You are on page 1of 7

Mga dahilan at implikasyon ng “Academic Stress” sa mga Mag-

aaral ng Far Eastern University Senior High School sa Strand na

STEM

Isang Konseptong Papel

Bilang pangangailangan sa Asignaturang Komunikasyon at pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino

Ipinasa nina:

Alexandra Camille S. Alcala

Lance David

Maria Sophia Lourdes T. Lovino

Mark Danhill Egana

Rhonel Kabigting

Maurice Ethanniel Reyes

Joven Mark N. Mamon

Medlynne Cuyugan

Nathalie Kyle Dianco

Drahcir Ramos

Ipinasa kay:

Gng. Yolanda S. Lingat


GRAPHIC ORGANIZER

I. Rasyonal

Itinuturing ang “Stress” bilang isa sa mga problema ng karaniwang tao. Ito ay nasa

ikatlong pwesto kasunod ang kamatayan (death) at buwis (tax) na nasa una at

ikalawang pwesto. (Bernstein, et al, 2008). Ang stress ay isang sitwasyon kung saan

ang isang tao ay nakararamdam ng kahirapan, pagkabahala, labis na kapaguran at

kawalan ng pagasa. Ito ay dulot ng isang matinding suliranin na dumating o maaaring

dumating sa buhay ng isang tao. Ito ay may iba’t ibang anyo depende sa sitwasyon o

pangyayari. Maaaring magmula ang stress sa mga problemang pinansyal, di

pagkakasundo sa pamilya at trabaho, mababang sahod, aksidente, pagiging biktima ng

karahasan o iba pang trauma, interaksyon sa kapwa (social interaction) at iba pa. Ang

stress ay nakakaapekto sa kahit na sino, mapabata man o matanda, isa sa pinaka

naaapektuhan nito ay ang mga estudyante.

Ang bawat mga magaaral ay nagdaranas ng isang malaking suliranin sa kanilang

pagaaral. Sila ay humaharap sa stress na nakukuha sa paaralan na tinatawag na

“Academic Stress”. Ito ay isang “mental distress” kung saan may kinalaman ito sa mga

gawaing pang eskwelahan na lubhang nakakapagdulot ng kahirapan o kapaguran sa

mga estudyante. Ito ay mga problema na kanilang kinakaharap kaugnay sa mga

gawaing pampaaralan na sadyang hindi maiiwasan. Mga halimbawa nito ay ang

pagkuha ng eksaminasyon (school examination), pagsagot sa mga tanong ng guro (oral


recitation), pagpapakita ng progreso ng pag-aaral sa iba’t ibang asignatura sa paaralan,

pagintindi sa mga leksyon, kompetisyon sa mga kamag-aral at pagtupad o pagkuha ng

matataas na grado base sa ekspektasyon ng guro at magulang. Ang mga

pangangailangang ito ay maaaring labis sa kakayahan ng isang pangkaraniwang

estudyante at ang pagkalabis nito ay nagreresulta sa “Academic Stress” o pagkapagod

buhat sa pagtupad ng mga inaasahang gawain kaugnay ng pagaaral. Ito ay

sumasalamin sa persepsyon ng isang indibidwal na may akademikong pagkabigo

(Academic Frustration), akademikong problema (Academic Conflict), akademikong

kagipitan (Academic Pressure) at akademikong pagkabalisa (Academic Anxiety). Ang

Academic Frustration ay bunga ng maling gawi o pagtugon sa mga academic goals o

layunin sa isang sitwasyon. Ang pagsailalim sa mabigat na pangangailangan ng oras at

lakas upang matugunan ang mga layunin at gawain ay nakakapagdulot ng Academic

Pressure sa mga ito. At ang panghuli ay ang Academic Anxiety na kung saan ang

bawat magaaral ay nakararanas ng matinding pagkabalisa dulot ng paggawa ng mga

layunin.

Ito ang mga dahilan na nag udyok sa amin upang lalo pang alamin ang mga detalye

ukol sa “Academic Stress”. Sa pamamagitan ng papel na ito ay maipapakita naming

kung ano ano ang nagiging epekto ng “Academic Stress” sa isang mag aaral. Ang isa

pang dahilan ay hindi gaano natutuunan ng pansin ang mga ganitong isyu sa lipunan.

Ito ay dahil hindi masyadong nakikita ang epekto nito kaya hindi ito gaanong

pinoproblema ngunit kung ito’y pagtutuunan ng pansin ay maari itong makabawas sa

isa sa pinakamabigat na problema ng mga mag-aaral. Lingid sa ating kaalaman,


maraming estudyante, hindi lang sa FEU kun’di sa iba pang mga paaralan ang

nakararanas ng academic stress na lubhang nakakaapekto sa pagiging aktibo ng mga

estudyante sa paaralan. Ito ang napili naming paksang talakayin upang mabigyang

sagot ang mga katanungan kung ano nga ba ang academic stress at kung paano ito

mabibigyang solusyon sa pamamagitan ng iba’t ibang alternatibong paraan.

