You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan:Dean Mark Rei A. Villanueva Baitang at Pangkat: 12- Einstein


Paaralan:Victoria National High School Main Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program Module
12 Unang Markahan - Unang Linggo
Pagpapahalaga sa Sarili
Pagtukoy sa mga Kalakasan at Kahinaan

I.Panimula
Ang pagninilay at pagpapahalaga sa iyong kalakasan ay
makabuluhan na paraan na maaaring mong ibahagi sa mundo. Ikaw at
ang iyong kalakasan ay nagpapahiwatig ng iyong kahalagahan sa
komunidad na iyong ginagalawan. Importante na malaman ang iyong
mga kalakasan dahil ito rin ang sagot sa iyong katanungan na kung ano
nga ba ang iyong natatanging layunin sa mundo. Isa rin itong hakbang
upang lubusan na makilala ang sarili. Dapat lamang na linangin ang iyong
mga kalakasan dahil dito nakabatay ang mga gawain na maaaring mong
isakatuparan tungo sa pansariling kaunlaran.
Sa kabila ng iyong mga kalakasan, may mga kahinaan din naman
na kakikitaan. Ang iyong mga kahinaan ay hindi panukat ng iyong
pagkatao. Ang bawat isa ay may mga kahinaan. Hindi lamang ikaw ang
mayroon nito. Ngunit dapat mo rin namang matuklasan kung ano nga
bang kahinaan na mayroon ka at hindi dapat ipagsawalang bahala. Ito
ang magbabalanse sa iyong buong pagkatao. At sa pagyakap mo ng
buong puso sa iyong mga kahinaan mas lalong mabibigyang puwang ang
pagmamahal sa sarili. Dito magsisimula ang ibayong pag-unlad ng iyong
mga kalakasan.
Gayunpaman, may mga kahinaan na maaari rin namang linangin
upang ito’y mapagtagumpayan. May mga bagay na hindi mo pa
natutuklasan sa iyong sarili. Anu-ano nga ba ang iyong mga kalakasan at
kahinaan? Paano nga ba pangangasiwaan ang mga ito upang maging
maunlad at makabuluhan ang iyong buhay tungo sa pagpapahalaga at
katuparan sa sarili?

II. Kasanayang Pampagkatuto


Natutukoy ang mga pansariling kalakasan at kahinaan upang
lubusang maunawaan ang sarili at magkaroon ng makabuluhang pag-
unlad.
Koda: HGSPS-le-4

III. Mga Layunin


Ang gawaing pampagkatuto na ito ay naglalayong malinang ang
iyong mga kaalaman tungkol sa pagtukoy sa iyong mga kalakasan at
kahinaan.
Inaasahan na iyong maisasagawa ang mga sumusunod na layunin:

1. matutukoy ang iyong mga kalakasan at kahinaan mula sa iba’t ibang


sitwasyon na makapagdudulot ng pansariling kaunlaran;
2. maibabahagi mula sa mga gawain ang pagtanggap sa mga kahinaan
bilang bahagi na iyong pagkatao at maipapakita ang mga paraan kung
paano ito mapagtatagumpayan; at
3. maipapamalas mula sa isang gawain ang pagpapahalaga sa sarili sa
kabila ng mga kahinaan.
IV.Pagtatalakay

