You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 8

W5 Markahan Ikatlo Petsa Pebrero 7, 2022


I. PAMAGAT NG ARALIN Pagtatagumpay ng Isang Indibidwal Laban sa Kanyang mga Kahinaan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Nakapaglalahad ng mahalagang katangian batay sa napiling karera. (State
KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCs) one’s meaningful characteristics relevant to the chosen career)
HGJC-IIIf-16
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nakapaglalapat ng kakayahang pumili ng sariling larangan batay sa iba’t ibang mga salik tungo sa
pagkamit ng mga layunin sa buhay. (Apply the ability to choose their own field based on the
different factors toward achieving goals in life.)

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Sa nakaraang aralin, pinag-aralan mo kung paano maging huwaran sa iyong kapwa tao para makamit ang kapayapaan. Sa araling ito naman
ay maipamamalas at mauunawaan mo bilang mag-aaral kung paano ang makahulugang katangian ay may kaugnayan sa iyong napiling propesyon sa
pamamagitan ng pagtatagumpay sa mga kahinaan bilang isang indibidwal. Bagkus, sa pamamagitan din nito ay mas maipakikita mo ang iyong angking
potensiyal, kahusayan at talento na ibinigay sa iyo ng Poong Maykapal upang lalo mong mas mapagyamanan ang mga ito.

Paunang Gawain. Tingnang mabuti ang sinasaad sa bawat bilang at isulat sa patlang kung ito ay KALAKASAN O KAHINAAN.

1. KAWALAN NG PASENSIYA -
2. KATAPATAN -
3. MAY PANANAGUTAN -
4. MAKASARILI -
5. PAGKAMALIKHAIN -
6. PAGTITIYAGA -
7. PAKIKIPAGKAPWA -
8. KADUWAGAN -
9. MAKASARILI -
10. PAGTATANIM NG SAMA NG LOOB -

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 minuto)

Sa paunang gawain ay nakita mo kung ano-ano ang mga kalakasan at kahinaan na maaring taglay ng isang tao. Mahalaga na alam mo rin sa
iyong sarili na mayroon karin nito. Dapat mong tandaan na ang mga ito ay likas sa isang tao na nagiging dahilan upang magkaroon ka ng sapat na
pagkakilala sa iyong sarili. Maituturing ang mga ito na mga katangian na maaring makatulong sa iyo lalo na sa iyong napiling propesyon bilang araw sa
pamamagitan ng tama at wastong pagsasabuhay sa mga ito.

Marahil, nagtatanong ka sa iyong sarili kung paano ang mga kahinaan mong taglay ay magiging mga kalakasan ng sa gayon ito ay makatulong
at makapaghatid sa iyo sa tagumpay sa buhay. Alam mo ba na maari mo itong makamit, ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng determinasyon at
tiwala sa iyong sariling kakayahan. Ang pagkilos at paghahangad mon a malampasan ang iyong kahinaan ay patunay lamang na ikaw ay mayroong
makabuluhang katangiang taglay na maaring makatulong at makapaghatid sa iyo na maabot ang karapat-dapat na propesyon na ninanais mo sa iyong
buhay.

Para bigyan ka ng gabay kung paano gagawin ito, maari mong basahin ang pagpapalalim na mula sa artikulo na pinamagatang Achieve your
Goals by Overcoming your Weaknesses Published on June 23, 2020 ayon kay Robert Chen.

Palagi mo bang nakikita sa iyong sarili na may mga pagkakataon na hindi mo kayang mapagtagumpayan ang mga ninais mo sa buhay?
Marahil ito ay sa kadahilanang mas higit na umiiral sa iyo ang mga kahinaan na palagi mong nakikita sa iyong sarili. Kaya napakahalaga na makita mo
at malaman ang mga ibat- ibang pinagmulan ng iyong mga kahinaan. Mahalaga din na maindihan mo na hindi lamang ang mga kalakasan ang
binibigyan ng pansin subalit kalakip din nito ang pag-intindi sa iyong mga sariling kahinaan. Alam mo ba na ang mga tinataglay mong kahinaan ay
maaring maging lakas mo rin bilang isang tao? Ito ay maghahatid at magbibigay sa iyo ng magandang dahilan upang mas maabot mo pa ang iyong
mga pangarap sa buhay.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Narito ang mga ilang paraan kung paano mo matutukoy ang iyong mga kahinaan:

Ayon kay Chen (2020) mahalaga na tanungin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng katanungan na ito: Ano sa palagay mo ang mga
pangyayari na nahihirapan ka subalit madali sa iba na ito ay malagpasan? Sinasabi dito ang kakayanan mong malaman ang iyong kahinaan sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga ito ay makakapagbigay diin sa mga posibleng dahilan:

