaiba. Ang ganitong karanasan ay kadalasang pinagmumulan
ng cognitive at affective disorders ayon sa APA Dictionary of Psychology. Dahil dito, may iilang
naaapektuhan ang kanilang performance sa paaralan at maging ang kalusugan. Nasa 10-30% ang
nakararanas ng ganito dahil sa demand pang-akademiko (Alsulami et al., 2018). Normal ang
makaramdam ng pressure sapagkat parte ito ng buhay at ng pagsubok na pinagdaraanan sa
paraang nape-pressure ang tao upang mailabas nito ang potensyal na itinatago. Subalit sila ay
napipilitan sa bagay na hindi nila nais gawin. Ito ay maaaring magdulot ng sikolohikal na stress
sa isang tao dahil may nais ang ibang tao na dapat nilang gawin o sundin. Maaaring sila ay
makagawa ng bagay na hindi maganda sa kanilang sarili. Lalo na sa mga mag-aaral na nagnanais
makakuha ng matataas na grado sa bawat asignatura. Isa rin sa mga dahilan ang mataas na
ekspektasyon sa mga mag-aaral, kaya naman sila ay nakakaramdam ng labis-labis na pressure.
Gusto nilang mapaganda ang kinabukasan ng kanilang anak, subalit minsan ay hindi tama ang
paraan na nais nila. Nadadagdagan lang ang pressure at stress na kanilang nararamdaman na
maaaring maging ugat ng pagkakaroon nila ng problema sa pag-iisip. Hindi nila napapansin ang
epekto na naidudulot ng pressure sa kanilang mga anak. Halimbawa ay bumaba lang ng isang
beses ang kanilang anak; ito ay kanilang pagagalitan o sesermonan dahil sila ay nasanay na
mataas ang nakukuha ng kanilang anak. Para na rin itong pakikipagkumpitensya sa iba pang
mag-aaral. Sinasabi ng ibang magulang sa kanilang anak na magsumikap sila sa pag-aaral dahil
noong kapanahunan nila, hindi nila ito nagawa. Maaaring sabihing ang layon nila ay para sa
ikabubuti ng kanilang anak. Subalit nakikita ba nila na tama pa ang kanilang ginagawa? Madalas
ay ikinukumpara ng magulang ang anak sa kamag-aral nito o sa kakilala dahil mas magaling sila
kaysa sa sarili nilang anak. Sa ganitong paraan, nagsisimulang makaramdam ng pressure ang
kanilang anak sapagkat palagi nilang iisipin na magiging masaya ang kanilang magulang kapag
nahigitan nila ang kamag-aral na iyon o ang kakilala. Kapag naman hindi nila nasunod ang nais
ng kanilang magulang, kukwestyunin nila ang kanilang sarili kung bakit hindi nila mahigitan ang
ibang mag-aaral. Sila ay maaaring mawalan ng tiwala at kumpiyansa sa sarili kapag ito ay
nagtagal.

Ayon kay Sherman (2023), ang katawan ng isang tao ay naghahanap ng mga paraan
upang mailabas niya ang ganitong negatibong damdamin. Dito makikita ang epekto ng pressure
na kanilang dinadamdam. Maaaring makaapekto ito sa ugali ng isang tao at lalo na sa kalusugan.
Ang ibang mag-aaral ay labis na nakakaramdam ng stress na kadalasan ay nagiging sanhi upang
sila ay mawalan ng pokus sa paaralan na nagiging dahilan upang ang pag-aaral nila ay
magkaproblema.

Napiling gawan ito ng pananaliksik ng mga mananaliksik ang paksang ito dahil
napapansin ng mga mananaliksik na marami ang nagkakaroon ng problema pagdating sa

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO SA PANANALIKSIK


PRESSURE: EPEKTONG NAIDUDULOT NITO SA PERFORMANCE NG MGA MAG-AARAL NA
NAGNANAIS MAKAKUHA NG MATAAS NA MARKA
kanilang mga marka. Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng inspirasyon mula sa mga mag-aaral
na nakakakuha palagi ng mataas na marka. Mayroong mga katanungan tulad ng: Paano nila
napapanatili ang ganitong marka? Nakararanas ba sila ng paghihirap sa pag-abot ng ganito katas
na marka? At nais ng mga mananaliksik na maipahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan
ng pananaliksik na ito. Nais din ng mga mananaliksik na maipaalam sa mga magulang at iba pa
na mahalaga ang mental na kalusugan ng mga mag-aaral dahil hindi biro ang pag-pressure sa
kanila. Marami itong puwedeng maidulot sa kanila, kaya naman nais ng mga mananaliksik na
magawan ito ng solusyon.