Ang pagtukoy sa kalakasan at kahinaan ay daan upang mas lalong


makilala ang sarili. Ang kalakasan ay kasanayan at kakayahan na
madaling naisasagawa. Kapag natukoy ang mga kalakasan, magiging
madaling pumili ng mga gawain na maaaring magkapagdulot ng
pansariling kaunlaran at kumpiyansa sa sarili. Ang kahinaan ay kasanayan at
kakayahan na hindi naisasagawa ng buong kumpiyansa. Ito minsan ang
nagiging sanhi ng pakawala ng tiwala sa sarili at maaaring makapagdulot
din ng pagkalumbay o depression. Kapag natutukoy ang mga kahinaan
mas madali itong mauunawaan at mapapangasiwaan. Isang magandang
gawi ang pagkakaroon ng kamalayan sa iyong mga kahinaan.
Ang kalakasan at kahinaan ay bahagi ng iyong katangian. Upang
magkaroon ng magandang istratehiya sa pag-unlad, sikapin na
maunawaan at matukoy ang bawat kalakasan at kahinaan. Sa ganitong
paraan magiging akma ang bawat kilos tungo sa iyong mithiin.
Ano nga ba ang dapat isagawa, pangasiwaan ang mga kahinaan
o magpokus na lamang sa mga kalakasan? Maaaring maging kasagutan
na depende ito sa sitwasyon. Halimbawa sa pangkatang gawain, ang
ibinigay
2
na gawain sa inyo ng iyong guro ay ang makapagpakita ng dula-dulaan sa
klase. Alam mong mas nakalalamang ang iyong kaalaman sa pagsusulat
ng script kaya ang kakayahan na ito ang dapat na piliin at pahalagahan.
Sa ibang banda, may mga pagkakataon na kailangan ding
linangin ang iyong sarili mula sa iyong mga kahinaan lalo pa’t ito’y
kinakailangan sa sitwasyon. Kapag ikaw ay naatasan sa isang gawain na
hindi akma sa iyong katangian at kakayahan, subukan itong pag-aralan at
huwag agad maging negatibo. Sa panahon natin ngayon maraming
paraan na makatutulong na mapagtagumpayan ang mga kahinaan.
Paano nga ba matutukoy ang mga kalakasan at kahinaan?
Makatutulong ang mga sumusunod na paraan upang maunawaan at
mapangasiwaan ang mga kalakasan at kahinaan.
1. Pahalagahan ang iyong pagsusumikap. Maging masaya sa iyong
tagumpay na naging bunga ng iyong pagpupunyagi at pagtitiwala sa
iyong kalakasan at kakayahan. Sa ganitong paraan pinalalakas nito ang
iyong kumpiyansa sa mga susunod pang gawain at pinagtitibay nito ang
pagpapahalaga sa sarili. Isaisip na ang iyong pagpapahalaga sa
pinagsumikapan ay pagpapakita ng iyong katatagan.
2. Ilista ang mga gawain na iyong ginagawa. Isulat ang mga gawain na
nagbibigay sa iyo ng kasiyahan at kalungkutan, magiging gabay ito upang
matukoy ang iyong mga kalakasan at kahinaan. Anong mga gawain ang
gusto mong isinasagawa? Anong mga gawain naman ang hindi
nakapagdudulot ng iyong kasiyahan? Sa iyong emosyon malalaman kung
ang gawain na ito ay iyong kalakasan o kahinaan. Maaaring isulat ang
mga gawaing ito batay sa iyong nararamdaman. Ilagay sa unang bilang
ang gawain na iyong kinagigiliwang gawin at pinakahuli ang sa tingin mong
hindi ka nasisiyahang gawin.
Mula sa mga pag-aaral natuklasan na ang pagsusulat tungkol sa
mga pangyayari sa iyong buhay o journaling ay isang mabisang paraan
upang malaman ang mga kalakasan at kahinaan. Sa mabisang paraan ng
pagkilala sa sarili mas lalong magiging madaling matuklasan ang mga
kalakasan.
3. Magkaroon ng pagninilay sa iyong personal na pagpapahalaga.
Nahihirapan alamin ang mga kalakasan at kahinaan dahil minsan hindi
nabibigyang-pansin ang ating “core values”. Ang “core values” ay
humuhubog sa ating mga paniniwala tungkol sa ating sarili, sa ibang tao,
sa buhay, at sa mundong kinagagalawan. Ito ang nagsisilbing pundasyon
at batayan sa pagharap natin sa buhay. Ang pagninilay sa iyong personal
na pagpapahalaga ay makatutulong upang suriin ang bawat aspeto ng
iyong buhay kung ito ba ay isang kalakasan o kahinaan maging iba
man ang

3
tingin ng ibang tao tungkol dito, mahalaga na ito ay isalang-alang.
Maaaring isagawa ang mga sumusunod:

Isipin ang mga taong binibigyan mo ng respeto. Anu-anong mga


katangian nila ang iyong hinahangaan?