Ang pangunahing makikinabang sa papel na ito ay ang mga estudyante. Ito ay dahil

sila ang nakakaranas nito at maaring maging susi ang papel na ito upang mas lubusan

pa nilang maintindihan ang kanila dinaranas araw araw. Hindi lamang epekto o dahilan

ang makikita nila sa papel na ito dahil matututunan din nila kung paano mananalo sa

suliraning ito at kung paano mapipigilan ng ibang alternatibong paraan ang pag implika

ng mga mas malubha pa nitong epekto. Magbibigay rin kami ng ilang mga aplikableng

paraan kung paano ito mapipigilan na pwede nilang gawin upang masolusyunan ang

isyung ito. Ang mga magulang ay makakakuha rin ng benepisyo dito dahil gaya ng

estudyante ay maiintindihan rin nila lalo ang kinakaharap ng kanilang mga anak at mas

magagabayan pa nila ito sa kanilang buhay, Gayundin ang administrasyon ng paaralan,

dahil dito ay maaari nilang ayusin ang kanilang kurikulum upang maisaayos ang

problemang ito.

I. Layunin

Ang konseptong papel na ito ay naglalayon na:

• Malaman at masuri ang pangunahing kadahilanan at pinagmulan ng pang-

akademikong tensiyon (academic stress).


• Malaman ang mga mabuti at masasamang epekto na dulot ng tensiyon sa mga

pang-akademikong gawain para sa mga estudyante ng Far Eastern University

Senior High School sa strand na STEM.

• Maglahad ng alternatibong pamamaraan kung paano mapapamahalaan,

maiiwasan o masosolusyonan ang academic stress sa pagaaral ng isang

estudyante.

III. Metodolohiya

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman at masuri ang

pinagmulan ng akademikong tension na nakaka-apekto sa bawat magaaral. Dahil

dito ay napag desisyunan ng aming grupo na gumawa ng sarbey sa isang seksyon

sa mga mag-aaral ng Far Eastern University Senior High School sa strand ng

STEM.

Magpapalaganap ang aming grupo ng mga katanungan at iimbestigahan rin ng

grupo ang iba’t ibang bahagi ng academic stress tulad ng kurikulum na ginagamit,

mga pangkatang gawain at assessment na isa sa mga pinagmumulan ng

akademikong tensiyon. Ito ay hahatiin sa tatlong parte kung saan ang bawat
kategorya ay mayroong micro issues o sub issues. Mayroong tatlong micro issues

na nakasailalim sa kurikulum na ginagamit, dalawang micro issues naman ang

nakasailalim sa pangkatang gawain at dalawang sub issues sa assessment.

Isasagawa ang pagaaral sa Far Eastern University na lalahukan ng 50 na magaaral

na manggagaling sa strand na STEM. Upang malaman ang mabuti at masamang

epekto ng akademikong tensiyon ay kokonsulta ang grupo sa limang eksperto kung

saan sila rin ay magbibigay ng maaaring gawin o maaaring solusyon upang

mapamahalaan ang akademikong tensiyon.

II. Inaasahang Bunga

Sa pananaliksik na aming isinagawa ay inaasahan na mas magiging bukas ang isip

ng kapwa naming kamag-aral sa maaring idulot ng akademikong tensiyon. Mabibigyang

pansin ang masamang epektong dulot nito sa mentalidad, pisikal at emosyon ng isang

tao. Inaasahan din na mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaaral ukol sa

akademikong tensyon at mabigyan ng alternatibong solusyon upang mapamahalaan

ang paksang aming pinag aralan. Ito rin ay nag lalaman ng mahahalagang datos na

makakalap. Inaasahan rin naming na mas lubusan na maunawan ng aming kapwa

magaaral ang mabuti at masamang epekto ng akademikong tension.

III. Sangguniaan o Pinagkunang Datos


Bernstein, D.A; Penner, L.A; Stewart, A.C and Roy, E.J (2008) Psychology (8th
edition). Houghton Mifflin Company Boston New York.

Yumba, W. C. (2008). “Academic Stress: A case of the Undergraduate Students”.


https://www.diva-portal.org/smash/get/diva2:556335/FULLTEXT01.pdf

Loralaine.R. (2016). “Stress at Tensiyon: Ilang paraan para maiwasan ito”.


http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/ang-stress-o-tensiyon-at-ilang-
paraan-na-maiwasan-ito.html

You might also like