Paglalahad ng Suliranin

Ang mga katanungan na sinisikap masagot ng mga mananaliksik ay:

1. Paano maaapektuhan ng pressure ang performance ng mag-aaral?


2. Ano ang kadalasang problema na kanilang nararanasan?
3. Paano nila nakakayanan ang ganitong suliranin?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pinakalayunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung ano ang epektong naidudulot ng
pressure sa performance ng mga mag-aaral na nagnanais makakuha ng mataas na marka.

 Upang maipaliwanag ang epekto ng pressure sa performance ng mag-aaral sa paaralan.


 Upang malaman kung bakit may epekto ang pressure sa performance ng mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makapagbigay ng linaw sa suliraning hinaharap ng mga


mag-aaral. Maaari nilang gawing gabay ang pag-aaral na ito upang alam nila ang kanilang
gagawin kung sakaling maranasan nila ito o ng kanilang kakilala.

 Mag-aaral – sila ang pangunahing benepisyaryo ng pag-aaral na ito dahil sila ang naging
dahilan upang magkaroon ng inspirasyon ang mga mananaliksik. Ilalahad ng mga
mananaliksik ang kanilang nararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang
nararanasan nila habang nag-aaral.
 Magulang – nais ng mga mananaliksik na ibuklat ang suliraning ito sa mga magulang na
may anak na madalas makakuha ng mataas na marka sa paaralan. Dapat nilang malaman
kung ano ang nararanasan ng kanilang anak upang makamit ang bagay na ikakatuwa ng
kanilang magulang.
 Guro – maging sila ay benepisyaryo dahil magkakaroon sila ng kamalayan na may
suliraning hinaharap ang kanilang mga mag-aaral pagdating sa pagkuha ng mga marka.
Maaaring maunawaan nila kung bakit nais ng mag-aaral na makuha ang mataas na marka.
 Mga susunod na mananaliksik – maaari nilang maging gabay ang pananaliksik na ito
upang magawa nila nang maayos ang kanilang gagawing pananaliksik. Maaari rin nilang
kuhanan ng impormasyon ang pananaliksik na ito.

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO SA PANANALIKSIK


PRESSURE: EPEKTONG NAIDUDULOT NITO SA PERFORMANCE NG MGA MAG-AARAL NA
NAGNANAIS MAKAKUHA NG MATAAS NA MARKA
Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, pag-aaralan ng mga mananaliksik ang suliraning kanilang


nararanasan—ang epekto ng pressure—tulad ng paano nagsimula ang suliraning ito, paano
nito naaapektuhan ang performance nila sa paaralan, at kung nagdudulot ba ito ng stress.
Ang mga respondante ay manggagaling sa pribadong paaralan, Sta. Cruz Academy of Lubao,
Incorporated, baiting labing-isa at labingdalwa.

Ang pinakapokus ng pananaliksik na ito ay ang epekto ng pressure na nararanasan ng


mga mag-aaral na nagnanais makakuha ng mataas na marka sapagkat ito lang ang kakayanan
ng mga mananaliksik na masiyasat. Subalit limitado lang ito sa walong tao sapagkat ito ang
bilang na maaaring makapanayam ng mga mananaliksik dahil na rin sa limitadong oras.

Kahulugan ng mga Termino

Affective disorder – isang sakit na nakakaapekto sa kalagayan ng isang tao . Sila ay lubos na
nagiging iritable, nawawalan ng gana sa buhay, nakakaramdam ng pagiging walang kwenta, at
iba pa.

Cognitive disorder – ay isang problema na naaapektuhan ang pag-iisip ng isang tao. Maaaring
dahil sa hindi balanseng hormones habang nasa sinapupunan, namamana, o dahil sa nakapaligid
sa isang tao.

Ibuklat – ipakita o maipakita sa iba ang isang bagay

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO SA PANANALIKSIK

You might also like