Tandaan mo ang mga pangyayari sa iyong buhay na lubos kang


natuwa at nakaramdaman ng sobrang katuparan. Kailan mo ito
naramdaman? Anong nangyari? Sinong kasama mo? Bakit ganon na
lamang ang iyong naging pakiramdaman?
Ipalagay natin na ang iyong bahay ay kasalukuyang nasusunog
(nasa ligtas na lugar na ang iyong pamilya at alagang hayop), anong
tatlong bagay ang pag-iisipan mong sagipin, at bakit?
4. Suriin ang mga tugon sa bawat pangyayari. Ngayong malinaw na sa iyo
ang taglay mong personal na pagpapahalaga, suriin mo naman ngayon
ang iyong naging tugon sa mga pangyayari na nauulit. Halimbawa, lubos
mong hinahangaan sina Bill Gates at Richard Branson dahil sa kanilang
pagiging malikhain at magaling na entreprenyur. Maaaring ipinapakita
nito ang iyong pagpapahalaga sa ambisyon, kompetisyon, at katalinuhang
kakaiba sa nakararami.
Kung ikaw naman ay nakararamdam ng pagtugon sa iyong
komunidad, marahil ang iyong pagpapahalaga ay ang pag-aaruga sa
mga mahihirap, pagtulong sa komunidad, at gumawa ng pagbabago na
makatutulong sa mga kapus-palad. Ang bawat tao ay maaaring
magkaroon ng marami at iba’t ibang personal na pagpapahalaga.
5. Tukuyin kung ang iyong buhay ay nakaugnay sa iyong pagpapagalaga.
May mga pagkakataon na nararamdaman natin ang kahinaan sa isang
aspeto ng ating buhay marahil ang buhay natin ay hindi tugma sa ating
pagpapahalaga. Ang tawag natin sa buhay natin na nakatugma sa ating
pagpapahalaga ay “value-congruent” na pamumuhay. Kapag
magkatugma ang buhay natin sa ating pagpapahalaga mas mararanasan
natin ang kasiyahan at tagumpay sa anumang gawain.
6. Magtanong sa mga taong nakakasalamuha tungkol sa iyong mga
katangian. Makatutulong ito sa pagsuri ng iyong mga kalakasan at
kahinaan. Tinatawag itong, Reflective Best Self (RBS) exercise. Malalaman sa
ganitong paraan ang pagtingin ng ibang tao tungkol sa iyo. Maaaring isali
sa mga taong pagtatanungan ang iyong pamilya, kaibgan, kaklase, at
guro. Maaaring tanungin sa kanila kung anong mga katangian mo na sa
tingin nila ay iyong kalakasan at kahinaan. Itanong ang mga sitwasyon na
kinakitaan ang iyong kalakasan at kahinaan. Maging anuman ang kanilang
tugon mahalaga upang lubusan na makilala ang sarili.

4
7. Ilista ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan at katuparan sa
sarili (self-fullfillment). Isipin ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng
kabuluhan at katuparan sa sarili. Isaalang-alang ang mga gawain na nais
mong mapagtagumpayan at kung sa paanong paraan ito makakamit.
8. Isaalang-alang ang iyong mga motibasyon sa pang-araw-araw na
gawain. Kasabay ng iyong mga kasiyahan, ano nga ba ang mga
motibasyon mo upang ipagpatuloy ang iyong mga gawain? Sa iyong
journal isulat ang mga motibasyon na ito. May mga panahon na
napakataas ng iyong enerhiya na napagtagumpayan mo ang mga
nakaatang na gawain, ikwento mo ito sa iyong journal. Ano ang naging
motibasyon mo upang maisagawa at matapos ang gawain na ito?
Gunitain ang pangayayring ito upang maging inspirasyon sa araw-araw.
Ang mga tinalakay na paraan ay maaaring makatulong sa pagtukoy
ng iyong kalakasan at kahinaan. Tandaan na nakasalalay pa rin sa iyong
desisyon ang ikabubuti ng iyong buhay. Bawat araw ay may panibagong
pag-asa. Maging masayahin at positibo sa mga ibinigay na pagkakataon.
Ang iyong mga kalakasan at kahinaan ay maaaring pangasiwaan tungo sa
katuparan sa saritli. Isaisip na ang pinakamahalaga sa takbo ng buhay ay
ang pagmamahal sa sarili sa kabila ng iyong mga kahinaan.
V. Mga Gawain
Gawain 1. Written Tasks
A.1 Panuto: Unawain ang bawat pangungusap. Lagyan ng masayang
mukha  ang patlang kung ang gawain ay isang paraan upang matukoy
ang mga kalakasan at kahinaan at malungkot na mukha naman  kung
hindi.
 1. Alalahanin ang iyong mga core values upang maitugma ito
sa bawat gawain.
 2. Magpokus lamang sa mga katangian na kinakikitaan ng
iyong kalakasan.
 3. Ang pagiging positibo sa mga ibinigay na pagkakataon ay
nararapat na ugaliin.
 4. Upang maintindihan ang sarili, mas makabubuting
sa pamilya lamang magtanong.