1. Tanggapin ang iyong mga Kahinaan at gawin itong kalakasan.


- Ito ay sadyang napakahalagang pamaraan na dapat mong piliin sapagkat likas sa iyo bilang nilikha na ikaw ay may kakayanan o
potensyal na gawing kalakasan ang iyong kahinaan sa pamamagitan ng paglaan ng iyong mga kakayanan para sa pagpapabuti at
pagpapaunlad sa iyong sarili. Sa pamamagitan ng pagkilala mo sa tunay mong kahinaan ay makapagdudulot ito ng magandang
paraan na mapatunayan at matanggap mo sa iyong sarili na hindi lang ikaw ang nagtataglay ng nasabing kahinaan subalit halos
lahat ay mayroong kahinaan ding taglay.
2. Tanggapin ang iyong mga kahinaan at humanap ng mga taong tutulong sa iyong mga kahinaan.
- Napakahalaga na alam mo na ikaw ay hindi nag-iisa sa mundo. Dapat tandaan mo na ikaw ay may karamay na handang tumulong sa
iyo sa oras ng iyong pangangailangan. Ang dapat mo lamang gawin ay maghanap ng mga taong mapagkakatiwalaan. Gayundin
dapat isaalang- alang na ang mga taong ito ay dapat nagtataglay din ng kalakasan. Sa panahong ikaw ay humaharap at
nakakaranas ng kahinaan siguraduhing sila ay nagtataglay ng kalakasan na siyang magdudulot ng magandang impluwensiya
upang ikaw ay magtagumpay sa kahinaan.
3. Palitan mo ang iyong ninanais sa buhay kung ito ay hindi para sa iyo.
- Ang pinakahuling pamamaraan na ito ay ang pinakamainam sa kadahilanang ito ay magtutulak sa iyo na malaman mo sa iyong
sarili kung akma ba ang ninanais mo sa buhay. Nakapagbukas ito ng magandang pananaw sa iyong sarili kung akma ba ang
ninanais mo sa buhay o di kaya ito ay sang-ayon ba sa iyong sariling kakayahan na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Dapat mong
isaalang-alang na sadyang may nakahandang para talaga sa iyo na akma sa iyong sariling kakayahan.

Sinasabi ni Chen (2020) “Huwag mong hayaan na ang kahinaan ay maging hadlang para makamit mo ang tagumpay.
Dapat isipin kung paano mo mapamahalaan ang iyong kahinaan ng sa gayon ikaw ay magtagumpay sa buhay.”

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: BINGO CARD. Kulayan ang mga salita na may kinalaman sa nais mong propesyon sa buhay. Sa bandang FREE ay isulat
ang ninanais mong propesyon sa buhay. Pagkatapos ay sagutan ang mga kasunod na tanong. Isulat ito sa sagutang papel.

BINGO

Magaling sa Matematika Mahilig sa musika Mahilig sa sport Kayang ipagtanggol ang Mahilig sumali sa
kapwa Religious activity

Mahusay makisama Mahilig magsulat Magaling sa spelling Masipag at matiyaga Mahilig magdesign ng
damit

Magaling magluto Mahilig kumanta FREE Magaling sumayaw Mahilig sa acting

Palakaibigan Mahilig magbasa Responsable Mahusay sa computer Magaling sa kuwento

Magaling sa tula Nagpipinta Mahilig sa modelling Mapagkatiwalaan Magaling mamuno


IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Mga tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang gawain?
2. Sa mga kinulayan mong mga salita, ito ba ay may kaugnayan at tumutukoy sa propesyong nais mo sa buhay? Ipaliwanag

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamit ang iyong natutunan sa Filipino sa paggawa ng tula, ipahayag ang sariling karanasan kung paano mo
napagtagumpayan ang mga kahinaan at mula dito, ano-ano ang iyong mga nalinang na katangian na maaari mong gamitin para makapamili ng isang
propesyon. Pagkatapos, ipaliwanag mo ang iyong ginawang tula sa loob ng 3 – 4 na pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Paliwanag:

Pamantayan 5 3 1
Nilalaman Malinaw na naipahayag ang Hindi gaanong malinaw ang Hindi malinaw ang
mga hinihingi sa tula naipahayag sa tula ipinahihiwatig ng tula.
Pagkamalikhain Orihinal at buong kaayusan Ang tula ay orihinal subalit Ang tula ay hindi orihinal at
nabuo ang tula kulang sa kaayusan walang kaayusan
Paliwanag Nakapagbigay ng 3-4 na Nakapagbigay ng 2 pangungusap Nakapagbigay ng 1 pangungusap
pangungusap na paliwanag sa na paliwanag sa nabuong tula. na paliwanag sa nabuong tula.
nabuong tula.
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Buoin ang mahalagang kaisipan sa araling ito.
Ang kakayahang ang mga bilang paraan ng tamang pagpili ng kanilang sariling larangan o nais na sa
buhay.

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras:

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 3 minuto)



• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng
Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko angaralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
VII. SANGGUNIAN Chen, Robert, “Achieve your Goals by Overcoming your Weaknesses,” Linkedin, Published on June 23, 2020
https://www.linkedin.com/pulse/achieve-your-goals-overcoming-weaknesses- robert-
chen/?articleId=6675441052977020929

Inihanda ni: GEORGE A. MALUPING Sinuri ni: LORNA M. CUSTODIO

Modality: Online Distance Learning Baitang at Grade-8 Sycamore


Seksyon:

You might also like