 5. Ang malalim na pagninilay sa pangaraw-araw na gawain ay


makatutulong sa pagsusuri ng kalakasan at kahinaan.

A.2 Panuto: Suriin ang bawat pangungusap kung ito ay makatutulong o hindi
sa pangangasiwa sa iyong mga kalakasan at kahinaan. Ilagay ang
salitang sumasang-ayon o di sumasang-ayon.

5
_sumasang ayon 1. Magpokus sa kalakasan ngunit bigyan din ng pansin
ang mga kahinaan.

Di sumasang ayon2. Ang mga kahinaan na iyong taglay ay nagiging


sukatan ng iyong pagkatao.

Sumasang ayon 3. Upang maging maayos ang takbo ng iyong buhay


itugma ito sa iyong mga pagpapahalaga.
Sumasang ayon4. Maging positibo sa mga gawaing ipinagkaloob sa iyo.
Marami ka pang dapat matutunan.
Sumasang ayon 5. Ang mga paghahalaga mo sa buhay ay
nakakaapekto at nakapagdudulot ng balakid sa iyong mga kahinaan.

Gawain 2. Performance Tasks


B.1 Panuto: Bukod sa mga natalakay na paraan ng pagtukoy sa mga
kalakasan at kahinaan, gumawa ng sariling listahan na maaaring
makatulong sa pagtukoy ng iyong mga kalakasan at kahinaan.

Mga Paraan ng Pagtukoy ko sa aking mga Kalakasan


at Kahinaan

1.-pag subok sa sarili, sa paraang pag papahirap o sa pag subok ng mga gawaing
wala sa iyong kasulukuyang abilidad ay malalaman mo kung gaano pa kalayo ang
iyong agwat sa abilidad na nais mong makamit sa kasulukuyang abilidad mo
ngayon

2. Pag record sa sarili, sa pamamaraang ito ay makikita mo ang pangatlong


perspektibo mo sa iyong sarili o tinatawag ren na third person point of view,
maari mong makita ang mga bagay na dapat mong baguhin o ayusin

3. ginagawa ko ang lahat ng parte ng isang bagay sa pamamaraang ito malalaman


ko kung saan ang aking kalakasan depende sa oras o sa hirap na aking naranasan
na pag gawa ng mga bagay na ito
_

6
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Napakahusay Maayos Nangangailangan Puntos


Batayan ng Tulong
10 8 6

Nilalaman

Paninindigan

Konsepto
KABUUAN/30
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng
puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Pagnilayan ang iyong katangian. Ilagay sa Hanay A ang iyong
mga kalakasan at sa Hanay B naman ang iyong mga kahinaan.
HANAY A HANAY B

Ang Aking mga Kalakasan Ang Aking mga Kahinaan

1. Multi Tasking 1. easily bored

2. Creative Thinking 2. low social skills

3. Flexible Mind 3. Unathletic

4. Master of Acceptance 4. can’t focus on one thing

5. Unpredictable 5. my eye

Sagutin ang mga tanong nang buong pagpapahalaga.


1. Anong kahinaan ang nais mong linangin? Bakit mo ito gustong isagawa?
Aking mata, gusto ko madama na normal ako, nabully ako dahil dito

7
2. Alin sa mga kalakasan ang nais mong paunlarin? Sa paanong paraan
mo ito isasagawa? Multi tasking, Sa pagsasanay nito ay mababawasan ang oras at
pagkakamali ko na nangunguhulugang mas efficient na pag gawa

3. Magbigay ng isang pangyayari kung paano nakatutulong ang iyong mga


kalakasan sa iyong buhay? Ano ang naramdaman mo sa ganitong
sitwasyon? Nung kami ay nasa tournament sa larong PUBGM, ako ang nagsisilbing in-game
leader at kinakailangan ko pagsabay sabayin ang paglalaro at pag iisip ng taktikang aming
gagawin upang manalo, at kadalasan na ang aming plano ay nahahadlangan dulot ng mga
kakompitensya at kinakailangan naming magbago ng plano ng wala sa oras, at kung matalo
man kami ay hinahanap namen ang aming papgkakamali upang maiwasan sa susunod na
tourneyo

VI.Pagsusulit
Panuto: Mula sa kahon, piliin ang titik na angkop sa bawat pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa patlong.

A A.1.Pahalagahan
Maging masaya
ang sa iyong
iyong napagtagumpayan na gawain.
pagsusumikap
C B.2.Ilista ang mga
Mahalaga rin gawain na iyong
na matukoy angginagawa
iyong pagpapahalaga sa
buhay. C. Magkaroon ng pagninilay sa iyong personal
b 3.naMagandang paraan din ang pakikinig sa mga sinasabi ng
pagpapahalaga
eksperto tungkolsa iyong personalidad.
D. Magtanong sa mga taong nakakasalamuha tungkol sa
E 4. Naisasagawa natin ang mga gawain dahil sa kakaibang
iyong pagkatao
sigla at enerhiya na nararamdaman.
E. Isaalang-alang ang iyong mga motibasyon sa
d 5. Ang emosyon sa bawat pangyayari ay maaaring
pangaraw- araw na gawain
makapagtukoy sa iyong kalakasan at kahinaan.

8
VII. Pangwakas
Panuto: Bumuo ng isang pagninilay na sa kabila ng iyong kahinaan, pipilin
mo pa ring mahalin ang iyong sarili at magpatuloy sa iyong gawain na
may wastong determinasyon at pagpapahalaga.

PAMAGAT: ___me, myself and I_____

___mahal ko parin ang aking sarili sa kabila ng aking mga kahinaan dahil kung wala ang aking

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

PAMANTAYAN % PUNTOS

1. May katuturan ang nilalaman 40


2. Nagtataglay ng makabuluhang paninindigan 30
3. May kaugnayan ang mga ideya 20
4. Paggamit ng wastong bantas 5
5. Maayos na pagkakasulat 5
TOTAL 100
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay
ng puntos para sa gawain.)

VIII. Sanggunian

Leadership 101: Why do you Need to Know Your Strengths and


Weaknesses https://leadershiplifesupport.com/know-your-strengths-
weaknesses/

How to Identify your Strengths and Weaknesses


https://www.leaderonomics.com/articles/personal/why-its-important-to-
know-your-strengths-and-weaknesses

9
How to Identify your Strengths and Weaknesses
https://articles.bplans.com/how-to-identify-your-strengths-and-weaknesses/

How to identify your Strengths and Weaknesses


https://www.wikihow.com/Identify-Your-Strengths-and-Weaknesses

https://www.google.com/search?

IX.Susi sa Pagwawasto
Written Works Pagsusulit

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing


Pagkatuto

Manunulat: Christina A. Latoga


Patnugot: Madilene E. Supan
Tagapagsuri ng Nilalaman: Ana Gracia G. Catalan
Jonathan M. Alug
Patnugot ng Wika: Noel A. Quirante
Grupo ng Tagapaglinang: Dionisio D. Madriaga, PhD
Aurora S. Francia

10

You might also like